“Tara. Uwi na tayo. Gabi na din oh. Girls, salamat sa tulong. Kuya Jhake at Ate Ianne. Salamat din. Seth, kirby at Christian. Salamat” tapos naglakad na ko palayo.

May talent pala ko dito no, sa pag-arte. Kunwari ok lang ako. Pero ang totoo, basag na basag na ko sa loob.

Pinaandar ko ng mabilis yung sasakyan ko. Di ko alam kung san ako pupunta. Kahit san. Kahit san na makakalimutan ko yung sakit. Kahit san na pwede kong kalimutan yung ginawa ni Trixie.

Hindi ako galit sa kanya. Sabi nga ni Daddy, di ko hawak yung puso niya. Pero di ko maikakailang nasaktan ako. Para akong namatay sa ginawa nya.

Trixie, bakit hindi ako? Bakit hindi ako yung miracle na hinihintay mo? Hindi rin ba ikaw yung nakatakdang maging prinsesa ng puso ko?

Ayoko Trixie. Ayoko sa iba. Ikaw lang yung minahal ng puso ko ng ganito. Ikaw lang yung nag-iisang babaeng dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

*SCREEEEEEEEEEEEEEECCCCH*

hininto ko yung sasakyan ko. Hindi ko na kayang magmaneho. Nanginginig na yung buong pagkatao ko.

Sa tala ng buhay ko, ngayon lang ako umiyak ng ganito. Umiikot na yung Paligid ko. Nahihilo na ko.Kaya pala mas gusto ng ibang uminom ng alak kaysa umiyak kasi pareho lang din naman yung epekto.

Pagyuko ko ng ulo ko, nakita ko yung kwintas.

Trixie. Bestfriend pa rin naman kita di ba? Bestfriend mo pa din ako. Di ko tatanggalin to. Kung ito na lang makakapagpaniwala sakin na ako pa rin bestfriend mo.

Sinandal ko lang yung ulo ko sa manibela. Masakit. Sobrang sakit. Ang hapdi hapdi. Para akong sinasakal. Parang pakiramdam ko, pinapatay ako ng unti-unti.

Nung medyo magaan na yung pakiramdam ko, umuwi na ko samin. Sana natutunan ko na lang kung panu uminom ng alak, para kahit papano mabawasan yung sakit. Kaso hindi e.

Pagpasok ko ng bahay, may naririg akong tawanan galing ata sa dining area.

“ma . Pa.” nagmano lang ako sa kanila at nakita ko si Bianca.

“Lance, anung nangyari?” ang galing mambasa ng nanay ko. Nakuha niya agad na di ako ok.

“Ma, sa susunod na lang ako magkukwento. Pag kaya ko na. Aakyat na po ako” sinabi ko na hindi man lang pinansin yung bisita nila.

Humiga na ko sa kama.

“Naamin ko na. Pero walang nangyari e.” kinakausap ko nanaman yung kisame namin.

Ayoko ng umiyak. Masakit sa ulo. Masakit sa mata.

‘Lance.”

diba marunong kumatok tong babae to?

“Anung kaylangan mo?”

STATUS: Waiting, Hoping and Praying (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon