🍑11

191 8 14
                                    

Erica's POV




"Hala weh? Talaga? Seryoso yan?"


Di ko alam kung totoo o hindi


Pero parang gago yung naisip na plano ni Jisung oppa.

Natawa naman kaming tatlo dahil sa kagaguhang yon kaya nahampas ko sila pareho ng pabiro.


"Wifey"


Napalingon naman kaming tatlo sa nasalita.


"Wao Daniel! Maka-'Wifey' naman kala mo on-cam pa rin kayo" -Jisung


"Asawa ko naman talaga sya diba?" -Daniel

"Oo naman. Wala namang umaagaw sa asawa mo" -Minhyun

"Wala nga ba hyung? Or may nagbabalak pa lang?" -Daniel

Nakakatakot na yung aura nya.

Blangko yung tingin nya pero parang anytime makakapanakit na sya.

Napangisi naman si Minhyun oppa.


"Threatened much, Niel?" -Minhyun


"Of course not hyung. Kung gusto nga ng nagbabalak na yun, kanyang-kanya na tong babaeng to eh" -Daniel

Halos mapatalon ako nang bigla nya akong akbayan.

Nakakatakot kasi talaga sya!

"But not during the show. Ayaw naman nating ma-disappoint yung fans natin diba?" -Daniel

Tumawa naman si Minhyun oppa.


Si Jisung oppa naman ay tahimik lang at pinapanood ang dalawa na mag-sagutan.

Jisung oppa, uso mag-awat diba?

"Of course" -Minhyun

"Sige mga hyung, matutulog na kami ng ASAWA ko"-Daniel


Tinalikod naman na ako ni Daniel sa kanila at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto.

On the way to hell?

"Goodnight lovebirds!" -Jaehwan

Napalingon naman kami ni Daniel sa kanila.

Kumakaway sila sa amin kaya ngumiti na lang ako sa kanila para di nila makita kung gaano ako natatakot sa naka-akbay sakin ngayon

Kumaway naman si Daniel sa kanila bago isara ang pinto.

"S-Sa s-sahig n-na l-lang a-ako m-matutulog"

Napalingon naman sya akin at gaya ng kanina, blangko pa rin ang mga mata nya.

"Bahala ka" sabi nya sabay higa sa kama.

Kumuha na ako ng unan at extrang kumot at naglatag na sa lapag.

Ayoko tumabi sa kanya. Natatakot ako.


"Babae" tawag nya.

Napalingon naman ako sa kanya.

"Bukas may mga camera na. Io-on nila yun ng mga 10 am pero sa mga susunod na araw, 7 am na nila yun io-on. 8pm naman nila yun io-off." -Niel

Tumango naman ako sa kanya.

"Naiintindihan mo ba ibig sabihin non?" -Niel


We Got Married #1: [Kang Daniel]Where stories live. Discover now