Chapter Five: TRAGEDY

1.2K 45 1
                                    

_________________________________________
Jade's Point Of View

Excuse nga pala si Gino for a contest kasi siya ang isasabak sa feature writing.

May halong excitement ang nararamdaman ko ngayon, ano kayang gagawin namin?

May isusurprise siguro siya na crush niya. Biglang kumirot ang dibdib ko sa iniisip ko.

May feelings na ako kay Gino. Sa sobrang bait niya, maalalahanin, matalino at guwapo. Sinong hindi magkakagusto 'di ba?

Dahil doon ay nahulog na ako sa kaniya. Mas okay na sigurong ako lang ang nakakaalam baka maging dahilan pa na magkaroon ng gap ang friendship namin.

Tanggap naman niya ako sa sekswalidad at thankful ako kahit papaano pero sa feelings hindi. Siyempre babae ang para sa kaniya.

Straight yun, mas straight pa sa poste ng watawat.

Medyo na-bored ako ngayon sa mga klase namin ngayon. Gusto ko kumain pero tinatamad naman ako maglakad papuntang canteen.

Tang* tang* tang*

Sa wakas time na for lunch and vacant namin mamayang 5th to 7th period, nagsu-supervise kasi ng practice ang mga subject teacher namin sa Science, MAPEH at English.

Gusto ko na sanang mauna sa likod ng building pero baka wala akong madatnan, nasaan na kaya si Gino?

Hm mauna nalang ako sa likod.

Gino's Point Of View

Last paper na lang ang ipakita ko kay sir para sa feature writing contest and pwede ko nang ihanda lahat mamaya.

Most of my outputs are related sa isang tao, alam niyo na kung sino yun.

"Sir, eto na po."

"Very good, you can take break muna."

"Thank you, sir."

"Mukhang nagmamadali ka ah, may gagawin ka ba?"

"A-Ah o-opo may gagawin lang po."

"O siya sige, baka makaabala pa ako."

"Thank you, sir."

Tinawagan ko na lahat ng mga tauhan ko para sa preparation. Hinanap ko muna siya pero wala nang tao sa loob ng room, hm baka nauna nang nag-lunch.

Biglang nag-ring ang cp ko at number ng mga tauhan ko.

"Hello?"

"Sir, nandito na kami."

"Ah sige, wag kayong pahalata ah."

"Opo sir."

I was about to go down when i heard a shot gun from nearby, may mga bulungan naman about sa narinig nila.

"Paputok yun?"

"Ang lakas naman kung paputok?"

"Baka sumabog lang na gulong."

"Parang nanggaling sa likod."

Out of curiousity, pinuntahan ko ang pinagmulan nung putok. Doon pa naman ako magtatapat kay Jade.

Jade's Point Of View

Nang makarating ako sa likod, sinalubong ako ng magandang simoy ng hangin. Parang pang teleserye ito ah, yung tipong mamamatay ka na haha, biro lang.

Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin si Gino pero wala pa naman siya.

Ngunit may isang naka-itim nakatalikod na lalaki, malaki ang pangangatawan at may bigote. Bahagya itong sumisilip sa maliit na bintana. Ano kaya ginagawa nito?

HIS PROPERTY[BXB]Where stories live. Discover now