👑STHTGS 9

8.4K 205 15
                                    

WORK as his P.A daw? Jusko naman, ano ba ang nakain ng taong ito at paiba-iba ang isip.

"Sir, I applied as your secretary not as your P.A"

His dangerous eyes were shooting deadly glares at me.

"If you don't want to accept the job, you may get out and don't you ever go back again" he said before leaving.

Napatulala na lamang ako. Ano ng gagawin ko ngayon? Take it or leave it?

...

"This paper contains all the things that you should obey as my personal assistant"

Kinuha ko ang inabot nyang isang long bond paper. Ano to? Ang o.a naman sa dami. Back to back talaga?

"Ah, sir, ang dami naman ata nito?"

"Rule no.3"

Binasa ko ang nakasulat sa papel at hinanap ang Rule no.3

"No complaining" malakas kong basa.

"I guess you know what does it mean. Kung susundin mo ang mga naka sulat jan ay hindi tayo magkakaroon ng problema"

Ang bossy nitong butiki nato.

"What if I disobey you?"

His smirk yells danger at me. Creepy.

"You'll know when we get there" he said. "Matutulog na ako. Pwede ka ng umuwi, you will start tomorrow" sabi nya bago tumalikod at lumakad patungong second floor.

Kumag talaga! Walang konsiderasyon.

Habang nasa loob ako ng elevator ay mahina akong nagdadasal na sana ay may masakyan ako pauwi. Mahirap pa naman makakuha ng taxi dito. Ayoko naman na mang abala pa ng iba.

Pag labas ng building ay agad na yumakap saakin ang malamig na hangin.

Kakaunti nalang ang tao sa labas. Sabagay, alas-diyes narin kasi ng gabi.

Abala ako sa pag iintay ng masasakyang taxi ng biglang may tumayong lalaki sa harap ko.

"Good evening Miss, are you Ms. Dawson?" Tanong nito. Halatang hindi ito purong Pilipino dahil sa itsura at accent nito. Mukhang yayamanin si koya.

"Yes I am, How may I help you?" Sagot ko. Lakas maka call center. Lols.

"I'm Santy Dzorich. Mr. Real's driver, he commanded me to drive you home"

Kunot noo ko lamang syang tinignan. Nag iisip pa ako kung papaniwalaan ko sya. Baka mamaya niloloko lang pala ako nito, mapahamak pa ako.

"If you don't believe me, you can call Mr. Real, Ma'am" dagdag nito. Mukhang nahalata nya na hindi ako naconvince sa sinabi nya.

Sino ba naman ang maniniwala, isang Claint Real na walang awa, mayabang at palautos ay biglang magiging concern, SA AKIN?! Unbelievable.

"No need. Paki sabi nalang sa boss natin na kaya ko namang umuwi mag isa hindi ko na kailangan ng taga hatid"

"But it's my boss order to--"

"It's okay. I'm fine"

Sakto naman na may tumigil na taxi, mabilis akong lumakad at sumakay dito. Ayoko ng makipag argumento pa doon sa mamang iyon.

"Saan po tayo maam?"

"Drive lang po kayo manong, ituturo ko nalang po"

Pero sa totoo lang ay nanghihinayang rin ako dun. Kung pumayag akong magpahatid edi sana ay hindi ako gagastos ng pamasahe ngayon.

"Diyan lang po sa tabi, Kuya"

Nagbayad na ako at saka bumaba. Pag bukas ko ng gate ay tumambad saakin ang dalawang malaking karton. Nagtataka ko itong nilapitan. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong kamag anak na OFW.

May naka lagay na note sa isang karton, kinuha ko ito at binasa.

Sinty,

This is for you, don't worry it's safe.

Walang nakalagay kung kanino nanggaling ang mga ito. Dali dali kong binuksan ang pinto at saka hinila papasok ang dalawang mabigat na karton. Ano kaya laman nito?

Inilapag ko sa sofa ang bag ko at saka pumunta ng kusina upang kuhain ang gunting, para mabuksan ko na ang karton. Baka bomba laman nito, wag naman sana.

Pag bukas ng karton ay tumambad saakin ang maraming pagkain. Pang dalawang buwan na supply ng pagkain ko na ito. Kinuha ko ang isang supot ng biskwit at saka tinignan ang expire date. Okay pa naman next year pa ma eexpire.

Nang buksan ko ang isa ay pagkain lang din ang laman. Ang swerte ko naman, hindi na ako gagastos ng pambili ng pagkain.

Isinalansan ko muna ito sa lagayan bago natulog. Maaga pa ako papasok bukas.

Kinabukasan

Halos di na ako magkanda ugaga sa paghahanda ng pagkain ng mahal na hari. Anong oras narin kasi ako nagising. Isa pa naman sa rules nya e dapat pagkagising nya ay nakahanda na ang almusal nya.

Kung ano ang nakita ko sa kusina nya ay yun lang din ang niluto ko. Nag sangag ako ng kanin, pancake, corned beef, tocino and hotdog. Nag timpla narin ako ng kape nya.

Nang mahanda ko na ang lahat ay pumunta ako sa kwarto nya upang gisingin na sya.

Tatlong beses akong kumatok ngunit walang sumasagot.

"Sir! Your breakfast is ready" nilakasan ko na ang boses ko para marinig nya kung sakaling natutulog pa sya pero katulad ng kanina ay walang sumasagot.

Nagpasya na akong buksan ang pinto tutal hindi naman naka lock ang door knob.

Pag pasok ay isang mabangong amoy agad ang sumalubong saakin. Malinis rin ang silid hindi tulad nung unang beses kong pumasok dito.

Walang tao sa silid, tanging lagaslas lamang ng tubig ang maririnig.

'Siguro nag sa-shower sya'

Pipihitin ko na sana ang sendura ng biglang may basang kamay na humawak sa braso ko.

"Don't leave"

Biglang nagsitaasan ang balahibo ko ng tumama ang mainit nyang hininga sa leeg ko.

"Sir, maawa po kayo. Bata pa ako, marami pa akong pangarap sa buhay"

A/N

Hello mga Veve. Thank you for supporting my story😘












Seducing The Hard to Get Secretary [ COMPLETED ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu