Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter Ten

320K 5.5K 287
                                    

ANO na naman ba itong ginagawa niya? Anne surely knows how to break rules. Nawawala na yata siya sa tamang pag-iisip. Itinakas na naman niya ang pick up ng kanyang tiyuhin. Good thing her uncle was in town again. Probably seeing his "date."

Kailangan daw ni Jordan ng tulong nito―blah blah blah... Hindi na niya naintindihan ang paliwanag nito. Huling-huli naman niya―sa paraan ng pag-iwas nito ng mata sa kanya―ang katotohanan. She let him. May edad na rin ang tiyuhin niya. Maybe, it's time for him to go for the one he really wants. Life is too short for denying your own pleasure. At iyon nga ang ginagawa niya.

Sumulyap siya sa rearview mirror niya. She looked so ganda. Ganda siya. Wala pang tulog 'yan.

Gusto niyang masuka. Siguro nga, nawawala na siya sa katinuan. Hindi siya nakatulog kagabi. For some reason, hindi maalis sa isip niya si Trent. Hindi nakatulong na kinukulit siya ni Negi sa DM's niya. She ended up calling her Art Director. Gusto pa rin talaga nitong i-push niya ang suggestion nito. Hindi lang talaga niya kaya. Alam niyang dapat niyang lawakan ang isip niya. Moderno na ang panahon ngayon. Hindi na siya dapat ma-shock pa. Sa totoo lang, she should really be grateful that Negi is there to help her visualize all her plans for her upcoming photo exhibit.

Kaso, hindi pa man niya pinag-iisipan nang maigi ang huling suggestion nito, nadagdagan na naman. And this time, involve na roon si Trent. And it's funny how she's considering his idea.

"Nababaliw ka na talaga," bulong ni Anne sa sarili. Tinatahak niya ang lubak-lubak na daan papunta sa villa ni Trent. Hindi niya alam kung tama bang ideya iyon. Or nababaliw na talaga siya.

Ang pagpunta niya sa tinutuluyan nito ay parang pagpasok niya sa lungga ng mga leon. Ano, gusto na ba niya magpalapa? She blushed at the thought.

Of course, you want that. Don't deny it, bitch. Tila walang preno ang isang bahagi ng isip niya.

She might want to get laid but Trent is not the only man who's available to do the job. Hindi niya sasawayin ang Tito Andy niya. Malinaw ang sinabi nito. Dapat siyang umiwas kay Trent. At sigurado siya, sa gagawin niya ay medyo sasaway siya nang kaunti. Hindi naman nito kailangang malaman.

Alam niyang pinoprotektahan lang siya ng Tito Andy niya. But she's old enough to decide for herself. Aware naman siya na ang tulad talaga ni Trent ay walang maidudulot na maganda sa kanya. Or maybe, meron din.

Tulad nga ng sinabi ni Negi sa kanya, pwede niyang gamitin ang pagkakataong may "boyfriend" siyang tulad ni Trent. Gumawa ng ingay sa social media ang pagpopost niya. Dumoble ang number of followers niya pagkatapos noon. At hindi na niya ikinagulat ang mga taong nacurious sa kanya. Ayon nga kay Negi, maraming naghahabol sa lalaki. Starlets, celebrities, influencers, name it! Maging mga anak ng pulitiko. At hindi lang sa Pilipinas kilala ito, malaki rin ang pangalan ni Trent sa Europa at buong Asia. Kahit sa America ay meron itong mga negosyo.

But that's not the point. Gusto ni Negi na maging modelo niya ang lalaki. At dahil doon, tila kusang bumalik sa alaala niya ang isang pag-uusap nila a week ago bago siya umuwi ng probinsya.


"Anne, you are a very good photographer. Pero hindi sapat ang mga simpleng litratong 'to, like a woman crying on her bed. It's not enough to grab attention and to rise in your profession."

Bumagsak ang balikat niya sa narinig na komento mula rito. Actually, ang litratong iyon ang pinakapaborito niya sa lahat. Si Jessa kasi 'yon, ang kanyang kaibigan habang umiiyak sa kama nito. Aksidente lang ang pagkakuha niya ng larawan dito habang umiiyak. Susurpresahin sana niya ito dahil successful niyang nakuha ang isang gig na matagal na niyang kinukuha.

"Oo, may pangalan ka nang na-established these past years. But I'll be brutally honest with you, iba na ang kompetisyon ngayon. For you to be on top of them, you need to be more creative, bold and daring."

Naikuyom niya ang namamawis na palad. "So, what do you suggest?"

"Kumuha ka ng lalaki. Gwapong lalaki."

"And then, what?"

"Kailangan ay willing siyang maghubad sa harap mo," kaswal na sagot nito at sumubo ng saging.

Shock spread across her face. "You're kidding."

"Do I look like I'm kidding?" Nagtaas ito ng kilay.

"Teka! Teka lang, Negs. Baka kasi mali lang ang pandinig ko. You want me to take nude photos?"

"Walang mali sa pandinig mo. I'm really suggesting you to step up your game."

"By taking nude photos? Are you serious?"

Hindi pa nga niya nararanasang makakita ng hubo't hubad na Adan sa buong buhay niya. Sa mga larawan lang siya nakakita at minsan lang iyon. Oh, well! Naranasan na rin niya ang makapanood ng mga X-rated movies sa mga porn sites kaya kahit papaano ay may ideya na siya sa kung ano ang itsura ng walang saplot na lalaki.

"So, what kung makakakita ka n'on, Anita?" Nasamid siya nang maisip ang tinutukoy nito. "Please! You're not a teenager anymore. Limang na taon na lang, legit na matandang dalaga ka na."

"Twenty-six lang ako," pagdidiin niya. "I'm not comfortable with the idea."

Nagkibit-balikat si Negi. "Oh, well... Iyon lang naman ang suggestion ko. It's still up to you kung ano ang gusto mong gawin. But like what I said, if you want to grab attention and be better in your field, you better take my suggestion. Time is running, dear. You need to hurry. I know mahalaga sa 'yo 'to. Wala namang mawawala sa 'yo. Not even your precious virginity. You just have to take the risk of seeing live naked dicks!"


Hanggang ngayon, nagpe-play pa rin sa utak niya ang tila demonyitang halakhak ni Negi. Seeing live dicks? Ghad. She can't even imagine!

Tumunog ang cellphone niyang nasa loob ng bag. Nakapatong iyon sa passenger seat at kailangan niya pang abutin. It might be something important. Tinanggal niya ang paningin sa daan.

It's Jessa. Inis pa rin siya sa kaibigan. Hindi niya ito kinakausap dahil sa ginawa nito. Ngunit bago pa niya masagot ang tawag nito, nabitawan niya iyon nang maramdaman niya ang malakas na pagyanig sa pick up. Napatili siya sa nang makitang sumalpok siya sa isang nakaharang na bagay sa harap niya!

"Oh my god." What the hell just happened? Anong nabangga niya? Nanlaki ang mata niya. May kariton. May kalabaw. God, what the―

"The fuck!" Narinig niya ang malutong na mura mula sa labas. Kung hindi lang siya naka-seatbelt, napatalon na siya sa gulat. Malakas na hinampas ng lalaki ang pinto ng sasakyan niya. "Hey! Miss! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" singhal nito.

Napasinghap si Anne. No. Fucking. Way.

Natigilan rin ang binata nang marealize kung sino siya.

The Playboy's PunishmentWhere stories live. Discover now