Twenty-Four

78 4 0
                                    

Eternal and Mortality
Chapter Twenty-Four

"There's something wrong with that Julia, Adeera," ani Trevor habang nasa likod sila ng palasyo kung saan sila dati nag-eensayo.

"Yeah. I noticed that, too, Noong pumunta ako sa mundo ng mga tao," pag-sang-ayon naman ni Calvin.

"Iba siya tumingin sa'yo. It's like she's observing all your actions. At alam kong napapansin mo rin 'yon." hindi nagsalita si Adeera. "Kaya nagtataka ako kung bakit mo pa siya hinahayaang mapalapit siya sa'yo."

"We won't know her intentions if we push her away."

Tumayo na si Adeera. "You can stay here. I'll check the others if they're doing okay," pero bago pa siya tuluyang makaalis ay narinig niya ang mapang-asar na tayo ng dalawa.

"Sabihin mo na lang kasi na namimiss mo na si Mr. Ashton," pang-aasar ni Trevor.

"Shut up."

Tuluyan na siyang umalis at pumasok na sa loob ng palasyo. Naabutan pa niya si Calia na kalalabas lang galing meeting. Yeah, hindi siya um-attend dahil tungkol lang naman iyon sa pagpapaayos ng palasyo at hindi naman niya tungkulin iyon kun'di kay Calia. Nirereport lamang ng mga ito sa kaniya ang mga pinag-usapan mula sa pagpupulong.

"How's the meeting?" tanong niya rito habang naglalakad sila.

"It's boring as usual. Why do I always have to be with these bunch of nerd geeks," reklamo nito. She's referring to the architects, engineers, and interior designers.

"Anyway, kailan mo sasabihin kay Mr. Ashton ang tungkol sa fated mate niyo? You marked him already," tanong naman ni Calia sa kaniya.

Ito ang tanong na pilit niyang iniiwasan. For the first time in her life, nakaramdam siya ng takot. Takot na baka hindi tanggapin ni Daerrone ang nangyari sa kaniya, ang kapalaran niya. Takot na baka kamuhian siya nito.

"I don't know," mahinang wika niya.

"You know, it's better to tell him everything. Para naman hindi siya clueless," isinakbit ni Calia ang kaniyang braso sa kapatid. "He likes you...a lot. Alam naming lahat 'yon. And I know you care about him, too."

Tahimik lang si Adeera habang naglalakad silang magkapatid. Pero sabay na tumigil ang dalawa nang may makita silang pigura ng tao na nagtatago sa likod ng poste ng hallway.

She tightened her hearing ability.

"Kuya, I talked to him," ani Julia sa mahinang boses.

"Who?"

"You know who. He talked about fated mate. Can you research about it?"

"Okay. Basta gawin mo lang ang dapat mong gawin," tumango si Julia kahit hindi ito nakikita ng kausap.

"Sige, kuya." Binaba na nito ang tawag at itinago ang phone niya.

Naglakad ito na parang walang nangyari.

"Come to think of it. I saw Julia and Kristoff talking earlier. You think my fiance is betraying the kingdom?" tanong ni Calia.

"That's for you to find out." kumalas na si Adeera sa pagkakalingkis sa kaniya ng kapatid at naglakad na para maabutan si Julia.

Mabilis namang sumunod sa kaniya si Calia.

"Hey," mabilis ang naging paglingon ni Julia sa kaniya. She seemed shocked upon seeing them.

"H-Hey, kanina pa ba kayo riyan?" tanong ni Julia, hindi mapakali kung saan ito titingin.

"Nope. We just finished the meeting. Why are you outside? Where are the others?" tanong ni Adeera.

Eternal and Mortality | Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon