YURI'S POV

Anak, good morning! Paalis palang kami ng Dad mo, pupunta kami sa Korea for some business matters. Babalik din kami a month, I already asked your kuya Lance, to watch after you. Ingat kayo dyan ha. I love you.

Recieved: 5:30 AM Saturday

I sighed ng mabasa ko text ni Mom. May kuya pala ako. Hindi na siya dito nakatira sa bahay kasi sa Condo na siya nakatira, regalo sa kanya nila Mom and Dad. Since kailangan ko ng kasama dito sa bahay dito muna siya.

Bumaba na ako para mag breakfast.

"Manang, gising na po ba si kuya?" Tanong ko kay Manang Flor

"Ay tulog pa siya, anak. Halika naihain ko na almusal mo." -Manang Flor. Close naman kami niyan ni Manang eh.

"Ganun po ba Manang? Mukhang gigisingin ko nalang si Kuya. 9 am na eh. Wait lang Manang ah."

"Sige anak, sabihin mo nalang sa kuya mo mag almusal na siya."

Pagkatapos ni manang sabihin yan, umakyat na ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ni kuya......

"KUYAAAAA! NAMISS KITAAAA!!! WAAAAHHH!" Sigaw ko at dinambagan ko siya. I don't hella care!

"What the fuck! Ano ba Yuri?" Sabi ni Kuya.

"Namiss kita Kuya." Sabi ko pagka-upo ko.

"Tss. Ganyan mo ba ako kamiss? Dadambagan mo ako?Fuck naman babysis!" -Kuya. Nakaupo narin siya sa tabi ko.

"After 4 years of living in Condo at hindi na bumisita dito, mumurahin mo na ako kuya? *sniff*" -Ako

"Yuri..."

"*sniff* ganyan ka naman kuya eh. May girlfriend ka lang, kaya nakalimutan mo na ako. Di mo na ako love! Hmp!" Sagot ko. Nakatalikod na ako kay kuya. Nagkukunwari lang naman ako na nag-tatampo ako, para makapag-shopping ako mamaya kasama si Kuya. Libre niya kasi lahat kapag nagshoshopping kami.

"A-ano b-babysis.... Fuck! Paano na toh?" Rinig kong bulong ni Kuya sa huling part. Konting push pa sa pagarte magshoshopping na kami!

"S-sige kuya. Baba na ako." Sabi ko.

Akmang bubuksan ko na ang door knob ng, "Babysis, ano... Na-miss naman kita eh.  Kuya knows it. Want to go shopping later? Kain ka na, get ready later. 11 am."

"Really kuya? Thank you! Libre mo?" Tanong ko at yinakap si kuya.

"Ugh! Oo na! Sige na, baba ka na!" Sabi ni kuya. Yes! Shopping here I come!

***

Nandito na kami ni kuya sa sasakyan niya. Bagong car, huh? Ferrari pa? Tss.

"Babysis, marunong ka na ba magdrive?" Tanong ni kuya habang nagdadrive.

"Of course, kuya. What do you think of me? Tss." Sagot ko

"Akala ko kasi di pa. Sunget mo naman Babysis." Sabi ni kuya sabay nag-pout pa. Alam niya namang weakness ko yan eh! Pero seryoso ang cute ni kuya kapag nagpapout.

"Kuya naman eh!" Sabi ko at nag pout din.

"Alam mo Babysis, wag ka na mag-pout 'di bagay sayo. Ako lang ang bagay magpout."

"Kuya paki-hinaan ang aircon, ang hangin eh." Sabi ko ng mapang-asar.

"Tss. Bihira na nga nalang ako umasa Babysis eh." Sabi ni kuya

Marrying HimBasahin ang storyang ito ng LIBRE!