14: I like him na rin ba?

68 20 8
                                    

Althea's POV

"So, saan tayo pupunta?" tanong ko habang patuloy lang sa pagdadrive si Jian. Medj professional siya hah. Siguro may race car booth ata to sa bahay, alam niyo yung sa mg arcade? Di ko alam tawag dun eh.

"Chill. Malapit na." he replied.

Sumandal na lang ako sa car's seat at tumingin sa labas ng bintana. Merong mga punong luntian at mga taong naglalakad kahit sobrang aga pa. Hindi pa nga ako nagbreakfast dahil sa mokong nato eh. Bakit kasi super aga??

"Alright, We're here!" he said at nagpark sa gilid saka lumabas ng kotse. Binuksan niya ang pintuan kung saan ako banda nakaupo. Nuxx! Gentleman si Mr. Hurricane!

Lumingon ako sa paligid at nakita ko ang isang karatulang pula na may dilaw na M lining pa sa taas. WOW? Ito na yung sinasabi niya? Jusq ko naman kaya ko naman pumunta sa Mcdo mag-isa bakit ang aga pa? Mukhang may sapak rin yung lalaking to eh.

"So bakit tayo nandito? Kakain lang pala, sinama mo pa ako." agad naman niyang pinitik ang ulo ko, mahina lang naman pero still medj masakit?

"Psch, Di ka pa nagbebreakfast, kaya tayo nandito. C'mmon pumasok kana!" sabi niya at siya mismo ang nagpapasok sakin dito. Pumunta siya sa likod ko at hinawakan ang dalawang balikat ko. Alam mo yung naglalaro ng trentrenputput. Ganern!

Naghanap siya ng mauupuan namin at doon na niya ako pinaghintay. Pumunta siya sa may counter at doon siya umorder ng makakain. Since, wala pa naman siya lumingon muna ako sa buong paligid.

At hindi ko inasahan kung ano ang nakita ko.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo?" takang tanong ni Jian at nilagay ang number ng food namin sa isang lagayan. Andito na pala siya, parang ambilis naman yata.

"Ahmm, Wala. So, asan na ang food?" kunot noo kong tanong habang nakatingin parin sa labas.

I saw Hailey walking at naka all black pa siya. Hindi ko alam kung siya ba yun o namamalikmata lang ako. Sa iksi ng buhok at katawan, I'm sure siya yun!

"Syempre wala pa. Wait kalang okay?" he replied.

After niyang magsalita hindi na ako sumagot pa. Kaya parang napuno ng akwardness ang buong MCDO dahil sa amin. Iniisip ko parin kasi kung si Hailey ba talaga yun, kasi kung oo baka pede pang mabalik yung friendship namin. Kahit medyo gago ang babaeng yun, I miss her damn much!

"So, You are Mr. Hurricane?" pagbabasag ko ng katahimikan. Tumango lang siya sakin at tumingin sa ibang direksyon. Parang ang weird na ngayon ah at parang mas bagay ang nickname na Mr.Hurriweird.

"Btw, Kailan mo pa pala ako kilala?" mahinahong tanong ko. Saktong pagkasabi ko nun dumating ang pagkain at inalis niya rin agad lahat yun sa tray. Binigay niya sakin ang isang meal at sa kanya ang isang meal na mas marami. •~•

"Kumain ka na. Alam kong gutom ka, Kaya ayan, Eat." kinuha niya rin ang food niya at saka kumain narin. " Kung gusto mo pa umorder ka lang."

"Tssk. Iniiba mo ang usapan, Ang sabi ko-"

"Respect the food, please?" mahinahong sabat niya kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko.

"Ok, Fine. Pero sasagutin mo ko after natin kumain hah!" sinubo ko ang isang spoon ng kanin at itlog. Meron ding ham at pancake. Breakfast nga talaga ang inorder niya.

"Psch, Whatever. " he replied.

-------------

Nakabalik na kami sa kotse bago kumain. Nagulat pa nga ako na siya ang nagbayad ng kinain namin, at sinabi niya pa buong araw siya ang gagastos, kaya ayun hinayaan ko nalang. Mukha namang mayaman eh, kotse palang pag millionaire na.

Silent #1 ASLFJ: A Silent Letter For HIMWhere stories live. Discover now