Chapter 10 : Summer break

1K 14 2
                                    

Please VOTE & COMMENT after READING (:

.

CHAPTER 10

.

=Karen's POV=

.

5:30pm na pala.

.

Nanunuod ng TV sina Buddy at yung lalaking bakulaw na ang name daw ay Kit tapos ang bestfriend ko naman ay nakaupo sa rattan chair malayo sa dalawa at mukhang may kausap sa telepono. Ako naman ay nasa taas at bababa na sana ng lapitan ako ni Manang Lydia. Sya nga pala yung caretaker nitong bahay nina Myrtle.

.

"Oh, Karen, bakit dala mo ang bag mo?" tanong nya sakin nung pahakbang palang ako sa baitang ng hagdan pababa.

.

"Ah eh, uuwi muna po ako samin. Bukas na lang po ako babalik." sagot ko.

.

"Eh ineng, alam gah ni Mam Myrtle iyan?"

.

"Ako na po bahala bukas. Pakisabi na lang po." tapos dumiretso na ko sa pagbaba pero nagulat ako ng biglang magsalita si Yves.

.

"Oy, buddy pasaan ka? Ba't may dala kang bag?" tsk! Ang ingay! Tatakas nga ako kay Myrtle mukhang sablay pa ata.

.

"Tsk! Ingay mow! Uuwe muna ko samin." lalakad na sana ulet ako kaya lang si Myrtle naman ang nakapuna sakin.

.

"Oy, bessy san ka pupunta!" tanong ni Myrtle sakin habang hawak yung telepono malayo sa kanyang tenga, maya-maya ibinalik nya ulet sa tenga nya, "Okay, daddy... We're fine... Bye... Love you..." sagot nya siguro sa kausap nya sa telepono tapos binaba na nya toh. "Woy! Karen, Ba't dala mo gamit mo?"

.

Napahinto tuloy ako. "Uuwe muna ko samin. Bukas na lang ako babalik." tumalikod na ulet ako at hahakbang na sana ng nagsalita ulet sya.

.

"Akala ko ba dito ka tutulog? Paano ako?"

.

"Nandyan naman si Manang Lydia. Bibisitahin ko lang muna sina Mama at ate sa bahay. Miss ko na kasi sila."

.

"Ganun ba? Okay sige, puntahan ka na lang namin dun bukas."

.

"Okay, sige na. Baka kasi gabihin na ko sa daan." paalis na sana ko nun ng bigla na namang may pumigil sakin.

.

"Buddy, ihahatid na lang kita." si Yves pala. "Mas safe diba honey ko?"

.

"Hmm... Tama nga sya Bessy. Basta ingat kayo sa daan ha." sagot naman ni Myrtle. "Honey ko, ingat sa pagdrive ha."

.

Di naman na ko nakatanggi kasi bestfriend ko na ang nagsabi.

.

Sumakay na ko sa passenger's seat at si Buddy naman ay dun sa driver's seat. Nagwave ako ng bye kay Myrtle pati si Buddy pagkatapos inistart na nya yung engine ng kotse nya.

.

Tahimik lang kami ni buddy habang nasa byahe pa lang pero di din sya nakatiis kaya nagtanong sya sakin.

BESTFRIENDS FOREVER (Completed)Where stories live. Discover now