CHAPTER 24: Selos ^__^

10.1K 194 16
                                    

DYRLLE's POV.

"So mas gusto mo siya?" malungkot na tanong ko.

Tss sana sinabi nya sakin agad diba? Para naman mapigilan ko yung sarili ko, yung nararamdaman ko. Para 'di na ako aasa. Masakit kaya yun para sa side ko, pinsan ko yung gusto nya.

"Yep!" masigla niyang sagot sa tanong ko na ikinaguho ng mundo ko.

Mas lalo akong nanlumo nung marinig kong sa bibig nya mismo nanggaling yun.

Masakit pala.

"AYUN OH! SELOS!" pang-aasar ni captain.

Bakit pa kasi nya alam?

"Tss" ako.

Ngayon pa lang siguro I need to control myself.

I should stop this nonsense. Kailangan ko na siyang kalimutan! Kalimutan na may naramdam ako sa kanya dahil wala rin namang patutunguhan kung sakaling ipaglaban ko siya.

Dahil nakapili na siya.

May gusto syang iba.

Nung una ang akala ko si captain lang ang pwede kong kalaban, 'di ko naisip na dapat ko rin pa lang kalabanin yung gusto nya at pinsan ko pa na lagi kong katulong sa bagay bagay. Tinulungan niya ako dati na  hanapin si Princess, ngayon sya naman ang dapat kong tulungan pati ang sarili ko.


Lumakad ako, 'di ko alam pero ayoko muna siyang makita.

"Haha kupal halika nga dito!" Airam at hinila ako pabalik sa kanila.

"Tsk bakit ba?!" ako.

Ano ba!?

Hindi ako makakapag move on pag lagi kitang nakikita.

"Ito! Selos ka na naman haha! Gusto ko 'yung pangalan dahil sa gusto ko hahaha si Jack the 

skeleton," natatawang sabi ni Airam.

"Haha! Sabi na, 'yun yung sasabihan niya," sabi ni Blue.

Teka anong ginagawa ni Blue dito?

Kilala ba niya sina Airam?

Ay oo nga pala, siya pala ang tumulong kina Airam kanina.

Dapat pa pala akong magthank you sa kanya dahil kung 'di niya napigilan ang mga gagong yun, baka wala na sa akin si Airam.

"ANO BA, KAKAIN BA TAYO O HINDI!?" asar na sabi ni captain.

"TARA GUTOM NA AKO!" sigaw din ni Aj.

Gutom na gutom captain?

"EY! AJ!" sigaw ng babae.

Naglingunan naman kami kung sino 'yun.

'Yung mga kaibigan lang pala nila ni Airam na sina Krissa na dala 'yung mga bag nila Airam.

"TARA SAMA KAYO SA'MIN, KAKAIN KAMI!" Harbie.

"Sige! Sige masaya yan!" sabi nung Allniet.

Hinawakan ko yung kamay ni Airam. Ewan pero parang naging bisyo ko na ang pag hawak sa kamay nya. Ang lambot kasi nung kamay niya.

Papunta kami sa parking lot pero 'di ko pa rin siya pinapansin para kunwari medyo galit pa rin ako sa ginawa nya kaninang pambibiro na gusto nya si Jack kesa sakin.

Nako naman, kung pinsan ko talaga ang gusto niya, malamang araw-araw akong kawawa at araw-araw akong masasaktan kapag makikita ko sila.

Pero ang kailangan ko munang intindihin ngayon ay kung paano siya 'di papansinin sa ganitong lagay. Pachoosy ba? Haha, bakit? Yummy naman ako ah. :))))

The Legendary Gangster: Death Eye PrincessWhere stories live. Discover now