Blackmail ni Brix

429 31 6
                                    

Chapter Nineteen

"Hi,Bea!Ang dami mong applicants ngayon,ah,"bungad ni Jazz nang makapasok sa opisina nito.

"Kuya Brix asked me to hire another secretary for him today,"ani Bea."Isang araw na lang ang itinatagal ng isang sekretarya sa kanya,"naiiling na sabi ni Bea,saka hinilot ang sentido.

"Bakit hindi na lang isang matandang dalagang istrikto at masungit ang i-hire mo para sa kanya?Masaya 'yon,"nakangising komento ni Jazz bago siya umupo sa visitor's chair.

"Minsan ko na 'yon ginawa.Pero nagka-nervous breakdown kaya nag-resign na lang,"ani Bea na ikinalaki ng mga mata ni Jazz.Ang akala niya exaggeration lang ang sinabing iyon ni Bea sa kanya noon.

"Grabe talaga!So,may na-hire ka na uli para sa kanya?"

"A secretary on probation pa lang.Ewan ko lang kung tatagal 'yon.Lalaki na 'yon,ha,"kuwento ni Bea.

"Uuy,bago,"nakangising sabi ni Jazz.Mayama ay inilabas niya ang tseke mula sa kanyang bag at iniabot iyon kay Bea."Ito nga pala.Ibabalik ko na sa'yo."

"Why you returning that one to me?Ginawa mo naman ang parte mo.Deserved mo 'yan.Alam kong maraming tao ang naghahangad na mabayaran para guluhin ang mundo ng Kuya ko kahit isang araw lang at isa ka na do'n,"nakangiting sabi ni Bea pero bahagya niya iyong ikinangiwi.

Oh,Bea,kung alam mo lang.Ginulo rin niya ang puso ko!

"O,sige.Binibigay ko na 'yan sa'yo.I donate n'yo sa charity.Isa pa,sobra naman ang thirty thousand para sa isang araw lang,"katwiran ni Jazz.

"Sigurado ka?'Di ba kailangan mo ng pera?"tanong ni Bea.

"Okay na ako.Nagbayad na 'yong friend kong nangutang sa'kin,"sagot ni Jazz.

"Bibigyan na lang kita ng ibang tseke.Ten thousand na lang kung ayaw mo nito.You see,nagi-guilty din ako sa ginawa sa'yo ni Kuya.If not because of me,you shouldn't humiliated by him,"ani Bea.

"Ano ka ba?Maraming round naman ang ipinanalo ko sa laban namin kaya ayos lang,"sagot ni Jazz para palubagin ang loob ni Bea.
Pesteng halik kasi!Sa loob-loob niya,alam ni Jazz na nang araw na iyon ay natalo siya sa huli.

"Alam mo kasi si kuya may pagka-bitter na sa buhay since umuwi siya sa amin.Nabalitaan ko nang dahil  sa babae,"ani Bea."Dati hindi naman daw ganyan ang ugali ni kuya.Nagbago lang!Naging seryoso na siya,istriko,at laging galit sa mundo."

"S-sinabi ba sa'yo kung anong pangalan ng babae?"kinakabahang tanong niya.

"Hindi."maikling nitong sagot."Wala naman siyang binabanggit sa akin kahit sina Daddy.Ang alam ko nasa Amerika daw 'yong babae.I shouldn't tell you this pero gusto ko talagang malaman kung sino ang babaeng 'yon para matigil na ang pangingialam ni Kuya sa akin.Para bumalik na siya sa dati."

Lagot ka Jazz.Kapag nalaman ni Bea na ikaw pala ang past ng kuya Brix niya!Patay!Patay na.Dead na talaga!over acting kana suway niya sa sarili.

"Bea,fire him now!And get me a damn good secretary.I don't need another piece of scum!"dumagundong sa buong opisina ni Bea ang maawtoridad na boses na iyon ni Brix.Muntik na ngang mapatalon si Jazz mula sa kanyang kinauupuan nang bigla na lang may pumasok doon.

Nang makita ni Jazz si Brix--in his usual piece suit,standing formidably, looking as dangerous attractive as always--pakiramdam niya ay tumalon ang puso niya mula sa kanyang dibdib at nahulog sa mga paaman ni Brix na para bang nakikiusap dito na pulutin iyon at alagaan..muli.

Yuck!Ang korney mo! What the hell, Jazz?kastigo niya uli sa sarili.
Nang magtama ang mga mata nila ni Brix ay agad niya itong inirapan.Pagkatapos ay nag-chant siya sa kanyang isip ng,"magalit ka sa kanya, magalit ka sa kanya!"

"Sir,may nagawa po ba akong mali?"tanong ng lalaking mukhang nerd na nakasunod kay Brix.Pero mukha naman itong efficient.

"You're to slow,"sagot ni Brix bago muling bumaling kay Bea."Bea,hire me an efficient and smart secretary.Now!"utos nito sa kapatid.

"Ikaw na lang ang pumili mula sa batch ng mga aplikante sa labas.Take your pick.Para hindi na ako ang sisihin mo sakaling palpak na naman ang mga mapili ko,"seryosong sagot ni Bea.

"What are you doing here?"narinig ni Jazz na tanong ni Brix.Kahit na siya ang tinatanong ng binata ay hindi pa rin niya ito binalingan.Ipinalangin niyang sana umalis nalang ito agad.
"Trouble,"banggit ni Brix sa pet name nito sa kanya.

Her heart jolt in surprise and it beats wildly after.Para kasing nag-iba sa kanyang pandinig ang tawag nito.It sounded so sensual,inviting,cute,and sweet.
Shit,Jazz!Kinikilig ka sa kanya?No!anang isang bahagi ng kanyang isip.Kaya naman tumikhim siya bago humarap kay Brix at ipinalangin na sana ay hindi nito mapansin ang uneasiness niya.

"Did you miss hell?Or..."sinadya ni Brix ang iba nitong sasabihin pero alam ni Jazz kung ano ang tinutukoy nito:ang "kissing scene"nilang dalawa.

"Or..ang relo mo?Yes.Kaya nga ako bumalik para nakawin na talaga 'yon sa'yo.Where is it?"sarkastikong tanong ni Jazz.

"Ah, ganyan pa rin ang tabas ng dila mo,"ani Brix.Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ni Jazz ang pagsilay ng ngiti sa mga labi nito--well,a lopsided amused grin--dahilan para lalong kumabog ang dibdib niya.Muli niyang minura ang sarili.

Ano ba nang nangyayari sa'kin?Bigla na lang na-deactivate ang "battle mode" ko dahil sa pesteng halik na 'yon?naiinis na sabi ni Jazz sa sarili.
Well,nagustuhan mo ang "pesteng-halik" na iyon,sabi naman ng isang bahagi ng kanyang isip.

"So?May problema ka ba doon?"ganting tanong niya.

"Nothing.Bea,re-hire her,"biglang sabi  ni Brix.

Naitaas ni Jazz ang isang kilay bago siya tumayo at humalukipkip sa harap ni Brix.
"Hindi ako aplikante dito,no."

"Gusto mong ilabas ko ang video mo?"ani Brix.

"Anong video ang pinagsasabi mo?"naasar nang tanong ni Jazz.

"Just be my secretary again and your video will be safe.Take it or I show it,"muling sabi ni Brix.

"Bina-blackmail mo ba ako?Ooh,gagawin mo ang lahat para bumalik ako sa'yo.Hindi ko alam na gano'n pala ako kahalaga sa'yo.I'm flattered,"Jazz said, mocking him.

Pinangunutan siya ng noo ni Brix.
Bahala kang suyuin ako.Ready naman akong magpasuyo,eh!Takbo ng isipan ni Jazz when she saw Brix reaction.May pa video-video ka pa.If,I'm sure ayaw mo talagang mawala ako sa paningin me.Isang belat sa'yo.Blehhh!

Next.....

Zelina "Princess Hurt"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon