2

2.5K 99 2
                                    

Austin

Gabi na at naglalakad pa rin ako dito sa daan. Hay. Problema nga naman. Di talaga tayo titigilan ano?

Tsk. Sinipa ko naman yung bato at tumalsik naman ito.

"Shit!" May narinig naman akong dumaing sa sakit.

Napalingon naman ako, wala naman ah. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad ngunit natigilan din ng may nag salita,

"Ikaw ba ang nag bato nito?!"
Sino ba tong unggoy na to?

"Malay ko." Hindi ko naman talaga alam eh. Malay ko ba kung may natamaan ako, o may bumato lang sa kanya.

"Aba't! Di mo ba ako kilala?!" Lumapit siya sa akin kasama ang kanyang mga alagad na mukhang palaka. Tsk, goons.

"Hindi, bakit, kailangan ba kitang kilalanin?" Bored na sagot ko. Sino ba namang di mabobored? Eh wala akong panahon sa mukha niya.

"Ang tapang mo ring bata ka ah!" Tss. Wala namang binatbat to sa akin.

Sinugod nila ako, nakaka-iwas naman ako sa mga suntok nila. Ngunit nang di ko namalayan, may paparating din palang atake sa likod ko. Kaya napatumba ako.

Sinipa ako ng leader nila, naramdaman kong may dugong lumabas galing sa aking bibig.

D-dugo..

Di ko na alam kung anong gagawin ko, t-takot ako sa d-dugo..

Wala na ako sa sarili ko, kaya hinayaan ko na lang na mabugbog ang katawan ko..

Cleo

Magandang umagaaaaaa! Handa na akong pumasok sa skwelahan! Actually nandito na ako, hayssss!

Ang sarap ng simoy ng hangin~~ Para bang sa pwet--

Teka, nakakadiri yun ah. -_-

Nag log in muna ako sa faculty, at handa ng pumanhik sa classroom para mag-turo.

Pagkatapos ay nag simula na akong mag lakad papuntang classroom. Whehehe.

"Good morning, Miss." Bati sa akin ng nadadaanan kong mga studyante, ehhhh! Ang babait nila <3

Binati ko din naman sila pabalik, Syempre, mabait ako eh. Nyahahaha!

Nang makarating na ako sa pinaka-dulo ng hallway. Nakita ko na ang pinto papuntang impyerno. Oo, impyerno. -_-

Binuksan ko na ang pinto at,

"Goooood morninggggg!" Bati kong sigaw sa kanila. Syempre, maingay sila, kaya kailangan ko ding mag ingay para mapansin nila ako XD diba? Ang talino ko? Whahaha!

Tiningnan lang nila ako... saglit? Tapos bumalik na sa kani-kanilang pinag gagawa. -_- Wala lang bang 'Good morning din!' Nakaka-touch talaga tong mga to -_-

Mga walang hiya to!

Di ko na lang din sila pinansin. Nyahahaha!

"Attendance!" Sigaw ko.
Nako, wag naman sanang matagalan. Huhu.

"Sebastion Alfonso!" Nakita kong naka pikit ang mga mata nito habang naka-sandal sa pader.

"Elijah Alonzo!" Mamamaos ako neto kasisigaw. Huhu.

Hinanap naman nang mata ko si Elijah, at nakita kong naka-headset. Hay.

"Hunter Alvarez!" Nakita ko naman itong walang ganang itinaas ang kamay.

"Tyler Blair?" Ayoko ng sumigaw. Tsk.

Tumataas naman yung iba ng kamay.

Hanggang sa naka-abot na ako sa Letrang V

The Badass TeacherWhere stories live. Discover now