28: Jian's Tragedy

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sure. Gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo pleaseee!!" pagmamakaawa ng babae.

Umupo naman ang babae sa waiting area at tinawagan ang bestfriend niya. Ang bestfriend nito bago siya pumasok sa showbiz at naging isang director. Pinagtitinginan rin siya ng tao dahil siguro nakilala ang itsura niya.

"Ayan ba si Miss. Domingo? Omgg!" ani ng isang babae.

"Bakit siya parang kinakabahan?" dagdag naman ng isa.

"Picturan mo bilis." tugon ng isang girl at dali-daling kinuha ang phone ng kaibigan.

Saktong namang nakafocus na ang camera may mga dumating namang mga lalaking nakasuit at agad silang hinarang.

"No picture taking please.." suway nito.

"Ma'am, Ano pong nangyari? Hinahanap na po kayo sa entertainment?"

"Yung bata, nasagasaan ko siya." sabi ng babae habang nanginginig ang mga labi.

"We surely get you out from this problem Ma'am. May natawagan na po ba kayong kamag-anak?"

"Si Ava, kaibigan daw ng anak niya yung bata." mahinahong sabi nito.

"Mommmyyy—." di natuloy ng bata ang sasabihin niya dahil tinakpan ng mga lalaki ang bibig ng batang babae na lumapit kay Miss Domingo.

"Bakit niyo siya dinala dito?" takang tanong ng babae at hinila ang bata papunta sa kanya.

"Nagpupumilit po Ma'am eh." sabi naman ng isang lalaki at napakamot sa ulo.

"Mommy, where are you going back? I haven't seen you for a couple of days." malungkot na sabi ng batang babae.

"Hailey, you know Mommy's busy right?" sabi naman ni Miss Domingo at ginulo ang buhok nito.

"Hanaahhhh! Hannah yung bataaa??" pareho naman nataranta ang mag-ina ng pumunta si Ava sa hospital. Ang sinasabing bestfriend nito na kanina niya tinawagan.

"Ava, buti nandito ka na. Nasagasaan yung bata habang tumatakbo siya. Yung parents niya ba? Ano ng nangyari?" nagtatakang tanong nito habang nagmamasid sa buong paligid at nagbabakasakaling makita ang magulang ng batang lalaki.

"Pasunod na ang parents niya, Sinabi ko na rin na aksidente ang nangyari. Ano ng lagay niya?" tugon ni Ava.

"Mommy, what's happening?" tanong naman ni Hailey. Napatingin naman agad si Ava sa nagsalitang bata at napalitan naman ng tuwa ang kanyang mga mukha.

"Siya na ba si Hailey? Anlaki na niyaaa." masayang sabi ni Ava at hinawakan ang batang babae.

"Opo. I'm Hailey." pinaharap naman ni Hannah ang anak niya sa sarili.

"Anak, pwede ba wag mong tawagin si Mommy na mommy kapag maraming tao? Miss Domingo nalang anak hah." mahinahong paalala ni Hannah. Lumungkot naman ang mukha ng bata kaya niyakap nalang niya ito.

"It's okay sweetie. Darating ang panahon masisigaw mo na ako ang mommy mo."

---------------

"Where's the family of the patient?" saktong pagsabi ng doctor ay nagmamadali namang pumunta ang mga magulang nito ng makita nila si Ava.

"Asaan po ang anak ko? Okay na ba siya??" nag-aalalang tanong ng mom ni Jian.

"Tumama po ang ulo niya sa pagkabangga. Buti nalang po hindi siya nacoma at after few day magigising na siya. Ang problema lang po ay maari siyang makalimot, pwede po siyang magkaroon ng short memory shortage o pede ring mapunta sa Amnesia. Marami pa po akong gagawin, Salamat po." pagkasabi nun ng doctor ay umalis na siya.

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon