Chapter 13 : A Broken Heart

855 13 9
                                    

CHAPTER 13 : A Broken Heart

.

=Yves' POV=

.

"Honey ko, san ba tayo pupunta? Umuwi na kaya tayo?"

.

"I don't wanna go home right now!"

.

"Bakit ba, Myrtle? Anu na naman bang problema?"

.

"Yeah right, na naman nga talaga eh nuh! Bakit nga ba ako nagkakaganito?" she said then she stop walking as she covers her eyes with her two hands, starting to sob. "I guess... this relationship is not working anymore. I hate this feeling right now!"

.

"Hindi kita maintindihan. Anu bang sinasabi mo?" naguguluhan na talaga ako sa sinasabi nya.

.

"Hindi mo ko maintindihan kasi nga hindi na ako ang babaeng importante sayo!" tinanggal na nya ang kanyang mga kamay sa mukha nya at halatang galit sya dahil sa tono ng boses nya.

.

"Pwede ba Abigail, diretsuhin mo na nga ako. Bakit ka ba nagkakaganyan?" hinawakan ko ang magkabilang balikat nya habang nakatitig ako sa mga mata nya.

.

"Yves, Are you still in love with me or there's someone?" titig na din sya nun sakin habang tumutulo na ang luha sa kanyang mga mata.

.

Natahimik ako at unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko tapos iniiwas ko ang aking tingin sa kanya.

.

Mahal ko pa nga ba sya? O mas tama bang itanong ko sa sarili ko kung minahal ko ba talaga sya?

.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero sa totoo lang minahal ko naman talaga sya. Yun nga lang, hindi kasing tindi ng pagmamahal ko sa isang babaeng mas una kong nakilala sa kanya... Yung babaeng mas nagpapangiti sakin pero kahit kelan hindi napasakin at natatakot akong mawala ang babaeng yun sa buhay ko.

.

"So, natahimik ka? It really means to say that there's someone. Oh I forgot... she's not just someone, for you she's everything." napansin ko na lang na napaupo sya sa semento. Suot padin kasi nya yung gown kaya naupuan nya ang laylayan nito.

.

"Alam mong minahal kita Abigail. Kaya lang..." hindi ko talaga alam ang isasagot. Napakagago ko talaga. Napatorpe pa. Simpleng bagay hindi ko mapanindigan.

.

"Kaya lang..." napayuko sya nun ng sinabi nya yun tapos kita kong tumutulong muli ang luha nya," Mahal mo ang bestfriend ko diba? Mahal mo si Karen kahit nun pa."

.

Tama ba tong narinig ko? Alam nya na may gusto ako kay Karen?

.

"It's no use to hide it anymore, Yves. Okay lang naman na umamin ka ngayon wag mo lang akong gaguhin ng harap-harapan kasi di naman ako tanga."

.

Nilapitan ko sya at inilahad ko ang kamay ko sa kanya para patayuin na sya. "Tara na Myrtle, umuwi na tayo."

.

"Wag mo kong hahawakan! I can stand on my own!" tinabig nya ang kamay ko pagkatapos nun ay tumayo na sya then she slapped me. "That's slap is for all the stupid things that you've done to me. I've guess that's not enough!"

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum