"Ako rin, noon pa man ay gusto na kita kaso nahihiya akong mag sabi sayo dahil pinaliligiran ka ng mga nag gagwapuhan nating mga kaklase. Ano ba naman ang pantapat ko noon. E mukha lang naman akong siraulo na naka braces.

Lalo na noong nag highschool na tayo. Mas lalo kang gumanda at mas lalong wala na akong pag asa sa iyo noon dahil nabalitaan kong nagka boyfriend ka. Alam mo bang inis na inis ako sayo noon"


"Bakit naman?" Nangingiti kong tanong.


"E kasi wala kang taste. Oo nga, mas malaki ang katawan nun saakin pero mas di hamak naman na gwapo ako dun. Porket may dimples lang ay sinagot mo na" nakanguso nyang sabi. Napahalakhak naman ako. Siguro ang binabanggit nya ay iyong basketball player na school mate namin noong highschool, si Jake.


"Sira! Hindi ko naging boyfriend yun. Sadyang feelingero lang ang gagung yun at pinagkalat nya na kami na daw"


Isipin ko palang na nagkaroon ako ng ex na kaladkarin ay hindi ko na maatin. Kaladkarin dahil king sino sinong babae lang ang pinapatos, basta may butas ay papalagan nya!


Niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit. "Sino ba naman ang mag-aakala na ma-ipagtatapat ko ang feelings ko sayo? At tignan mo nga naman, mas patay na patay ka pala saakin"


Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. Nakita ko ang ngisi nya pero iba ang sinasabi ng mga mata nya. "Oo nga e, lagi nalang tayo pinaglalaruan ng tadhana. Kung kailan naipagtapat ko sayo ang damdamin ko, e hindi na tayo pwede" nakita ko ang panunubig ng mga mata nya. "Pero kung sa kabilang buhay at magkita tayo, mamahalin mo parin ba ako?"


Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. "Syempre! Wala naman akong ibang minahal kundi ikaw lang! Kahit sa kabilang buhay man yan. Ikaw at ikaw lang" saksi ang paglubo ng araw sa walang hanggang pag iibigan naming dalawa.



"Mahal na mahal kita Claint"


"Mas mahal kita Sinty. Kahit hindi ka para saakin. Ikaw lang ang mamahalin ko, okay lang naman saakin na maging kabit. Sabihin mo lang at hindi ako papalag" pagbibiro nya. At nakuha nya pa talagang magbiro!


Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at saka sya hinampas sa balikat. "Gago ka!"


"Joke lang. I love you"


I love you more, most, and ever.


••••••

"Ma'am is there anything you want to add or adjust on your wedding gown?" Tanong ng designer ng gown ko. Simpleng iling na lamang ang isinagot ko.


"Can I go home now?" Walang Lakas kong sabi. Tumango naman ang babae kaya lumabas na ako. Agad akong sumakay sa kotse at saka nag drive, ni hindi ko alam kung saan ako pupunta. Simula ng sunduin ako ni Sandro kagabi ay matamlay na ako. Naiwan si Claint mag isa sa rest house. Iniwan ko na sya.





Nakarating ako sa isang park na walang taon. Doon ko napag pasyahang magpalipas ng oras. Naka tanaw lang ako sa kawalan habang samut-saring tanong at idea ang pumapasok sa isip ko.





'What if sumama na lang ako kay Claint at magpakalayo layo kami? What if kami nalang kaya ang magpakasal?" But no, I can't do that to the person who made me happy and stay by my side in my worst day. It's a sin to God. And unfair to Ink as well.





Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Kinuha ko ito sa bag at saka binuksan. I saw Ink's name. He sent me a message.





Ink:

Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Where stories live. Discover now