24: Truth

55 20 0
                                    

Renzy's POV

Btw, Di niyo pa ako kilala right? I'm Renzy Abigail Maine Dizon. Matalik na friend ko si Althea. Sa kasamaang palad kaapilido ko pa ang ahas. Don't ya worry di ko kaano-ano yan at di ko tanggap pag naging kapatid ko ang isang Hailey Dizon.

Althea called me Renzy or Anne Mae. Ewan ko eh, yung ang nickname niya sakin.

Pansamantala kaming nakaupo ni Michael dito sa isang bench kasama ang mga classmates namin kanina. Kitang-kita namin dito kung ano na bang ginagawa ng dalawa. Nagyayakapan pa, plastik naman ang isa.

"I don't trust Hailey." giit naman ni Jian.

"Oo nga, umiiyak pa oh." turo naman ni Michael.

"Matagal na atang plastik yan eh." sabi ko naman.

"Wehh?!" bulong ni Michael sakin kaya bumukod kami ng place kung saan walang nakakarinig.

"Si Hailey kasi papalit palit daw ng Jowa at diba si Jeremy nadagit na niya? Ngayon naman balita ko si Matthew ang jowa niya." kwento ko kay Michael. Isa ring hamak na nilalang ang isang to eh. Di ko alam kung babae ba o lalaki, Ayaw umamin.

"Taposs??!"

"Hoy, anong pinag-uusapan niyo dyan?" tanong ni Jian samin kaya naghiwalay kami ng panandalian. Pinutol narin namin ang usapan.

"Ewan ko ba. Siguro si Hailey." sartiskong sabi ko at tinarayan nalang si Jian. Medyo weird guy rin yun eh. Buti nga natatagalan ni Althea.

"Uyy, guys umalis na si Hailey" turo ni Krishia kaya agad naman kaming pumunta sa inuupuan ni Althea.

"Oy, anong nangyarii?!" tanong ko sa Althea due to curiosity. "Hmmm, Inaway ka ba ulit? May pasa ka ba? Galos, Sugat?! " dagdag ko pa.

"Sasabunutan ko na ba?" sabi ni Bianca.

"Ano, sugurin na ba namin?" sabi naman ni Krishia.

"Hindi guys, Ano ba! Nakipagbati na siyaaaaa!" masayang sabi ni Althea at abot langit pa ang ngiti.

"WHATT??!!" sabay-sabay na sigaw naming lahat.

"Bestfriends na kami ulit." sabi pa niya ulit. Ano yun? Parang walang nangyari?

"Mukhang iba na to ah." bulong ni Michael sakin.

Hay! I feel the same.

"Si Jian nasaan?" tanong ni Althea kaya hinanap naman namin siya sa paligid.

"Andito lang yun kanina, May pinuntahan siguro." sabi ni Rein. Nuxx! Alam na alam ah.

-1 Week Later-

*Room*

Isang linggo na ang lumipas at gaya ng dati parin ang nagyayari. Mag-iisang buwan na pala kami magkakaklase biruin mo yun?

Gumaling na rin ang paa ni Althea. Araw-araw naman silang magkasama ni Hailey tuwing break pero nasesense ko ang plastikan eh. After ng ginawa ni Hailey sa kanya, ambilis niya magpatawad.

Kung tanungin ko kaya si Jeremy about kay Hailey? Sasagutin niya kaya ako.

Hinanap ko siya. Nakaupo sa isang sulok. Hindi naman mukhang broken hearted. Vacant kasi namin ngayon dahil may meeting ang mga teachers.

"Psst. Pede ka bang makausap?" tanong ko pero parang di niya ako pinapansin. Tama nga si Althea, parang wala siyang pakialam kahit kanino.

"Huy, Pleaseee?!" pero di niya parin ako pinapansin. Okay, yung mga kaclose nalang niya. Galing no, sa lagay na yun may kaclose pa siya? Umalis na ako dun at pumunta sa isa niyang closest friend na babae. Base sa iba.

"Psst. Yanie, may ginagawa ka?" tanong ko sa kanya. Mukha naman wala, pero malay mo.

"Wala naman. Bakit?" sabi niya.

"Kwentuhan mo naman ako sa Buhay ni Jeremy. Since classmate ko naman siya." mahinahong sabi ko. Pumunta kami sa parte ng room kung saan tahimik at walang pake ang mga tao.

"Hmm, Sayo ko lang to sasabihin ah." nag-nod ako.

OmG! Story Timeee

"Si Jeremy kasi maingay yan at kalog. Mas maingay pa yan sa mga lalaki dito. Kami nila Miel at Jasmine ang una niyang friend. Nagkagirl friend siya si Kath, Yung babaeng yun at siya sweet talaga sila ni Jeremy na  parang couple talaga sila sa room, yung tipong di sila mapaghihiwalay. Until, nakilala niya si Josh. After seven months nagbreak din sila. Medyo matagal din diba?"

"Si Kath, nasaan na ba siya?" tanong ko.

"Nandito parin siya at bestfriend ko ngayon." sabi niya at halata rin ang lungkot sa mga mata. Nag-nod nalang ako at nagpatuloy na siya sa pagkukuwento.

"Nang magbreak sila ni Kath, tumahimik at naging ganyan si Jeremy. Nawalan siya ng pake sa iba at madalang na lang niya kami kausapin. Sobra sigurong naapektuhan si Jeremy kay Kath, lalo na ang gusto niya sa ngayon ay pinsan ni Jeremy na Si JOSH. Ewan ko ba kung ano nagustuhan niya dun, mas gwapo naman si Jeremy eh."

 OMGG!!

"Si Josh namann gustong-gusto si Hailey. Nabalitaan mo naman na wala na sila diba? Nakipagbreak si Hailey kay Josh at doon naman sumaya si Kath dahil wala na sila ni Hailey. Si Hailey kasi paiba-iba rin ng jowa kung sino ang matipuhan niya yung ang gagawin niyang boyfriend."

"Base naman sa friend ko, Si Hailey at Althea magkaibigan. Pero matagal ng inggit si Hailey kay Althea dahil lagi siya ang napapansin at napupuri ng iba. Nang  malaman ni Hailey na crush ni Althea si Jeremy. Ginawa niya yung boyfriend. Nung una ayaw na ayaw  ni Jeremy dahil nga insulto yun sa pinsan niya,  pero rinig ko sa iba, may kinalaman yun kay Kath na hanggang ngayon mahal parin ni Jeremy, Kaya napapayag siya."

"So ibig sabihin, wala talagang sila?" tanong ko.

"Oo, kaya wag kang naniniwala sa iba. Sinabi ni Hailey kay Jeremy na pag naging sila after 3 months, babalikan niya si Josh at pede na silang magbalikan ni Kath."

"Omgg! Napakahigad talaga ni Hailey." giit ko.

"Ngayong nakipagbreak na si Jeremy kay Hailey, Lalo niya pang pinaglapit si Josh at Kath. Meron pa ngang time na nakulong sila sa isang room at magkasama sila buong gabi. Labis namang nasaktan si Jeremy, kaya hinayaan niya nalang."

"Ang sad naman pala ng Buhay ng kumag na yun. Pero yung nakulong sila Althea at Jeremy sa ComLab, may kinalaman ba si Hailey dun?"

"Hindi ko rin alam eh, yun lang ang alam ko tungkol sa kanila. Basta, umaasa parin kami na bumalik na si Jeremy sa dati, yung tipong maingay at magulong kaklase hindi tulad ng ganyan mag-isa lang sa sulok."

"Ahh, ako rin naman eh. Salamat nga pala Yanie hah!"

"Pero pedeng wag mo ipagkalat sa iba? Tayo lang ang makakaalam at sila Miel hah." sabi niya sakin. Napatango nalang ako at nginitian siya. Ngayon alam ko na ang tunay na kulay ni Hailey.

Kinuha ko ang laptop ko at nanatili parin sa isang sulok. Baka may malaman pa ako tungkol sa kanya.

Searching.. Hailey Dizon

Puro social media lang niya ang nakita ko. Puro mukha niya na filter naman ang panlaban. Wala rin akong makitang family background niya. Wala ba siyang family?

Groups followed by Hailey

Places followed by Hailey

People followed by Hailey

Pinindot ko ang People followed by Hailey. Malay mo kasi may makita akong iba. Nakaprivate ang account niya pero buti may knowledge ako about hacking sites or making account public. Di naman siya as in na ihahack ko, babalik ko naman na private pag nakita ko na lahat.

Isang tao lang ang finofollowe ni Hailey sa lahat ng social media accounts niya. Pinindot ko yung taong yun. Isang babae, sikat at magaling na director na pede ring maging actress.

OMG?!

"Kaano-ano niya si Miss. Domingo?"

-------📝ASLFJ TBC📝-------

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon