Chapter 1 - SHE'S SO FLUFFY

103 6 0
                                    

Devon is staring outside her window when she saw a group of school kids, ages around 8-10y.o..


"Ang cute naman nila..", she said to herself, smiling at the sight.


Her smile slowly faded when she noticed that the kids are teasing a chubby girl on pigtails. Hindi siya nakapagpigil at dali-dali siyang lumabas ng kanyang bahay dahil nakita niyang umiiyak na ang batang babae. Pinuntahan niya ito at ipinagtanggol.


"Wag nito siyang awayin kundi isusumbong ko kayo sa Pulis!", sabi niya sa mga batang lalaki.


At dahil bata pa ang mga ito, natakot sila at nauto. Tumakbo sila palayo, habang pinapatahan naman ni Devon ang bata.


"Wag ka nang umiyak. Nandito na si Ate. Anong pangalan mo? Saan ka nakatira?", sunod sunod na tanong niya sa batang babae. Umupo at pumitas ng isang Sunflower si Devon sa kanyang bakuran. Binigay nya ito sa batang babae, "Eto para sayo. Pinapasaya ako nito. Sana ikaw din".Unti-unting tumigil ang paghikbi ng bata.


"I'm Kiana. Sa kabilang kanto po ako nakatira. Ang ganda ng bulaklak na ito. Thank you for your kindness, Sunflower lady", lumaki na ang ngiti ng bata.

Ngumiti si Devon, at inalok ang kamay sa bata. "Halika, ihahatid na kita sainyo pauwi. Pero magmeryenda muna tayo at umupo sa park. Ayos lang ba sa'yo 'yun?".


Masayang tinanggap ng bata ang kamay ni Devon at tumango. Naglakad sila papunta sa park at nagsimulang magkwento si Devon.


"Alam mo ba? Nung bata ako, mataba din ako. Sobrang mataba!", pagpapaliwanag ni Devon habang bumibili ng ice cream. "At etong ice cream ang nagpapatahan sa akin. Ito ang ibinibili sakin ng Papa ko dahil ayaw nyang umiiyak ako. Ako daw kasi ang unica hija nya eh", natawa si Devon.


"Really? Hindi po halatang mataba kayo noon, Sunflower lady! You're really pretty and sexy!", sabi ni Kiana. Umupo sila sa park.


"Oo, sobrang taba ko nung bata tapos medyo maitim pa ako. Hindi talaga ako nakakatakas sa pang-aasar nila sa akin sa school. Araw araw." At nagsimulang magkwento at balik tanaw si Devon sa kanyang nakaraan.


*12 years ago*


"Devon, how do you like our new house? We enrolled you to your new school", masayang sabi ng Daddy and Mommy ni Devon.

"Yes, Mom and Dad. Though I miss my friends back in the States. But I'll be fine here, I guess", nakangiting sabi ni Devon habang tinitignan ang bagong bahay. Hawak niya sa kanyang kamay ang kanyang paboritong burger.


"Go ahead and take your things in your room", sabi sabay kindat ng Daddy niya, "I'll help your Mom to unpack our things."


Dali daling umakyat si Devon sa 2nd floor at pumunta sa bago niyang kwarto. Dahil nag-iisang anak lang siya, malaki ang kanilang kwarto. Nagustuhan niya ito dahil ito ang kanyang paboritong kulay. Pastel blue ang kulay ng pader at shades of blue ang kulay ng mga gamit sa kwarto nya. Uupo na sana siya sa window couch kaso, nahirapan siya.

Sunflower (Devon Seron fanfic)Where stories live. Discover now