Brix Nightmare

455 23 3
                                    

Chapter Twenty-Three

Malakas na yugyog sa balikat ni Brix ang gumising sa kanyang pagkahimbing.

"Sir,Brix!Gising!"tinig ni Jazz mula sa likod niya.

"Uhmm.."hindi pa siya nagmumulat ng mata.

"Ano'ng nangyari?Ayos ka lang ba?"parang nabawasan ang kabang markado sa tinig ni Jazz kanina.

Ilang gabi na siyang kulang sa tulog at kanina lang niya naisipang umidlip muna habang tulog ang dalaga sa loob ng kuwarto nito.Napuyat siya sa dalawang gabing pagbabantay sa dalaga.Pinakatitigan niya ito.

"Ayos lang ako."

"Sigurado ka?Ang lakas ng sigaw mo kanina.Nagising nga ako.Tinakot mo 'ko sa sigaw mo,eh."

"Nanaginip lang siguro ako."

"Panaginip ba sa tingin mo 'yon?Binangungot ka.Natulog ka bang busog?"

"Hindi naman."

"Iwasan mo ang matulog ng busog Gano'n daw ang mga binabangungot,natutulog ng busog."

"Hindi puwedeng maging bangungot 'yon.Ang ganda nga ng panaginip ko.Ayoko pa ngang gumising,binulabog mo lang ako.Alam mo,kill joy ka."

Inirapan ni Jazz ng matalim ang binata."Bakit masarap?Dahil ba ang napanaginipan mo ay isa sa mga babae mo?Babaeng haliparot at tadtad ng kolorete sa mukha?"

"Sila ang lumalapit sa akin,eh.Iiwas pa ba ako,"pagyayabang ng binata.Ngunit ang totoo ay hindi iyon ang napanaginipan niya.Ibang-iba sa inakala niya.

Nginusuan ni Jazz ang binata habang ngumingisi ito.Hindi na nito inabalang bumangon pa sa kinahihigaan.Komportableng nakade-quatro ang mga paa nito at nakalagay naman ang mga kamay sa ibawbaw ng kanyang tiyan.

"Sa palagay ko nahimasmasahan ka na.Ipagpatuloy mo na lang muli 'yung bangungot mo!Babalik na ako sa kuwarto ko."

"Jazz,"tawag ni Brix sa kanya.

"Ano 'yon?"aniya,pero diret-diretsong lakad lang ang ginawa patungo sa kanyang silid.

"I'm leaving early tomorrow.Just in case hindi mo na ko maabutan pa dito sa sala mo.May meeting kasi akong dadaluhan,importanteng nandoon ako.If you still not feeling better,just have one more day rest bago ka bumalik sa kompanya."

Tango lang ang naging sagot ni Jazz rito.Bumalik na si Jazz sa silid nito.Pinilit naman ni Brix na matulog uli.Nanghihinayang kasi siya sa kanyang panaginip.Baka kung makatulog siya,madugtungan ang panaginip na iyon.Kung kailan pa kasi nasarapan,saka siya binulabog ng tawag.

A,hindi siya makatulog.Kahit matagal niyang ipikit ang kanyang mga mata,buhay na buhay sa kanyang diwa ang tungkol sa kanyang panaginip.Ang panaginip niya'y parang hindi naman talaga panaginip.Buhay na buhay kasi iyon sa kanyang imahinasyon ang hitsura ng babae.Hindi niya maaring makalimutan.

"Sino ka?"Tanong niya.

Bago sumagot ang babaing iyon, nginitian muna siya.Kaytamis ng ngiting iyon.At kay ganda ng babae.Kung gaano kaganda,wala yata siyang puwedeng pagkumparahan.
Sino nga ba ang kasing-ganda nito sa mga babaeng nagdaan sa buhay niya?

"Huwag mo namang sabihing nakalimutan mo na ako,Jack?"

"K-kilala mo 'ko?"

"Pa'no kita malilimutan,Jack?Sino nga ba ako talaga?"Tanong naman ng babae.

Hindi siya nakasagot.Totoo, pamilyar na pamilyar sa kanya ang mukha ng babae.Pero kahit anong pilit niyang isipin ay hindi pa rin niya maisip ang pangalan nito.
"Kung sino ka man,"nasabi na lamang niya,"hindi naman na siguro mahalaga."

"Eh,alin ang mahalaga?"

Bumangon siya.Bigla,marahan niyang hinatak ang kamay ng babae.Iglap,magkayapos na sila.Iglap din,magkadikit na ang kanilang mga labi.Aahh,kaytamis ng mga labing iyon!Parang kasing tamis ng chokolate.

"Alin talaga ang mahalaga,Jack?"Muli,parang mapilit na tanong ng babae.

"Ikaw....ikaw!"

"Sinungaling ka,Jack!"Nagwawala sa pagkakayapos niya ang babae."Kung talagang mahalaga ako sa'yo,bakit mo ako iniwan?"

Hindi niya kayang sagutin ang tanong ng babae.Iniwan nga ba niya ang babaeng ito?Kailan?Saan? Pero parang may nagsasabi sa kanyang utak;Iniwan mo nga siya!?Iniwan mo nga siya..noon!Hindi niya pinakawalan ang babae.Lalo niyang pinahigpit ang yapos dito.Minsan pa,siniil ng halik ang bibig ng babae.

Nang maglayo ang kanilang mga labi,pareho silang naghahabol ng paghinga.Kung gaano katagal naglapat ang kanilang mga labi,hindi na niya matandaan.Basta't kung hindi siya nakaramdam ng pangangapos ng hininga,hindi na siguro niya magugustuhang maglayo ang kanilang mga labi.

Ang babae na ang nagkusang yumapos sa kanya nang makapahinga ito sandali.At tuluyan na silang nahiga sa sa maliit na sofa.At parang nagulat pa si Brix nang matuklasan niyang wala na pala silang ano mang damit.

"Mahal kita,mahal kita!"Pabulong na sabi ni Brix habang pinaghahalikan niya ang kasiping.
A,kaybango ng babaeng ito.Ano kaya ang gamit nitong pabango?Mahinhin,suwabe ang pabango,parang amoy ng samot-saring sariwang bulaklak.

"Kung talagang mahal mo ako,isumpa mo."Sabi ng babae."Isumpa mo sa lahat ng Bathala,Jack!"

Abala na siya.Hindi siya makasagot.Napaliguan na niya ng halik ang kabuuan ng babae at pinupupog na niya ngayon nang halik.

"Isumpa mong talagang mahal mo ako, Jack!"

Hindi pa rin siya kumibo.

"Naririnig mo ba ako,Jack?"Itinulak ng babae ang kanyang mukha.
"Gusto kong marinig munang isinusumpa mo."

"Isinusumpa kong ikaw lang ang mamahalin ko!"Sabi niya,parang taimtim na dasal.

"Meron pa akong hihilingin,Jack."

"Sabihin mo at pagkaya ko rin lang,hindi ka mabibigo."

"Isumpa mo sa mga Bathala na hinding-hindi mo na ako iiwan..."

Bigla,natigilan siya.Muli niyang niyapos ang babae,hindi iyon tumutol.Ngayon pakiramdam niya,higit na maalab ang kanilang pag-ibig.Nang ihulma niya ang binti niya sa pagitan ng binti nito.Pakiramdam niya'y pumasok siya sa pintuan ng langit.
Malapit na nga niyang marating ang karukukan nang bulahawin siya nang malakas na pasigaw na pagtawag sa kanya.

"Jazzzz!"
Ang sama mo namang titiyempo!naisaloob niya.Natawa siya dahil si Jazz lang pala ang babaeng dumaan sa bangungot niya.Ginising siya ng dalaga ng malakas na "good morning."
Nang imulat ni Brix ang kanyang mga mata ay laganap na ang liwanag.

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon