Capítulo Treinta Y Seite - Wake Up.

Start from the beginning
                                    

"Kuya, tara. Sakay ka." Nag-aalangan man ay itinatak ko na lang sa isip ko na panaginip lang 'to.


Pumasok ako sa pintong iniwan niyang bukas para sa akin.

Kasunod noon ay pinaandar niya yung sasakyan ng marahan para ipwesto sa starting line katapat ng isa pang magarang kotse.

Nagulat ako sa ginawa ng nasa tapat namin. Nagdirty finger ito at nakatingin kay Miguel.

Pero mas nagulat ako sa ginawa ng kapatid ko dahil pinusuan nya iyon.

Gago talaga.



"Ayos ba? Magseatbelt ka na." Nagtaas baba pa siya ng kilay tsaka nagpeace sign.

Inaapak apakan nya yung gas na nagpabilis sa tibok ng puso ko.



Humanda sa akin mamaya yung kalaban nitong kapatid ko. Susunugin ko sya sa fire pit na nasa gitna na nagsisilbing divider ng kalsada.




"WOOOOAAAAAAHHHHOOOOOOOOAAAAA!" Sigaw ng kapatid ko ng biglang ibaba ng tao sa gitna ang hawak niyang dalawang flag at pinakawalan ang pagtapak sa break kaya lumipad yung sasakyan na sinasakyan namin sa bilis.






Diyos ko. Kayo na pong bahala sa amin.




Napalingon naman ako sa kalaban niya. Na nasa tapat lang rin namin na gigil na gigil. Mas gigil pa 'to kay Cardo Dalisay. Kung makadila sarap hilahin at ibuhol.

Iniis pa kasi ng kapatid kong tinatawanan lang siya.



Pinauna nya pa yung kalaban nya na nagmamayabang. Noong makalagpas na ito ng kaunti ay bigla nagtaas siya ng gear dahilan para maiwan na ng tuluyan yung kalaban niya.

Nag drift, u turn, para makabalik sa pinagsimulan kanina lang.


Kung alam ko lang na ganito, hindi ko na talaga siya pinayagaan noon pa man.


Nagulat na lang ako noong may pumutok na party popper sa loob ng sasakyan.

"Congrats JM!!!!!" Sigaw ng mga kaibigan nya.

Nakabalik na pala kami.

Ganun lang katulin. Walang wala sa kalaban niya na kadarating lang.


Bumaba naman kami ng kapatid ko.

"Congrats." Mahinang bati ko pero narinig naman nya kaya tumango lang siya.

Nakita kong inabot sa kanya yung panalo niya.


Hinagis naman nya yung envelope sa akin.

Tinignan ko sya na nagtatanong kung anong gagawin ko doon.

Parang illegal tong set up nila pero legal daw 'to e.

"Tabi mo. Pangkain natin yan sa trip natin." Sagot niya.

"Pero.... halina't mag party!!!!"

Di ko alam kung paano pero sa isang iglap ay nasa bar na kami. Hawak ko pa rin yung envelope na hinagis nya lang sa akin.

Umiinom ako kaunti pero ampangit nung lasa nitong binigay sa akin.

Para akong batang di mapakali dahil sa pahawak niyang cash. Di naman kasi ako naglalabas ng pera na ganitong set up. Hinihila ko yung laylayan ng damit niya para tuloy siya yung kuya sa aming dalawa.

"Wait lang, ano ba yun?" Bulong niya sa akin.

"Uwi na tayo." Sagot ko naman.

"Saglit lang. Magpapaalam lang ako. Mauna ka na sa kotse. Pag nainip ka stroll ka muna." Gagu talaga neto kausap.


PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now