Chapter 2 - SHE'S THE NEW KID

72 7 2
                                    

*Present*


Pagkapasok ni Devon sa loob ng bahay ay humiga siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Dahil sa pagkwento niya sa bata ay naalala niya ang nakaraan..


*12 years ago*


"Devon, wake up. It's your first day in school, hun", paggising sa kanya ng Mommy niya.


"Maaaaaaaa, 5 minutes", sabi ni Devon habang nakapikit pa.


"You're almost late, sweetie. Here, I'll help you get up", sabi ni Mommy niya at hinila siya patayo ng kama.


"I'm awake, ma. I am", nakangiting sabi ni Devon habang nakapikit pa ang isang mata.


Kiniliti siya ng Mommy niya at nagkulitan sila. Dun na tuluyang nagising si Devon. Naligo na si Devon at inayusan siya ng Mommy niya. Inipitan siya ng pigtails.


"My cute chubby girl", sabay pisil ng pisngi ni Devon.


"Ma, naman", nakangiting sabi ni Devon sabay kiss sa pisngi ng Mommy niya, "Gutom na ako", sabi niya nang naka-pout.


"Tara na sa baba, naka-ready na ang breakfast mo", natatawang sabi ng Mommy niya.


Pagbaba ni Devon ay nasa lamesa na ang Daddy niya, "Good morning, princess", bati nito sa kanya. Naka-ready na din ito upang pumasok sa trabaho.


Pagkatapos nila kumain ay inaya na ng Daddy niya si Devon na ihatid sa new school niya. Umiling si Devon at sinabing, "Pa, sabay na po kami ni Kyra. She's my new bestfriend!", at excited na ito pumasok.


"As you say, my princess", sabi ng daddy niya habang binubuksan ang pinto.


Sakto naman at kakadating lang din ni Kyra sa labas ng gate nila at tinawag na si Devon. Nagpaalam na si Devon sa Mommy at Daddy niya para pumasok. Umalis na din naman ang Daddy niya.


Pagdating ni Devon sa school ay inilibot ni Devon ang mata niya sa bago niyang school.


"Ang ganda at ang laki", manghang sabi niya kay Kyra. Ngumiti lang si Kyra.


Pag pasok ng classroom nila ay nandoon na din ang mga kaklase niya. Magulo at naghaharutan ang mga ito. Sa dulo ay nakita niya ang tatlong pamilyar na mga mukha. Kumaway siya kay James na nakatayo at sandal sa pader.


"Psh, fat kid. Why are you even here?", pagsusungit ni James.


Kumaway din si Sam at si Francis naman ay tahimik lang na nakatingin sa kanya. Umupo agad si Kyra sa harap at agad namang sinundan ito ni Devon.


"Is she our new classmate?"

"She's so fat"

"James said we should always tease her"

Sunflower (Devon Seron fanfic)Where stories live. Discover now