Kahit practice teacher palang ako.

Buti nalang mababait naman mga estudyante ko, may iba ngalang na pasaway.

3 weeks nakong nagtuturo sa kanila, halos 2 weeks din kaming hindi nagkikita ni Qiel.

Hindi rin naman niya ko mahatid dahil nag-iba na yung oras ng pagpasok namin.

Kabilis talaga ng oras. Sobrang nakakaoverwhelmed.

Buti sa mismong school ko lang ako naassign na magturo.

Next week na pala 2nd monthsary namin ni Qiel. Nung una namin, nagroadtrip lang kaming dalawa. Baka kumain nalang siguro kami sa labas, busy eh.

Kailangan ko narin matapos tong gagawin ko, may gig pa mamaya.

Naggawa naman na ako ng kailangan kong gawin. Matapos kong makapaglinis ng bahay, gumayak narin ako.

Dumiretso naman ako agad sa bahay nila Axel.

"Balita ko nagtuturo kana" salubong saakin ni Kuya Veron pagkabukas niya saakin ng pintuan.

"Oo kuya"

"Kamusta naman?" tanong pa niya.

"Okay lang naman, mababait naman napunta saakin" sagot ko.

"Siguro tinitingnan mo ng masasama yung mga bata!" tawa ni France.

"Lagi mo sigurong binabantaan. At ang malupit pa mukha mo palang nakakatakot na" malakas na tawa ni Danielle.

Tawanan naman silang dalawa, nag-apir pa.

"Ha ha ha, ewan ko sa inyo. Napakabuset niyo" inis kong sabi.

Tinawanan lang nila ko ulit.

"Ang aga mo naman ata dito?" tanong ni Kuya Timothy.

"Ayaw mo kuya?" tawa ko.

"Hindi toh naman" tawa niya.

"Papaturo ako sana ako sainyo maggitara" sabi ko.

Nagkatinginan naman silang lahat.

"Ayoko" iling ni Kuya Veron.

"Ayaw" sabi ni Kuya Timothy.

"Ayoko ko nga, mahirap kang turuan" sabi naman ni France.

"Mas lalong ayoko" sabi pa ni Danielle.

"Napaka naman! Kanino ko magpapaturo?" inis kong sabi.

"Kay Axel!" sabay-sabay nilang sabi sabay turo kay Axel na nanahimik lang.

Napatingin naman siya saamin, tinanggal yung earphones sa tenga niya.

"Bakit?" tanong niya.

"Papatur--" singit ni France.

"Wala Axel! Huwag mo silang pansinin" sigaw ko.

Nagulat siya pero tinalikuran ko nalang siya at hinarap sila Kuya Timothy.

"Kayo nalang kasi!" pilit ko.

"Ayaw nga namin!" reklamo ni Kuya Veron.

"Mas magaling magturo si Axel saamin!" pilit ni Kuya Timothy.

Nakakainis!

Hinablot ko yung braso ni Kuya Timothy hinila papuntang kusina.

"Sa tingin mo ba Kuya, magpapaturo ako maggitara kay Axel para sa gagawin kong suprise kay Qiel?" matigas kong pabulong na sabi sakanya.

Music led us to be togetherWhere stories live. Discover now