3: Throne Room

46 0 0
                                    

Nakasimangot akong lumabas sa aking kwarto.

Hindi pa pwedeng hindi gown o dress ang ipapasuot sa akin. Tsk.

Isa akong tao, hindi isang manika.

Pagkalabas ko ay napansin ko kaagad ang mga palace maids at butlers na palipat lipat at pabalik balik sa iba't ibang parte ng palasyo.

Busy..

Para silang mga langgam na humahakot ng pagkain at irereserba ito pagdating ng tag-ulan.

Bakit ang busy ng palasyo ngayon?


"Princess, it's time for your dance lessons. Naghihintay na si Sir Hackum sa Rosal Wing." bungad na sambit ni Sir Benjamin habang naka bow ng makita niyang nakalabas na ako saking kwarto.

Isa si Sir Benj sa tatlong Royal Knights na naka-assign sa akin.

Silang dalawa ni Riyo ang take turns na magbabantay sa akin kapag wala si Lucas.

Speaking of Lucas, bakit hindi man lang niya sinabing hindi pala siya ang makakasama ko ngayon? Nakakapagtaka.



"Nasaan si Lucas,..Benj?" unang tanong ko at nagsimulang maglakad sa hallways at napatingin bigla sa Palasyo ng Hari at Reyna mula dito sa naglalakihang glass windows.


Ang Princess palace na kasalukuyang tinitirahan ko at ang ibinigay na palasyo sa akin ng Hari at Reyna ay nasa Right Rosal.

Princess Palace was called the Rosal Palace before dahil sa mga maraming Silver Roses na dito lang makikita sa palasyong ito.


But they changed the name of the Palace simula nung naipanganak ako ng Reyna.


Ang Palasyo naman ng Hari at Reyna ay nasa harap lang ng Princess Palace. And it's called the Silver Palace.


Parang may mga bisita ata ang Silver palace?

Ang dami kaseng mga sasakyan at nakita ko din ang mga palace maids at butlers na nagmamadaling naglakad mula dito patungo doon.

If there are visitors then that might be the reason kung bakit wala si Lucas ngayon dito.

He must be with my Father and Mother's side right now.

Ano kayang meron doon ngayon at bakit hindi man lang pina-alam ng Hari at Reyna sakin ito?

Not to mention hindi man lang nila ako sinagot nung tinanong ko sila tungkol sa anunsyo nung nakaraang araw.

Nagkatinginan lang sila nun at hindi na ako pinansin.

Pinapatapos lang nila ako sa pagkain ng haponan at pinapabalik na sa aking silid.

Bagot na bagot na ako sa kakaisip kung ano yung inanunsyo sa Center Plaza.

Can someone please enlighten my mind?


"Benj, sabihin mo kay Sir Hackum na hindi ako pupunta. Masama ang pakiramdam ko." pagdadrama ko sa harap ni Benjamin.

"Po?! Are you okay, Princess? Kailangan ko bang tawagin muna ang Royal doctor?" nag-aalalang sagot niya sakin.



Sorry Benj, hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko.

Ayoko lang talagang pumunta sa Dance lessons ni Sir Hackum at makita yung pagmumukha nung hambog na yun.

"No, I can handle myself. Just please let Sir Hackum know that I can't make it. At pakitawag nalang din ni Riyo." sabi ko at dahan-dahang naglakad pabalik sa kwarto ko.

The Other WorldWhere stories live. Discover now