Wala na siyang nagawa nung tuluyan ko ng natanggal yung damit niya. Malaki ang natamo niyang sugat at madami ding nawalang dugo sa kanya pero nakakamangha lang na malakas pa siya. Kung ordinaryong tao lang siguro to baka namatay na kanina pa

Isa din sa mga rason kung bakit ko siya tinutulungan eh kanina ko pa napansin na ang GWAPO niya! Kuminang din yung mata ko nung nakita ko yung mga abs niya, ang sarap sigurong hawakan ang mga to. Natawa na lang ako sa sarili ko at inimagine na binatukan ko ang ulo ko dahil sa kalandian.

Napatigil ako sa pagtitig nung tumikhim yung lider ng mga guard "Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka pa"

Nanginig ako kunwari at inikot ang tingin ko sa mga makapalibot sa amin "Okay na sana ang lahat kaso kelangan naming mapag-isa para magamot ko agad siya. Natatakot kasi ako sa presenya ng mga gwardya niyo, parang sasaktan nila ako sa maling kilos ko" lies but whatever. Baka kasi magulat sila na iba ang paraan ng pag gamot ko eh magkaroon ako ng mga kaaway na wala sa oras

Nagdalawang isip pa sila kung aalis ba pero umalis din nung sinenyasan sila ng lalaki sa tabi ko. At buti na lang napigilan ko ang ngiti ko hanggang sa nawala sila sa paningin namin pero hindi nakalagpas ang acting ko sa kasama ko kaya nginitian ko siya ng matamis pero hindi niya pinansin

Pumikit na lang siya kaya sinimulan ko na ding gamutin yung sugat niya ng medyo may kahirapan at nilagyan ng benda. Ngayon kelangan ko lang problemahin kung paano ako magta-transfuse ng dugo sa kanya.

Sa pag-iisip ko, napahawak ako sa left wrist ko ng hindi ko namamalayan at nagulat nung nakita ko ang mga pamilyar na bagay -baril, granada, mga iba't-ibang armas, mga gamot, damit, pagkain at iba pa.

Teka. Hindi ba ito ang private unit ko sa dati kong buhay? Panong nakapunta ako dito? Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat at mas lalo pa itong lumaki nung may nagsalita sa likuran ko

"Sa pagpunta mo sa mundong ito, dalawa ang nakuha mo - ang mga ala-ala mo at ang unit na ito"

I made a sharp turn. Sisigaw na sana ako pero napatigil ako nung napansin kong ang cute nung nagsalita. Para siyang pusa na may pakpak. Kulay baby blue pa at mabalahibo talaga. Ang sarap sigurong yakap-yakapin ng isang to

"Hoy hoy hoy anong tingin yan!" Natawa ako nung nagpanic siya dahil siguro sa expression ko. Umatras pa ng umatras palayo sakin hanggang sa pader na yung nasa likod niya. Ang cute talaga

"Oo na di na kita pipigain" nanlaki lalo yung mga mata niya kaya natawa ulit ako "pero ano bang nanyayari dito?"

Nag alangan pa siyang lumapit sa akin at pinalaki't pinaliit yung mata niya na parang sinusuri kung hahablutin ko ba siya o hindi. Ang cute talaga!

"Bago ang lahat, gamutin mo muna ang lalaking yan at ipapaliwanag ko ang lahat kapag nakauwi ka na para mas maintindihan mo" Lumipad siya sa kabinet ng mga gamot ko at dinala sakin ang tube na gagamitin ko sa pagtransfuse ng dugo

"Pero bale ang pinakamagandang parte ng unit na ito ay kapag naubos mo ang laman ng kahit ano sa mga ito ay agad-agad na nagrereplenish at magiging puno ulit"

"Wow"

Kumunot yung noo ng cute na bagay na nasa harap ko kaya nagtaka ako "bakit?"

"Hindi ka ba nagulat man lang na wow lang ang nasabi mo?" Hindi makapaniwalang bigkas niya

"Wala ng mas nakakagulat pa sa pagpasok ng kaluluwa ko sa katawan ng taong to" kalmado kong sabi kaya napatango na lang siya

"Sabagay. Ako nga pala si Emperor. Nabuhay nung nabuhay ka sa mundong ito. Pagmulat ng mata ko, alam ko ang karamihan sa mga bagay na naririto sa mundong ito. Sa ibang salita, parte ako ng pagkatao mo at makakasama mo ako habang buhay"

Parang may pumitik sa puso ko, masarap siya sa pakiramdam. May kasama na ako. Though hindi siya tao, iba pa rin talaga kapag may kasama ka. Nakakapanatag ng loob.

"Tutulala ka lang ba diyan? Baka mamatay na yang lalaki sa harapan mo"

Napabalik ako sa ginagawa ko at natapos ko naman ito makalipas ang isang oras

Tinawag ko na rin yung mga gwardya niya at dinamitan siya ng mga ito. Pinulot ko na din lahat ng gamit ko at pinagpag ang damit ko

"Hindi mo ba tatanungin kung sino kami?" Napatingin ako sa ginamot ko nung bigla siyang nagsalita at nag-angat ng tingin sa akin.

Ugh. This man's features are damn mesmerizing!

Ngayon ko lang nakita ng maayos ang kabuuan ng mukha at katawan niya, sakto na matipunong pangangatawan, matangkad siguro kapag tatayo at sobrang gwapo, pano na kaya kapag umaga na na kita ang lahat. Matangos na ilong, makapal na kilay, mahaba at makapal na pilik-mata, maganda din ang kurba ng mga labi, magandang panga at makinis na balat kahit may pailan-ilang mga peklat. Base sa mga statistics niya, 23 na siya.

Nung bumalik ang tingin ko sa mata niya, biglang tumibok yung puso ko sa titig niya. I have never felt this way before. Walang nakapagparamdam sa akin ng ganito noon. I don't know if this is a good thing or a bad thing pero kailangan ko siyang layuan because this new feeling is scaring me a little bit.

"Kung gusto niyong magpakilala, dapat kanina niyo pa pinakilala ang mga sarili niyo pero hindi eh. The same goes for me, let's stay anonymous to each other." Nilahad ko ang kamay ko sa kanila na ipinagtaka nila

"Bayad ko. Nasan na ang mga ginto ko?"

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now