Chapter 3 - SHE'S PERSISTENT

73 9 3
                                    


*Present*


Nagising si Devon sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Tinignan niya ang oras at araw sa kanyang cellphone.


"8:17am tapos Sunday? Sino naman kaya itong nanggugulo ng ganito kaaga at sa araw pa na ipinagkaloob ng Panginoon sakin upang makapagpahinga?", sabi ni Devon sa sarili habang nakapikit pa ang isang mata na tila nasisilaw sa ilaw ng kanyang cellphone.


Inis na bumangon si Devon at bumaba. "Sino 'yan?", tanong niya sa tao sa labas.


"Devon?", sagot ng pamilyar na boses.


"Kyra?", nakangiting sagot ni Devon. Nakasandal ang ulo niya at nakalapat ang mga palad sa pinto.


"Devon!!", patiling sagot ni Kyra.


"Kyraaaa!", masayang sabi ni Devon.


"Devon!! Ah baka naman gusto mong buksan 'yung pinto, ano?!", natatawang sabi ni Kyra.


"Ay sorry!", binuksan ni Devon ang pinto at doon sila muling nagtagpo ng bestfriend niya.


"Asan po si Devon?!", pagmamaang maangan ni Kyra.


"Baliw ka talaga! Ako na talaga 'to!", hinampas ni Devon si Kyra sa balikat habang natatawa.


"OMG! Grabe ang sexy mo na. Anong nangyare?! Pinabayaan ka ba ni Tito at Tita sa States? Hindi ka ba pinakain?! Sabihin moooo!", pamamangha ni Kyra.


"Alam mo ikaw, tumaba din. Tumaba ang utak! Dami mong alam eh", natawang sabi ni Devon at naglakad papunta sa sala nila.


Madami dami din kaming napaghkwentuhan ni Kyra. Kamustahan, mga naganap sa mga buhay nila.


"Kamusta na pala si James? Si Sam? Si Francis?", pagtatanong ni Devon.


"Ayun, mga gwapo pa din. Este okay naman. Nagulat lang din sila. Ikaw kasi eh", sagot ni Kyra.


"Lalo na si Sam. Close kayo tas bigla ka lang nawala..", dagdag pa nito.


Nangiti lang si Devon. "Na-miss ko siya", dagdag niya.


Biglang tumawa si Kyra. "Naalala mo ba 'yung grade 6 tayo?", pag iiba niya, "'Yung umamin ka na kay James", patuloy ang pagtawa niya. Nahawa na din tuloy si Devon.


*8 years ago*


Laging pinapaalala ng teacher nila Devon na mag-aral ng mabuti. Na kung may gusto kang bagay ay dapat paghirapan mo ito at wag na wag susukuan.


"Ganon nga. Hindi na ako dapat maging duwag", sabi ni Devon at dali daling kumuha ng gunting, papel, crayola, lapis at pandikit.

Sunflower (Devon Seron fanfic)Where stories live. Discover now