Chapter 1 - Coincidence

160 5 7
                                    

Hi! New story po namin, as in frist story na ipo-post namin. :D

Please support us. Yup, grupo po kami eh. :)

***********

Rain's POV

Weeeeww!! New day!

So excited na naman ako.Ganyan na kasi ugali ko eh. For me everyday is a gift that i must enjoy. Hehe. 

Hmmm? Enjoy. Paano ko nanaman ma-eenjoy ang araw na ito?

Wala kasi dito parents ko eh.

Si Mama may binisita siyang ka-sorority. Si Papa naman, busy sa opisina. Hmmp. Palaging busy ang mga yun.

Aha! 

May bago na naman akong trip.

"Yaya, pakisabi kay manong ako na lang mag-isa ang pupunta sa school. :)" utos ko sa masunurin naming yaya.

"Uhh, ate, baka ho may mangyari sa inyo. Pagagalitan pa kami ni Sir. Kami rin po kawawa at ikaw din po. Ate, magpahatid na lang po kayo." mahinhin niyang sabi.

"Don't worry yaya. Memorized ko naman ang buong city eh. Hindi ako mawawala. Atsaka, jeep lang naman ang sasakyan ko eh. Kaya ko sarili ko. Sige na, pakisabi na lang kay manong para din makapagpahinga na rin siya. ^^" sabi ko.

"Uhhh. . . Sige po. Bahala po kayo." sagot niya at umalis na rin.

I stood up na from the bed. And nag-stretching pa ako. 

Sayang. Hindi ko matandaan panaginip ko eh. Wala akong maiikwento kay Meha. 

Ok lang, ikukwento ko na lang itong pagsakay ko sa Jeep.

Ako yung tipong mahilig sa mga trip. Pero hindi dahil ganon ako, pabaya na ako. Masunurin akong anak, pero gusto ko kasi mag-enjoy. I'm also genius no! And pretty and white and lovely and PERFECT! Joke!

Hindi ko pa alam kung paano ko ide-describe sarili ko. So ayun nga. Naligo na ako at pagkatapos ko maligo, nagbihis na ako sa super gorgeous kong uniform.

Isinabit ko yung necktie ko at isinuot ang 15th birthday gift na bracelet na ibinigay sa akin ni Einel.

Ahh! atsaka yung necklace na bigay sa akin ni Mama since 8 years old ako. Ahh! At yung singsing na tanda bilang pagiging BFF namin ng napakaganda kong kaibigan na si Juliet.

Papunta na ako sa labas ng bahay. Pababa na ako ng hagdan. Hayy. Ang laki ng bahay namin kaya nakakatamad bumaba eh. Hihi.

May nakakalimutan ata ako eh. Ahh! Yung phone ko. 

Tumakbo ako papuntang taas. Kinuha ko yung phone ko at tumunog naman yung phonechain niya nay may malalaking letra na R-A-I-N na bigay sa akin ni Meha nung 15th birthday ko.

Masyado kong pinapahalagahan yung mga bagay na ibinibigay sa akin. Kasi hindi ko naman kaya na walain sila. Parang hindi ko mapapatawad sarili ko. Nakaka-konsensya lang eh.

Nilagay ko na yung phone ko sa Crossbag ko. 

Hayy, nakakapagod na! Bumaba na ako, bumalik pa at bumaba ulit. Pheww!

Teka, hindi ata ito yung nakakalimutan ko eh. Eehh, kahit na! 

Excited na ako mag-jeep! Yehey!!

Lumabas na ako sa bahay.

Pumunta ako sa pinaparaan ng mga tao. May nakatayong lalake dun. So may kasabay akong papara ng jeep.

Yehey! Atleast, may kasama ako. Hindi ako marunong pumara eh. Nakakahiya.

Passenger SeatWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu