“Ms. Sta. Ana can you move into another vacant seat,”

“But, Ma'am!” pagtutol ko dahil ayaw ko talagang lumipat ng upuan, bukod sa katabi ko si Tyronne tinatamad lang talaga akong tumayo.

“No buts, Ms. Sta. Ana,” mahihimigan sa boses nito ang pagiging seryoso kaya hindi na ako muling nakaangal pa.

Tinignan ko naman si Tyronne na parang nanigas na sa tabi ko. Nakatingin pa rin siya sa harap na parang hindi makapaniwala. Mas nainis pa ako ng makita kong nakangisi itong babaeng nasa aking harapan. Aish! Babangasan ko na talaga ang mukha niya.

Marahas akong tumayo at isinukbit sa aking balikat ang aking bag. Bago pa ako makaalis ay naramdaman ko ang kamay ni Tyronne na nakahawak sa aking bag. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Akala ko talaga nagyelo na siya at hindi ako papansinin.

“Saan ka pupunta?” seryoso niyang saad. Halos wala kaemosyon-emosyon ang kanyang mga mata.

“Pinapalipat ako ng upuan ni Prof.” lumuwag na ang pagkakahawak niya sa bag ko. Umasa pa naman ako na pipigilan niya akong umalis.

Iniwan ko na lang siya at naghanap na ng bakanteng upuan sa bandang gitna. Pagkaupo ko pa lang ay nakinig na ako sa tinuturo ng aming prof. Hindi ko rin maiwasan ang sulmulyap sa likod kung saan nakapwesto si Demonnese at Tyronne. Napasimangot na lang ako nang makita kong nag-uusap yung dalawa. Nakakainis pa yung ngiti nung babaeng yun sarap saktan.

Tapos itong Tyronne na'to tuwang-tuwa pa ata na nag-uusap sila. Tapos ako minsan na nga lang niya kausapin, susungitan niya pa ako. Bahala sila sa buhay nila, magsama silang dalawa. Nagulat ako ng marinig ko ang pagkabali ng aking ballpen. Napatingin tuloy ako sa kamay kong may hawak na baling ballpen.

“Okay ka lang ba, Ryzzy? Bakit nabali mo yang ballpen mo?” medyo napaurong pa ito si Anne na katabi ko. Isa siya sa pinakamabait at tahimik sa buong klase.

“Ahmm. Okay lang naman ako hehehe medyo marupok na kasi itong ballpen ko.” nakakainis naman bakit ba nabali kasing 'tong ballpen ko. Nakakahiya naman, baka matakot siya sa akin.

“Ah ganun ba, pero nakakatakot kasi yung ekspresyon ng mukha mo kanina.” mahahalata nga sa mukha nito ang pagkatakot.

“Talaga? Sorry ha, ganoon lang talaga itsura ko kapag hindi ko maintindihan ang lesson,” pagpapalusot ko na lang at ilang sandali lang ay nakita ko na rin siyang nakangiti. Ako na ata yung taong hindi magaling sa pagpapalusot.

“Kapag nahihirapan ka, magtanong ka na lang sa akin,” ibinaling niya na ulit ang kanyang pansin sa pakikinig sa aming guro. Napangiti na lang ako buti na lang at mabait ang nakatabi ko.

Buong klase hindi ako nakapag-concentrate dahil sa mahinang pagbungisngis ni Demonnese. Hindi ko alam kung hindi siya naririnig ni Ma'am o hinayaan lang siya nito. Ito namang Tyronne na'to lagi kong nahuhuling kinakausap yung babaitang yun!

Nang tumunog ang bell na hudyat na break time na ay mabilis kong inayos ang aking mga gamit. Nagmadali na rin akong lumabas dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Ayoko na rin makita pa yung paglalandian nung dalawang 'yon! Sigurado naman akong masaya silang dalawang magkasama.

Hindi ko tuloy maiwasan ang di mabadtrip. Halos lahat tuloy ng nakakasalubong ko sila na ang kusang umiiwas. Nahalata ata nila na may maitim na aura ang nakabalot sakin. Pati nga sa pagpila sa pagbili ng pagkain ay pinauna na nila ako. Samantalang hindi ako sinungitan ng tindera. Aishhh! Mukha na ba talaga akong nakakatakot.

Isusubo ko na sana ang kutsara kong puno ng pagkain ng dumating ang tatlo. Umupo na agad si Awa at yung dalawa naman ay umorder muna ng kanilang pagkain. Sinamaan ko naman agad ng tingin si Awa ng balakin nitong kumuha sa mga pagkain na nasa aking lamesa.

“Woahhh! Totoo nga ang balibalita,” may pang-aasar na ngiti sa mga labi nito na mas nagpainit sa ulo ko.

“Ano pinagsasabi mo diyan!” hindi ko na lang sila pinansin at kumain na lang nang kumain.

“May bagong transfer student daw sa section niyo," umupo na si Aliah sa tabi bitbit ang isang plato ng Carbonara, umupo naman si Storm sa tabi ni Awa. Nainis naman ako ng maalala ko si Demonnese.

“Okay lang.”

“Eh bakit ganiyan yung mukha mo? Parang pasan mo ang daigdig,” pang-aasar naman ni Storm at sabay silang nagtawanan ni Awa. Binilisan ko na lang ang pagkain at hindi na lang sila pinansin.

----

Ilang subject na ang natapos namin ngayong araw, pero hindi pa rin ako nakapag-concentrate. Palihim na lang akong napapairap. Buong araw ata silang nag-uusap at hindi man lang ata ako naalala nitong si Tyronne. Hindi tuloy ako matahimik sa aking kinakaupuan.

Hanggang sa mag-uwian na silang dalawa pa rin ang nag-uusap at parang wala silang mga kasama. Nang tumunog na ang bell ay marahas akong tumayo kaya halos lahat ng kaklase ko ay nakuha ko ang atensyon. Sinamaan ko silang lahat ng tingin at nagmamadaling nagmartsa palabas ng classroom.











Itutuloy...
------

Sorry, natagalan yung update. Pasupport na rin ng bago kong story entitled “His Sweetest Lie”

Yieeee lovelotssss.

Vote and comment.

Ms. Officer on Dutyजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें