1: Princess Yanexia Ariana Thistle

64 1 0
                                    

Nakatungangang naka upo ako ngayon sa harap nitong napakalaking bintanang salamin.

Nakikita ko mula dito ang napakalaking maze garden na napapalibutan ng dandelion flowers.

Nakikita ko mula dito ang mga lalakeng nakasuot ng pormal attire at may mga espada pa sa kanilang gilid na nakasabit. Para silang mga dakilang sundalo na sosyal manamit.

Nasa iba't ibang side sila nakaposisyon na para bang estatwa na nagbabantay sa paligid.


Mga Royal Knights.






Totoo ba talagang nasa isang palasyo ako ngayon!?






Tumayo ako at hinarap ang aking sarili sa isang salamin na kasing taas ko.


Tinignan ko ang aking kasuotan. Isang napakagandang gown na kumikislap kislap pa kung titigan ito, kulay yellow pati ang crystal sandals na nakasuot sa mga paa ko.



Hindi mawawala ang mga alahas: kwintas, pursyelas, singsing, hikaw. At higit sa nakakamanghang tignan ay ang maliit na koronang nakapatong sa ulo ko.







Ako si Prinsesa Yanexia Ariana Thistle.


Ako ang nag-iisang prinsesa sa kaharian ng Thistle.


At ang Hari at Reyna sa kahariang ito ay ang mga magulang ko.


May dugong bughaw ako.


Yan ang sabi nila.


Ang sa pagkaka alam ko, ang pangalan ko ay Yana Alexis Montei.



Nakakalito dahil yang lang naman ang naalala ko.



Ano ba talaga ang totoo kong pangalan?

Isa nga ba talaga akong Prinsesa?







"Princess? Are you awake?" pumasok ang isang babaeng may simpleng kasuotan. Itim ang buhok niyang hanggang leeg lang ang haba at nakangiti sakin ng matanaw niya ako.







"Ako nga pala si Sena, mula ngayon ako po ay maglilingkod sa iyo, mahal na Prinsesa Yanexia." pormal na pagpapakilala niya.

Tumango ako at ngumiti ng pilit. "Bakit ka nga pala nandito Sena?"







"Po?" unang salita niya na tila ba nagulat pa sa tanong ko. "Kailangan niyo na pong maghanda. Naghihintay na po ang Hari at Reyna para sabay kayong mag-aalmusal, Prinsesa."







"Ah, ganoon ba. Halika na." lalabas na sana ako ng pintuan pero pinigilan ako ni Sena.

"Paumanhin na po Prinsesa pero kailangan ko po muna kayong bihisan."






Kumunot ang noo ko. "Bihisan?" tinignan ko ang suot ko ngayon na gown. Ano bang problema sa suot ko?

"Nakabihis na naman ako diba?"






"Pasensya na po pero sumusunod lang po ako sa utos." yumuko pa siya sa harap ko at kitang kita ko kung paano nanginig ang mga kamay niya.






Suminghap nalang ako ng hangin at bumalik sa harap ng salamin.


Ganito ba ang isang nilalang na may dugong bughaw?









Nakakapanibago pero hindi naman labag sa kalooban ko, naiinis nga lang.

Baka ako nga talaga si Prinsesa Yanexia at hindi si Yana Alexis.



The Other WorldWhere stories live. Discover now