ONE SHOT STORY

1K 39 7
                                    

Baka Sakali

Sa mundo ng mga tao, alam naman nating lahat na limitado ang oras natin dito, maaring katapusan mo na mamaya, bukas, sa susunod na taon, o kung swerte ka, baka naman matagal pa.

Kilalanin natin ang isang simpleng babae na ang pangalan ay Rerania (Re-ran-ya). Kasalakuyan siya ay naglalakad papunta ng parke kung saan siya makikipagtagpo sa kanyang manliligaw na siyang sasagutin na niya. Ang hindi nakikita ng mga tao ay nakasuno si Eros, ang diyos ng pag-ibig. Hinanda niya ang pana, at pinana nito ang babaeng napadaan lamang sa direksyon ng pana na para sana kay Rerania.

"Palpak nanaman!" wika ni Eros. Bigla namang sumulpot ang isa pang diyos sa tabi ni Eros, si Hermes. "Kailan ka ba matututo pumana ng maayos?!" sabi nito at binatukan si Eros.

Bumuntong-hininga naman si Hermes, "Makakasakit ka nanaman ng tao" sabay sulyap kay Rerania na ngayo'y naluluha nang makita ang kanyang manliligaw na nakahawak ang kamay sa babaeng di sinasadyang maipana ni Eros.

Sa hindi malamang dahilan ay tumibok ang pintig ng puso ni Hermes habang nakatitig na pala kay Rerania. Umiling-iling si Hermes nang mapagtanto na kanina na pala siya tinitignan ni Eros na may mapang-asar na ngiti na siyang sinuklian niya ng masungit na pagmumukha. 

"Mukhang hindi ko na kailangan gumamit ng pana para sa damdamin ni Hermes ah!" Biro ni Eros sakanya. Muling binatukan ni Hermes si Eros at nag-aya nang umuwi.

Nang makarating na muli sa Mt. Olympus ay hindi mawala sa isip ni Hermes ang malungkot na mata ni Rerania. Ngayon lang niya naranasan ang maging malungkot para sa isang tao pagkat marami na siyang nakakausap sa mga kaluluwa na malulungkot sa kanilang pagkamatay.

Kilala si Hermes bilang mensahero ng mga diyos at diyosa. Siya rin ang taga gabay ng mga kaluluwa papunta sa Mundong Ilalim. Kilala rin siya bilang isang pilyo na siyang nagturo sa isang babae na si Pandora manglinlang o di kaya'y magsinungaling kaya labis ang pagtataka nito sa nararamdaman niya para kay Rerania.

Samantala, sa mundo ng mga tao, labis na nagluksa si Rerania sa kanyang pagkabigo.Umabot na ito sa puntong hindi na siya nakikisalamuha sa mga tao, at hindi na rin siya kumakain. Ang kanyang mga magulang naman ay nasa ibang bansa kaya naman hindi nila alam ang kalagayan ng kanilang anak kahit na nagiisa lamang ito.

Sa bigat ng loob nito at nakakita pa ng lubid ay siyang sinimulan ang kanyang hindi kanais-nais na plano, ang magpakamatay. Dala-dala ang lubid at upuan ay umakyat siya sa upuan at sinabit ang lubid sa kisame na itinali ang kabilang dulo sa kanyang leeg sabay humiwalay sa upuan hanggang siya ay naubusan ng hininga.

Napagtanto naman ni Hermes na muli siyang susundo ng kaluluwa mula sa mundo ng mga tao. "Kamusta na kaya si Rerania?" tanong ni Hermes habang papunta sa dapat niyang puntahan. Umiling-iling naman siya dahil sa kanyang tanong, bakit nga ba palagi niyang iniisip si Rerania?

Pagkatapos ng mabilis na paglalakbay ay nagulat na lamang si Hermes ng makita si Rerania. Kakaiba si Rerania sa mga kaluluwang sinusundo ni Hermes sa mundo ng mga tao. Wala kang makikitang labis na lungkot o pagsisisi sa ginawa niya.

Muling tumibok ng malakas ang pusi ni Hermes na siya ring naramdaman ni Rerania nang magtagpo ang kanilang mata. Dito napatunayan ni Hermes na may nararamdaman na talaga siya para kay Rerania. Ngunit hindi pwede dahil isa na lamang kaluluwa si Rerania.

Napangiti naman si Hermes ng makitang namula ang mga pisngi ni Rerania, "Tara?" Aya ni Hermes kay Rerania. "Saan?" Nagtatakang tanong naman ni Rerania.

Hinawakan naman ni Hermes ang kamay ni Rerania, "Sa tahanan ko, kumapit ka at baka mahulog ka pa sa iba" nakangising wika nito at pumunta na nga sa tinitirhan ni Hermes.

Alam ni Hermes na dapat niyang dalhin si Rerania kay Hades agad-agad ngunit sa pagmamahal nito para sakanya ay gagawa ito ng paraan upang magsama sila ng matagal dahil alam niyang may nararamdaman rin ito para sa kanya.

Nagdaan ng isang taon ay sumugod si Hades kay Zeus. Galit na galit nitong pinaliwanag kay Zeus na kulang ang kaluluwang hinahatid ni Hermes sakanya. Agad namang pinatawag ni Zeus si Hermes upang magpaliwanag.

"Humihingi ako ng patawad ngunit wala pang kasiguraduhang patay na talaga ang babaeng yun" Pagsisinungaling ni Hermes. Nakita naman nila Aphrodite at Eros sa kanyang mga mata ang pagsisinungaling niya kay Zeus. "Pagbubutihan ko ang aking trabaho" dagdag pa ni Hermes. 

Bumalik si Hermes sa kanyang tahanan kung saan nandun si Rerania kasama ang kanilang anak na si Kassandra, ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang hindi alam ni Hermes ay sinundan pala siya nila Eros at Aphrodite at doon nila nalaman ang katotohanan.

©LKAM

Nalungkot si Aphrodite sa natuklasan, maaari niya sanang tulungan si Hermes kung hindi lang sana nagpakamatay si Rerania, ngunit wala na siyang magagaawa kaya naman pagsapit ng gabi ay dinala niya si Rerania sa Mundong Ilalim gamit ng kanyang kapangyarihan upang palutangin siya. Ang kanilang anak naman ay dinala sa mundo ng mga tao at iniwan sa piling ng mag-asawang gustong magkaanak pero hindi pinagpapala. Samantala, naglagay ng mahika si Eros kay Hermes upang ipalabas na panaginip lamang si Rerania at ang kanilang anak na si Kassandra sa oras na gumising ito.

Lumipas ng dalawampu't taon ay bumalik na ang alaala ni Hermes tungol sa kanila. Samantala, sa mundo ng mga tao, sa kalagitnaan ng gabi, nagising si Kassandra sa kanyang panaginip, pawisan at hinihingal. "Panaginip nga lang ba ang lahat?" Sambit nito sa sarili at napatingin sa kanyang mga galos sa kanyang braso dulot ng pagluluksa.

"Alagaan mo ang buhay mo anak. Baka sakaling makakasama kita roon nang matagal at habang buhay. Mahal na mahal kita" Bulong ng isang tinig na siyang nagpaluha sakanya.

Baka Sakali [ONE-SHOT] [UNDER ABS-CBN BOOKS]Where stories live. Discover now