Thanks po senyong lahat mga readers! :)
.
CHAPTER 11.4
.
=Kit's POV=
.
"Naku, ang anak ko! Anong nangyari sa kanya?"
.
"Aling Claire, nawalan lang ho sya ng malay. Wag ho kayong mag-alala." sagot naman nung trabahador sa hacienda pagkalapag niya kay Karen sa kama.
.
Abot-abot pala talaga ang pag-aalala ng mga nagmamahal kay manok.
.
"Hijo, maligo ka na muna at baka magkasakit ka pa," sabi sakin ni Manang Lydia.
.
"Ah, sige po."
.
Nagtungo na ako sa banyo para maligo.
.
Sobrang lamig ng tubig kaya ginamit ko yung heater.
.
Woah! Naalis din ang panlalagkit sa katawan ko.
.
Ang sarap lang sa pakiramdam na naalis lahat ng putik sa katawan ko.
.
Pagkalabas ko ng banyo ay nagtapis lang ako ng tuwalya sa may bewang ko.
.
Dumiretso muna ako sa may kwarto kung saan nandun si Karen para silipin lang sya.
.
Nakakapagtaka naman.
.
"Oy! Bakit ka umiiyak Manok?"
.
Nagtinginan silang lahat sakin nung nagsalita ako at nagtakip ng mga mata sina Myrtle at Annika na ate ni Manok.
.
Si Karen naman ay nagtalukbong lang ng kumot.
.
"Oy! Bakit ba? Nu ba problema nyo?"
.
"Insan, magbihis ka muna kaya," si Yves lang ang sumagot.
.
"Suskupong bata ka!" muntikan ng malaglag nina Aling Claire at Manang Lydia ang mga dala nila.
.
May dalang basin ng tubig si Manang Lydia at mga damit naman ni Karen ang dala ni Aling Claire nung pumasok.
.
Ngayon lang ba sila nakakita ng topless?
.
"Okay sabi ko nga magbibihis muna ako. Pasensya na." sabi ko.
.
Palabas na ako ng kwarto nang may naalala akong sabihin kay Karen...
.
"Buti naman at gising ka na iyaking manok! Hahaha." at tuluyan na kong lumabas ng kwarto.
.
_______
.
=Karen's POV=
.
"Buti naman at gising ka na iyaking manok! Hahaha."
![](https://img.wattpad.com/cover/1345069-288-k559241.jpg)
YOU ARE READING
BESTFRIENDS FOREVER (Completed)
HumorCOPYRIGHT © MAY 18, 2012 - MAY 05, 2014 ~Paano kung magbestfriend ang dalawang controversial girl housemates na sina Karen Reyes at Myrtle Sarrosa? Kaya ba nilang mapanatili ang sister-like-relationship nila kung matututo silang umibig?