Wattpad Original
Te quedan 12 partes más de forma gratuita

Chapter Two

518K 7.5K 352
                                    

NAPALAKAS yata ang pagsinghap ni Anne dahilan para mapalingon sa kanya ang dalawa. Napatili ang babae nang makita siya at mabilis itong nagtagong muli samantalang kunot-noong pinagmasdan siya ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin. Dapat na ba siyang tumakbo? But why? She's not guilty of anything!

Bumaba ang tingin ng lalaki sa hawak niya. May dilim na dumaan sa mata nito at nagtagis ang bagang na tumayo. Napaawang ang labi niya nang marealize niyang wala itong pang-ibaba. Hindi lang ito mukhang galit. Galit talaga ito. Sa taas at sa baba.

Naalarma siya nang makitang maglalakad ito papunta sa kanya na madilim ang mukha at matalim ang tingin sa kanya. Doon lang niya naisipang kumilos at tumakbo na.

Ghad! Ano ba ang ginawa niya? Hindi naman niya alam!

Seryoso! She's innocent! Wala siyang alam! Bakit? Kamalayan ba niya?! It's not like every day ay may nakikita siyang ganoong kalaswaan sa buhay niya? But the worst part was, kinukuhanan pa niya ng litrato ang mga ito!

Tumakbo siya sa abot ng makakaya niya. Runner naman siya noong high school siya. She could do this. She could get away with this.

Pero hindi gano'n kadaling tumakbo sa buhanginan nang hindi kinakapos ng hininga. Bumabagal ang pagtakbo niya. Lumingon siya at nakita ang lalaki na hinahabol siya. Doon niya mas napagtantong atlethic nga ang estranghero. Matangkad ito at malaki ang pangangatawan. He was coming so close! Goddamn it!

"Where do you think you're going, woman?" singhal nito sa kanya sabay pulupot ng kamay sa braso niya. Halos mapalundag si Anne sa pagdampi ng palad nito sa balat niya.

Gulat na gulat na napatingala siya rito. "B-Bitawan mo ako!"

"Not so fast, woman." Naningkit ang mata nito. "What are you're doing there?"

"Aray! Ano ka ba? Nasasaktan ako!"

"Answer me first!"

"Let me go first!"

"I'm not gonna do that unless you tell me a good reason why you're sneaking―"

"The hell! Wala akong intensyon na gano'n!"

"Really, huh? Then, what's with the camera?"

Dumiin ang pagkakahawak nito sa braso niya. Napangiwi siya. At hindi siya nagpapanggap lang! Nasasaktan talaga siya!

"Seryoso. Hindi ko alam na may tao roon! And I'm not doing anything wrong!"

"Talaga? Kung ganoon, bakit ka may camera?" Nagsalubong ang makapal nitong kilay at tumingin sa kanya nang matiim. "D-Did you..."

Hindi na niya pinatapos pa ang sinasabi nito. Masakit ang ginagawa nitong paghawak sa braso niya at hindi na niya ito-tolerate pa 'yon. Sakitan lang pala, ha?

Malakas na pinaigkas niya ang tuhod patungo sa pagitan ng hita nito. Malakas na napahiyaw ang lalaki at nanghihinang napaluhod. "F-Fuck!"

Sinamantala ni Anne ang pagkakataon upang makatakbo na palayo rito. Sunod-sunod pa niya itong narinig na nagmura habang tinatawag siya, ngunit nagpatuloy lang siya sa pagtakbo.

***

SAKA pa lang nakahinga nang maluwag si Anne nang makauwi siya sa villa. Ipinarada niya ang pick up ng Tito Andy niya sa garahe at pumasok agad ng bahay para makapagpalit.

"Saan ka nagpunta?"

Napalundag siya sa pagbungad na boses ng tiyuhin niya. "Diyos ko! Tito naman!"

"O bakit? Gulat na gulat ka." Ibinaba nito ang health magazine na binabasa at nakakunot-noong napatingin sa kanya.

The Playboy's PunishmentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora