Twenty-Seven

78 4 0
                                    

Eternal and Mortality
Chapter Twenty-Seven

Daerrone is having a hard time dealing with vampire hunters. Ayaw niya kasing makipaglaban sa alam niyang mas mahina sa kaniya. Pakiramdam niya ay napaka-unfair noon para sa kalaban.

He's not the type of a person na nag-te-take advantage sa kahinaan ng tao. Kaya naman napakalaki talaga ng respeto sa kaniya ng Underground World kahit pa marami rin siyang kaaway. Hindi siya pumapatay na lang nang basta-basta.

Iniiwas niya lang ang sarili niya sa mga ito at ang iba ay pinapatulog niya lang. The bad thing about him in the battlefield, he doesn't want to kill anyone of his enemy without a valid reason but he doesn't care if you got killed in front of him. Basta ang mahalaga ay hindi ka namatay sa mga kamay niya.

Ah, these motherfucking hunters!, inis na wika ni Daerrone sa sarili.

Patuloy lang siya sa pag-iwas sa kanila nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril. Mabilis na napabaling ang kaniyang paningin sa kung saan nanggaling ang putok.

"Ni-reserve ko talaga ang mga bala na 'yan para sa'yo, Adeera," wika ni Hamien nang ibinaba nito ang kamay na may hawak na baril.

Tila ay nagpantig ang kaniyang tainga sa narinig. He looked at Adeera who's helplessly on her knees. He can feel his blood boiling. Hindi niya malama kung anong specific na mararamdaman. Galit siya, oo. Pakiramdam niya ay ngayon lang siya nagalit nang ganito kalala.

Moments of his ex-girlfriend lying on the cold road flashed into his mind. Bigla ay nagbalik sa kaniya lahat. Ang lahat ng galit na nakatago sa loob niya ay naglabasan.

Mabilis niyang inatake si Hamien. He mercilessly bit and drank all his blood. Pagkatapos noon ay hinayaan na niyang kainin ito ng mga taong-lobo.

Agad siyang tumakbo papalapit kay Adeera at binuhat ito. Dali-dali niya itong dinala sa kwartong inukupahan nila kanina. He laid her in the bed. Mabagal at mahina ang paghinga ng dalaga.

"Adeera! Hey, stay with me, okay?" nanginginig ang kamay niyang hinawakam ang kamay ng dalaga.

Pero unti-unti ay sumusuko ang katawan ni Adeera. Unti-unti ay bumibigat ang kaniyang paghinga. Unti-unti ay bumibitaw ang paghawak niya sa kamay ng binata.

"Putangina, Adeera! Huwag kang tutulog. Don't close your eyes, baby. Tangina!"

"WHY did you betray me? Why did you betray the kingdom?" puno ng hinanakit na tanong ni Calia kay Kristoff na nasa harapan niya.

"You betrayed me, first," sumbat naman ng huli.

"Minahal kita, Kristoff, e. You might be a hybrid pero minahal kita. Tinanggap kita dahil nakita kong totoo ka sa sarili mo. Pero anong nangyari sa 'yo? What have you done to the Kristoff I loved?" tanong niya rito. Walang pakialam sa mga luhang naguunahang pumatak mula sa kaniyang mga mata.

"You broke him, Calie. You destroyed him by choosing everyone except him," panimula nito. "Remember when I proposed to you? It was the hardest but when you said yes, when you want to marry me, it was the happiest, Calie. Pero no'ng nagkanda-letse-letse na lahat, parang nakalimutan mo na lahat," ngayon lang nakita ni Calia ang ganoong ekspresyon kay Kristoff.

Hindi basta-basta umiiyak si Kristoff. Nasanay kasi itong hindi basta-basta nagpapakita ng emosyon. But seeing him like that, it pains her...so much.

"O-okay," tumikhim ang dati niyang kasintahan at marahas na pinahid ang kaniyang luha. "O-Okay lang sana kung tulungan mo sila. Pamilya mo sila, e. Pero 'yong talikuran lahat ng plano natin? Ipagsawalang-bahala lahat ng pinagsamahan natin? Tapos malalaman ko pa na nakatakda ka para sa iba. He's not even a vampire to begin with. A mere human, to be exact! Tangina, Calie. Hindi ko na yata kaya 'yon! Masyado nang masakit para tulungan ka pa. Masyado nang masakit para mag-stay pa sa tabi mo," wika niya sa kabila ng mga hikbi nito.

"Kaya ba trinaydor mo kami? Ako?" tumango ito.

"Wala na akong maisip pa na ibang paraan para iparamdam sa'yo 'yong sakit na naramdaman ko noong binalewala mo 'ko," anito saka inatake si Calia kahit pa hindi sigurado kung mananalo ba siya. Gusto niyang ilabas lahat sa dating kasintahan ang galit na namuo sa puso niya. Ang sugat na binaon nito sa kaniya.

"SO you're a vampire now?" nakangising tanong ni Julia habang may luha sa kaniyang mga mata.

"Yes," maikling sagot ni Dexter sa kaniya.

"Dex," humugot muna si Julia ng malalim na hininga bago magpatuloy. "Minahal mo ba ako? Kahit katiting lang?" tanong nito.

"Kung sa ibang pagkakataon at sitwasyon, baka nagawa na kitang mahalin. Pero sa lahat ng nalaman ko, ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na bigyan ng atensyon ang pagmamahal mo." Alam ni Dexter na masakit ang mga salitang binitawan niya. Pero ayaw niyang magsinungaling dito.

Pagak na tumawa si Julia. "Tangina, sana man lang nagsinungaling ka!"

"You're a great sister. I know. Alam kong gusto mong makuha ang hustisya sa pagkamatay ng kapatid mo," nangunot ang noo ni Julia.

"Hustisya? Pagkamatay? Sinasabi mo bang patay na ang kapatid ko?" hindi nakapagsalita si Dexter. Hindi niya alam na hindi nito alam ang nangyari sa kapatid niya.

"Putangina, Dexter! Patay na ba ang kapatid ko?!" singhal nito.

Tumango si Dexter. "She was killed when the kingdom was attacked."

Suminghal si Julia at pagak na tumawa.

"Tangina! Ano 'to? We've come this far for nothing?!" anito. "Sinong pumatay sa kaniya?"

"Vampires." Doon na nagbago ang ekspresyon ng dalaga.

"You kind killed my sister?" tumangong muli si Dexter. She needs to know the truth. He knows she deserve it.

"Then, I guess, I should kill you, right?" wala sa sariling tanong nito at saka itinutok sa kaniya ang baril nito.

Hindi na niya sinabi pa sa binata ang tunay na nararamdaman dahil sa tingin niya ay hindi naman na 'yon mahalaga. Ang pagmamahal na nararamdaman niya ay walang kwenta dahil kahit kailan ay hindi ito masusuklian.

"NASAAN ang anak ko?" hawak ang baril ay itinutok iyon ni Simon sa hari at sa dating reyna.

"She's dead," taas-noong wika ng dating reyna.

"You killed her?" tanong naman ni Carla.

"The kingdom was attacked that time. May mga kasapi kami na tumalikod sa kaharian. The whole kingdom was in a lot of chaos. Adeera, my daughter, was also wrecked, too. Mahalaga sa kaniya ang anak niyo. She named her Christine. Tinuring niyang kapatid ito. They were meant for each other kaya naman nang masaksihan niya ang ginawang pagpatay sa best friend niya, nasira siya. She made rush decision," the queen exhaled loudly.

"She turn herself into a human. Dahil sa tingin niya ay sa pamamagitan noon ay matutupad niya ang pangarap ng kaibigan. A lot happened but she still pursue her education in the human world. She still want to fullfil her promise to her," wika ni Valentina.

"Your daughter is such a good person. She never forget how to smile. Ang batong puso ng anak ko ay napalambot niya. She's very lovable sister to her. Nang una niyang makita ang anak niyo ay pinangako niya sa sarili niya na pro-protektahan niya ito," the king paused for a second. Naging malungkot ang mukha nito. "But she failed. At sinisisi niya ang sarili niya dahil sa nangyari."

Matiim lang na nakatingin si Thaddeus at Valentina sa mag-asawang Sandoval. Hoping that they will change their mind. Pero nalaman nila ang sagot nang ikasa ng dalawa ang hawak na baril at itinutok sa kanila.

"You still killed her," panunumbat ni Simon. Sarado ang isip ng mga ito at gusto lamang maghiganti.

Everyone started to attack and everything went into total chaos. Walang gustong magpatalo. They were all fighting for their lives and for the safety of others.

Pero nang maramdaman na nina Julia na wala na talagang pag-asang manalo sila, without knowing the brutal death of Hamien, they went for the button that's put inside their pocker and reached it.

Na-realize ng mga ito ang nais gawin ng mga vampire hunters. They tried to stopped them but everything was too late. They're all hopeless and doesn't want to save.

One by one, they pressed the button. Letting their whole body shut down and explode.

Eternal and Mortality | Soon To Be PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon