Chapter 4 - SHE'S RESILIENT

68 6 1
                                    

*8 years ago*


"What happened back there? Bakit kailangan may masaktan o mahimatay o kahit ano pa 'yan?!", galit na sabi ng Principal, "Paano kung may iba pang masama ang nangyari? Ano na lang ang sasabihin ng mga parents sa school na ito?", pag-aalala niya.


Walang gustong magsalita sa tatlo. Nagtinginan lang si Sam at Francis. Samantala, si James naman ay nakatingin lang sa sahi na para bang galit at malalim ang iniisip.


"Ano? Bakit tila para na kayong pipi?", galit ang principal, "Nagsimula kayo ng gulo tapos walang aako?!", dagdag pa niya.


Nagpatuloy sa pag sesermon ang Principal. Hinigpitan ni Francis ang pagkasara ng kanyang kamay at magsasalita na sana nang biglang may kumatok sa pintuan.


"Sino 'yan?", tanong ng Principal at tumingin ang tatlo sa pinto.


"Ma'am, ako po ito. Si Devon", sagot ng nasa labas.


"Maaari kang pumasok, iha", sagot ng Principal at nagbukas nga ang pinto. Mula dito ay pumasok si Devon, "Bakit ka naparirirto? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?", dagdag ng Principal.


"Ah, ma'am, okay naman po ako. Hindi naman po ako nasaktan. Inantok lang. Hehe", pagbibiro ni Devon, "Nandito po ako para aminin na ako po ang may kasalanan ng gulo kanina. Pasensya na po. Dahil po nagpabaya ako nagpadalos dalos kaya nangyari 'yon. Totoo po itong sinasabi ko. Nadamay lang po silang tatlo pero wala po silang kinalaman dito", pagpapaliwanag ni Devon.


Nagulat naman ang tatlo at napatingin kay Devon.


"Kung ganon naman pala, I will put you on 2hrs. Detention. You will clean the auditorium. I'll let your parents know. You may go", hatol ng Principal.


"Understood, ma'am", sabi ni Devon at dali daling lumabas ng office.


Hindi pa kumibo at umalis ang tatlong lalaki sa office. Laking pagtataka naman ng Principal.


"I said you may go. Bakit nandirito pa kayo?", tanong ng Principal sa kanila.


"I should be the one cleaning. It's my fault", biglang sabi ni James na ikinagulat naman ni Sam at Francis. Napatingin ang principal kay James, "If it weren't for me, it wouldn't happen", dagdag ni James.


"Devon already admitted her mistakes. Wala amang sumasagot sainyo kanina, hindi ba? So case is closed", pagpapaliwanag ng Principal.


"No, ma'am. Actually it's my fault", Francis said, "I should be punished as well", dagdag niya.


Napalingon naman ang Principal sa sinabi ni Francis, "Ha?"


"No, ma'am. Ako po talaga ang may kasalanan dito", sabi naman ni Sam.


"Hindi, ako talaga", sabi naman ni James.

Sunflower (Devon Seron fanfic)Where stories live. Discover now