5

1.8K 84 4
                                    

Cleo

"A-anong sabi mo Ms. Kershaw?! Wala kang respeto ah!" Tumawa naman ako,

"Sige nga, halimbawa, Ako, ikaw, at si Mr. Balakubak ay magkatabi, Hinampas kita ng patago, at ang napagkamalan mong humampas sayo ay si Mr. Balakubak, hindi naman si Mr. Balakubak ang humampas kundi ako.." Matalim ko siyang tiningnan "So Mr. Balakubak, anong mararamdaman mo?" Nilingon ko naman si Principal, na halatang naiiraita na dahil paulit-ulit kong binanggit ang kanyang apelyido.

"Syempre magagalit, hindi naman kasi ako ang may kasalanan." Tiningnan ko naman si Mr. Hinampas

"See? Yun din ang nararamdaman ng mga studyante ko dahil pinagbibintangan niyo sila sa kasalanang hindi nila ginawa!" Sigaw ko. Napupuno na talaga ako.

"Asaan na ba ang respeto mo Ms. Kershaw?!" Tumawa naman ako at nilingon ang mga studyante ko na ngayon ay nabigla nang sobra.

"Eh asaan din naman ang respeto niyo sa mga studyante ko? Bakit, may proweba ba kayo na sila ang nagnakaw?" Napatigil naman sila. See?

"Mag-kano ba yong pera ha?" Tanong ko. Nagalit naman si Mr. Hinampas.

"10 Million iyon Ms. Kershaw! Investment ng pinakamayamang pamilya, ang K-kershaw F-family.." Humina naman ang boses ni Mr. Hinampas nang banggitin niya ang apelyidong Kershaw,

"Kershaw?!" Sigaw na tanong ng mga studyante ko.

"Don't worry, I won't tell my grandfather na nawala niyo ang pera, ibabalik ko ang pera! At papatunayan kong hindi ito ninakaw ng isa sa aking studyante!" Tumalikod na ako at hinarap ang mga studyante ko na parang nakakita ng multo.

"Tara, bumalik na tayo sa classroom." Sabi ko ng walang emosyon.

Tahimik naman kaming lumabas ng Gym at dumiretso sa room. Walang tanong tanong.

Nang makarating kami, umupo na agad sila at tumingin sa akin.

"Sino ka ba talaga ha, Cleo?" Teka? Tinatanong pa ba yan?

"Edi ang guro ninyo." Saad ko, umupo naman ako sa teachers table.

"Sabihin niyo nga sa akin, may alam ba kayo tungkol sa nawawalang pera?" Tumayo naman si Sebastian.

"Akala ko ba naniniwala ka sa amin?! Pinagdududahan mo ba kami?!" Hinawakan naman siya sa balikat nina Sky.

"Nag-tatanong lang naman ako kung meron kayong alam! Wag mo akong pagtaasan ng boses! I'm still your teacher!" Tumayo na din ako sa pagkaka-upo

"Teacher? Hindi mo makukuha ang respeto ko bilang studyante! Dahil pare-pareho lamang kayong lahat! Ano? Pag nalaman mong may kumuha nga nito at galing pa sa Black Section, panigurado isusumbong mo at ipagkakalulo mo rin kami!" Bigla naman siyang tumakbo papuntang pinto para lumabas.

Binagsak naman ni Theo ang kamay niya sa desk at tumayo na para lumabas din, ganon din ang ginawa ng iba.

Hanggang sa naiwan akong mag-isa

Pucha. Sa sobrang panggigil ko sinipa ko ang Teachers Table at ito'y nasira.

Tagos ang paa ko hanggang kabila.

Basta mapapatunayan kong hindi nila yun gagawin.

Theo

Ng umalis kami sa classroom na iyon, pumunta agad kami sa malapit na parke.
Hindi man kami nagkakaintindihan ng aming mga kaklase ngunit may mga panahong nagdadamayan kami. Oo, walang pake ang iba ngunit makikita mo sa kanilang mga mata ang kanilang tunay na intensyon hindi lamang nila kayang ipakita dahil nahihiya sila.

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now