Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter Eleven

341K 5.8K 537
                                    

IT'S World War 3 between Anne and Trent. How dare he shout at her? Eh, ito ang pamali-mali!

"Bakit ka kasi magdadala ng kalabaw at kariton sa daanan? Tingnan mo, nayupi ang unahan ng pick up ni tito!"

"So now, it's my fault that you're driving recklessly?"

"Mabagal lang ang pagpapatakbo ko! 'Yang kalabaw mo ang nakaharang sa daan!"

"Now it's the animal's fault?"

"It's your fault!" pagdidiin niya.

Napaatras ang leeg nito. Pagkatapos ay mayabang na ngumisi. "Paanong kasalanan ko pa ngayon? Umihi lang ako, may bumunggo na sa kariton ko."

At mukhang may katotohanan naman. Nakabukas pa ang zipper nito at butones ng maong pants nito na putikan. His pants are hanging low she could almost see his pubic hair and his delicious V-line is exposed to her.

"Eyes up here, lady. Hindi mo matitikman 'yan." He boastfully grinned. Wala itong pang-itaas at nakalantad sa kanya ang matipuno nitong katawan.

Gumapang ang kulay sa mukha niya at naikuyom ang palad. "Ang kapal mo rin."

"I saw you checking out on me." At parang nananadya, kumambyo ito sa harap nito. She gritted her teeth. What an asshole.

"You're delusional. Tinitingnan ko lang kung isa nga ba talagang kilalang businessman ang nasa harap ko. You don't look like a freakin' billionaire to me."

"That's why you don't judge people based on how they look. Maraming naghihirap na pero astang mayaman pa rin."

"Point taken. But don't change the topic. Kailangan mong managot para sa ginawa mo sa sasakyan ni tito."

Nakangising napailing ito. "Ibang klase nga rin. Ikaw na nga itong nakasira sa kariton ko!"

Napanganga siya, hindi makapaniwala. "Kariton lang 'yan! Ang yaman yaman mo. Itong pick up kay Tito Andy pa! Now, look!"

"Sasakyan lang 'yan. Ito, kalabaw. How can you be so cruel to animals?"

Tingnan mo ang gago. He's clearly twisting her words. Huminga siya nang malalim. Walang magiging resultang maganda kung magagalit lang siya. Calm down, she told herself.

"Okay, I'm sorry. Siguro nga, may kasalanan ako. Pero meron ka rin. Hindi mo dapat inihararang 'yan sa alam mong dadaanan ng sasakyan."

"I apologize," sabi nito. Hinintay niya ang idudugtong nito. He arched a brow at her. "What?"

"Iyon lang? Just sorry?"

"May iba ka pa bang inaasahan? A billionaire's kiss for a sorry?" Kinagat nito ang ibabang labi at mapang-asar na kinindatan siya.

Muli, namula ang mukha niya sa sinabi nito. "I don't want your kiss," asik niya. "Panagutan mo itong pick up ni Tito. Ikaw ang bahalang magpaayos. And no, it's your responsibility. Not mine."

Tumawa ito. "Seryoso ka talaga?"

Itinuro niya ang pisngi. "Mukha bang may nakalagay na "It's joke time" sa mukha ko?"

"Okay. Sasaluhin ko ang responsibilidad kahit alam naman natin kung sino talaga ang may kasalanan. Wala, eh. Dehado talaga kaming mga lalaki pagdating sa mga babae."

"Bullshit."

"Ako na ang bahala r'yan sa sasakyan. No worries, baby."

"Don't baby me. Ikaw talaga ang bahala, and no, hindi ka dehado." Tinalikuran na niya ito.

"Ako ang sasalo ng aksidenteng 'to. In one condition."

May kondisyon pa talaga?

"Ano?" asik niya.

The Playboy's PunishmentWhere stories live. Discover now