🍑1

488 13 9
                                    

Daniel's POV






"Oh? Bodyguard ahjusshi! Ano pong ginagawa mo dito?" tanong ni Jisung hyung habang kinukusot ang mga mata.




Napakaaga naman kasi kami pinatawag ni Ahjusshi dito sa sala.




"Hulaan nyo" sagot ni Bodyguard ahjusshi na may nakakalokong ngiti. Napakamot naman kaming lahat ng batok.




"Naputol ang beauty rest ko para lang hulaan kung anong ginagawa mo dito? Seriously, ahjusshi? Pano pag di na ko tumangkad?" maktol ni Sungwoon hyung kaya naman napalingon kaming lahat sa kanya.




"Hyung, wag ka ng umasa" sabi ni Kuanlin sabay tapik sa balikat ng hyung nya kaya sinamaan sya nito ng tingin.




"Okay, tama na. Nandito ako para i-announce sa inyo na, AKO NA ANG MAGIGING BAGO NINYONG MANAGER" masayang sabi ni Bodyguard ahjusshi na nagpaalis ng antok namin.




"Totoo?" tanong ni Minhyun.




Tumango si ahjusshi.




"Jinjja jeongmal wanjeon real daebak heol~" sambit ni Ong.




Nagsitakbuhan naman kaming lahat at ni-grouphug si ahjusshi. Well, mas mahal namin kasi sya at ng Wannables kesa sa dati naming manager.




"Oh tama na mga bata!" awat ni ahjusshi sa amin kaya nagsi-layo naman kami ng kaunti.




"May isa pa pala akong announcement" tinignan naman namin sya ng tingin na 'ano-na-naman?' look.




"Alam nyo ang show na 'We Got Married' diba?" tanong ni ahjusshi at nagsi-tanguan naman kami.




"Yun yung maga-act na parang mag-asawa ang isang idol at isang ordinary citizen for 2-3 months, depende kung magugustuhan ng mga tao ang chemistry nila" paliwanag ni Minhyun hyung.




"Yun na nga!" sang-ayon naman ni ahjusshi.




"So ano ngang ganap dun? Isasali nyo kami dun? Tapos oldest to youngest? Syempre dapat si Jisung hyung muna ang magka-asawa bago ako" tuloy-tuloy na sabi ni Sungwoon hyung na may pag-irap pa sa dulo.




Ang galing nun ah! Umiikot yung mata ni hyung!




"Tama yung sasali kayo dun. Pero yung arrangement ay naka-depende sa mga staff. At ang first choice nila na isasalang ngayon" huminga muna sya ng malalim "ay si Daniel."




"A-ako?" tanong ko kaya nahampas naman ako ni Daehwi dahil sa sobrang kilig. Pinalo naman sya pabalik ni Jisung hyung.




"Kelan nya mami-meet ang mapapangasawa nya?" tanong ni Jisung.




"Ngayon na" sagot ni ahjusshi, dahilan para pandilatan namin sya ng mata.




"So ano Danik, willing ka ba or hindi?" tanong ni ahjusshi.




"Sure, ahjusshi. Basta para maging masaya ang Wannables" sagot ko habang nakangiti ng malapad, kasinglapad ng balikat ko.




"Danik, pano na ko? Pano na tayo?" pagda-drama naman ni Seongwoo hyung.




"Hyung, andyan naman si Minhyun hyung eh" sabi ko sabay turo kay Minhyun hyung.




"Oy oy oy! Anong Minhyun hyung? Loyal sakin yan!" singit ni Jaehwan.




We Got Married #1: [Kang Daniel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon