Chapter 13

2.4K 96 4
                                    

Chapter 13: Unexpected Scene

Maagang nanaman nagising ang dalaga dahil araw nanaman ng lunes. Ibig sabihin simula nanaman ng pag-aaral niya sa unibersidad na pinapasukan ng dalawang binatang kanyang binabantayan. Ayaw pa sanang bumangon ng dalaga kaya lang ay kailangan niyang mabantayan ang kilos ng mga binata. Binalaan na kasi siya ng kanilang hepe na huwag na huwag daw aabsent sa paaralan.

Maaga niyang natapos ang mga morning rituals kaya napagdesisyunan niya na lamang ang maglakad patungo sa paaralan.

Gun with silencer✓
Uncomfortable outfit ✓(dahil sa may kaikliang paldang kanyang suot)
Her backpack full of equipment✓

Laging handa ang dalaga dahil nag-iingat siya sa mga magiging kilos niya at baka nakahalata na ang mga taong nakapaligid sa kanya.

Habang naglalakad siya pinag-aaralan na rin niya ang kaniyang paligid at alam niyang may nakasunod sa kanya. Paglabas niya pa lang ng kanyang bahay ay alam niya na may nagmamanman sa mga galaw niya. Hindi siya natutuwa sa presensiya ng taong ito dahil may nararamdaman siyang panganib. Alam niya na hindi lang isa ang nagmamasid sa kaniyang mga galaw.

Napakunot ang noo nito ng maramdaman niya na palapit nang palapit ang presensiya nito. Naging alerto naman siya kung sakaling sugurin siya ng mga ito nang patalikod. Hinawakan niya ang baril na nakakubli sa kaniyang hita. Ineready ang sarili sa magiging kilos ng kung sino man nagmamanman sa kanya.

Agad naman siyang napaharap ng may taong humawak sa kaniyang balikat. Agad siyang kumilos at hinawakan ang kamay nito at pinilipit.

"Ouch! Ouchhhhhhh, Ryzzy ako to si Caleb"namimilipit na ito sa sakit dahil sobrang higpit ng hawak ng dalaga sa kaniyang braso. Feeling pa nito na nabaliaan siya ng buto sa kanyang braso.

Pabato namang binitawan ng dalaga ang kamay ng bagong dating. Pinaningkitan niya ito ng mata"Bakit mo naman ako sinusundan?" hindi pa rin mawala sakaniya ang pagdududa.

"Talagang inalam ko kung saan ka nakatira-"pinutol nang dalaga ang pananalita niya dahil hindi nito nagustuhan ang ginawa ng binata. "BAKIT NGA?" hindi niya napigilan ang sarili na hindi mapasigaw. Napufustrate siya dahil alam niyang may iba pang tao sa kanilang paligid na nagtatago sa mga anino.

"Sorry, gusto ko lang naman talaga humingi sayo ng tawad. Hindi ko lang alam kung paano,"napayuko na lang ito kaya medyo naawa naman ang dalaga sa kaharap.

"Ha?Bakit ka hihingi ng tawad? May kasalanan ka ba? Wala naman akong maisip na ginawa mo sa akin ." napaisip naman siya kung ano nga ba yung sinasabi nitong kasalanan niya. Wala naman siyang maalala na may ginawa itong mali.

"Ha?"napaangat naman ito ng tingin sa kaharap kaya nginitian na lamang siya ng dalaga .

"Next time huwag mo na akong gugulatin ha! Baka mas malala pa diyan ang magawa ko sayo,"inginuso pa nito ang braso ng binatang kanyang pinilipit.

"Sorry talaga last time, I was shocked by the appearance of --- Demonnese," lumapit ang binata sa dalaga at kakaunti na lang pagitan nilang dalawa.

Hinawakan ng binata sa balikat ang dalaga at hindi siya sanay sa distansiya nila sa isa't-isa, para siyang hindi makahinga. Agad siyang dumistansiya sa lalaki at umiwas ng tingin, hindi niya maintindihan ang nararamdaman kapag kaharap niya ang binata.

"Ayos lang! Buti hindi nagalit sayo yung girlfriend at may kasama kang ibang babae,"hindi niya maintindihan kung bakit nanikip ang dibdib niya na maisip na may kasintahan na ang kaniyang kaharap. Napayuko na lang siya at pasimpleng hinawakan ang kaniyang dibdib.

"She's not my girlfriend,"wika nito na nagpabilis tibok ng kaniyang puso.

Hindi niya mawari kung bakit kusang ngumiti ang kaniyang labi ng marinig sa binata na wala naman pala itong kasintahan.

"Why are you smiling?"bumalatay ang ngisi sa mukha ng binata.

"Ha?Ako nakangiti?Baliw ka ba?" agad na tumalikod ang dalaga at saka nag- umpisa nang maglakad palayo. Hindi niya maialis ang ngiti sa kaniyang mga labi. Sumunod na rin ang binata sa dalaga at sabay na silang pumasok sa paaralan.

Hindi lingid sa kaalaman nila may taong nagmamatiyag sa kanilang habang sila ay nag-uusap. Napangiti na lang ang kung sino man na may pumasok na panibagong plano sa isipan.

Samantalang ng makarating ang dalawa sa paaralan ay agad na pinag-usapan sila ng mga kamag-aral.

"OMG! Sila ba?"

"Hindi sila bagay,"

"Ang kapal ng babaeng yan para landiin si Prince Caleb!" mababakas ang inggit sa tono ng pananalita nito.

Nagpantig ang dalawang tengga niya ng sabihan siya ng mga ito ng malandi. Lalapitan na sana niya ang kumpol ng kababaihan ng maunahan siya ng binata.

"Excuse me miss," wika ng binata habang mababakas ang inis sa mukha. Para namang kinikilig ang babaeng haliparot na panay ang papacute sa harapan ng binata.

Napairap na lang ang dalaga sa inaakto ng babaeng nasa kanilang harapan. Naiinis din siya kay Caleb dahil sa paglapit nito sa babaeng higad.

"What did you tell about her?"mababakas sa tono nito ang awtoridad.

Nagulat naman ang babae na maski siya ay nagulat sa inaakto ng binata.

"Why? Prince Caleb I'm just telling the truth," pagmamataray naman ng bruhilda.

"The truth is... I don't need your opinion,"nagtawanan naman lahat ng nakasaksi at nakarinig sa sinabi ng binata.

Nanlaki ang mata ng dalaga ng hinila siya nito habang hawak ang kaniyang mga kamay. Naiilang naman siya sa mga tingin na ipinukol ng mga kamag-aral sa kamay nilang dalawa. Aalisin niya na sana ang pagkakahawak nito sa kaniyang mga kamay, ngunit mas hinigpitan pa nito ang pagkakahawak sa kaniyang mga kamay. Hindi maiwasan ng dalaga ang pamumula ng kaniyang pisnge.

Someone's POV

Nakamasid lamang itong sa malayo habang tinitignan ang eksena sa pagitan ng dalawang panig. Inoobserbahan ang kilos ng mga target niya.

Magpakasaya ka muna sandali Inspector dahil sisiguraduhin kong hindi mo na magagawa pang titigan ang mukhang ng lalaking iyong kasama.

Napangisi ito habang pinagmamasdan ang dalawa habang magkahawak pa ang mga kamay.

Babawiin ko ang aking pag-aari. Mag-iingat ka inspector sa oras na kumilos ako sisiguraduhin kong wala kang laban. Ang akin ay akin lang.

------
OM to the G sino naman kaya yun? Hahahaha

Recommend ko lang yung isa ko pang story entitled "Dreams" short story lang po siya. Salamwatssss!

Comment below kung sino gusto mag pa-dedicate...





Ms. Officer on DutyKde žijí příběhy. Začni objevovat