Three

177 12 0
                                    

Eternal and Mortality
Chapter Three

Matapos ng sagutan nilang iyon ni Daerrone ay nagsimula nang umiwas si Kristine sa kanila. Sa tuwing makakasalubong ang dalawa ay lumalayo na si Kristine upang hindi na sila magkalapit.

Mainit pa rin ang mga mata ng mga estudyante sa dalaga dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung sino ang kumuha at nagpakalat ng litratong iyon. Hindi na rin nag-atubili pa si Kristine na pa-imbestigahan iyon dahil masasayang lang ang oras niya.
Minsan ay napapansin niyang tumitingin si Daerrone sa kaniya. Nakakapagtaka man ay hindi na siya nag-usisa pa.

“Ms. Morganthe, are you with us?” nag-angat ng tingin si Kristine sa Professor nang tawagin nito ang pangalan niya.

“I’m sorry, Ma’am.” paumanhin ng dalaga at bahagyang yumuko.

May mga ilang katanungan ang Prof na si Kristine lang ang nakakasagot bago ito nagpatuloy pagtuturo. It's getting weird dahil mukhang interesadong-interesado siya sa tuwing sumasagot ang dalaga na para bang gusto niyang malaman kung hanggang saan ang kaya nitong sagutan sa mga tanong niya na minsan ay wala nang kinalaman sa subject na tinuturo ng guro.

Habang si Kristine naman ay pino-problema na kalabanin ang udyok na lingunin si Daerrone. Kanina pa kasi niyang nararamdaman ang titig niya. Nasa likod lang siya ng dalaga kaya hindi maalis sa kaniya ang mailang. Hindi rin maintindihan ng dalaga kung bakit simula noong iniiwasan na niya ang binata ay siya naman itong tila humihingi ng kaniyang atensyon. Hindi na siya pinapakialaman ni Kristine. Kahit na minsan ay mali ang mga ginagawa niya tulad ng pagsuntok niya roon sa isang lalaki ng walang dahilan.

Napahiya iyong lalaki at araw araw ng binubully ng mga estudyante.
Kristine secretly open her phone. Nag-vibrate kasi ito meaning, may nag-text.

From: Kris
Everything's okay now. Please refrain from worrying. I'll do anything to keep you safe.

She just replied okay. Si Kris ang leader ng Vampire Army at pinaka-pinagkakatiwalaan niyang kawal sa palasyo, aside kay Ariella - lady royal. Kristine ordered him to look after her sister. Looks like, that asshole and her sister got back together.

"Class dismissed." Dali-daling itinago ni Kristine ang phone niya. Umangat ang tingin nito kay Daerrone na nakatayo at lalabas na ng room. Napailing na lang ang dalaga at hindi na nagatubili pang komprontahin ito.

Tulad ng sinabi ni Mr. Ashton ay d-in-ismiss na nga ng Professor ang klase kahit na hindi pa talaga break time. Wala naman silang nagawa pero mukhang iyong iba ay tuwang-tuwa pa dahil early dismissal daw ang nangyari.
Inayos na ni Kristine ang gamit niya at akmang lalabas na ng room nang mag-salita ang guro.

"Matalino ka ngang talaga, Ms. Morganthe. I'm looking forward to see what you can do more." nakangiting wika nito.

Ngumiti na lamang ang dalaga sa at lumabas na ng classroom. Uuwi na lang siguro siya at makikibalita sa palasyo since last subjec na naman iyon na sa kasamaang palad ay pinakialaman pa ni Daerrone. He ruined the moment.

Bakit pa kasi siya pumasok, e, last subject na naman? At bakit ko ba siya kaklase sa lahat ng subject? Should I shift my course? Tss. Hindi ako makapaniwala sa kaniya, reklamo ni Kristine sa kaniyag isipan.

Natigil sa paglalakad si Kristine nang may nabunggo siya. Naku naman! Ang tanga-tanga mo kasi, Kristine, e. Tiningnan ng dalaga kung sino iyong naka-bunggo-an niya at napa-ismid na lang siya nang makita kung sino iyon. Lagi na lang.

"Matuto kang tumingin sa dinaraan mo, Ms. Morganthe." malamig na turan nito.
Hindi kita mababangga kung tumitingin ka rin sa daan.

"Pasensya na." 'yon lang ang naisagot ni Kristine. Ayoko na niyang makipagtalo pa. Lalagpas na sana ang dalaga nang hawakan ni Daerrone ang braso niya. Ano na naman?

Eternal and Mortality | Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon