Chapter 35: Basta Mahal Ko Siya Yun Lang Ang Mahalaga.

389 6 1
                                    

<Knockin>

Nagising ako sa ingay ng kumakatok sa pinto. Nakatulog ako for almost a day. Nang tignan ko ang relo sa wall it's already 7pm.

Bakasyon ba to o sleeping time lang??

Nang magbukas ako ng pinto, si Paul, na seryoso ang itsura ang nakita ko. I suddenly felt ambiguous. Hindi ko mawari kung anong meron sa kanya.

"Dinner is ready." yun lang at tumalikod na siya sa akin. Nanatili lang akong nakatayo sa harap ng pinto at tila nagtataka sa pagiging seryoso ni Paul.

"Nga pala." Paul turn to me again.

"Pakisabi mo na rin kay Aleli na nakahanda na ang hapunan." hindi na ganoon ka mala authority ang tono ni Paul pero seryoso pa rin.

Pero ang pinagtataka ko, diba kanina lang magkasama sila?? Saka, bakit naman hindi pa siya ang tumawag kay Aleli?? LQ??

Umalis na rin si Paul ng tumango ako. Pinuntahan ko na rin si Aleli kumatok na sa pinto ng kwarto niya. Nang pagbuksan naman niya ko ng pinto ay seryoso din ang mukha niya pero nang makita niya ko ay ngumiti siya.

Napansin ko naman ang namamagang mata ni Aleli. Actually, hindi naman ganoon kamaga, pero namumugto lang talaga.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Ngumiti siya at napangisi sa tanong ko.

"Oo naman. huh, ikaw nga jan ehh." tinuro niya ang mata ko. Namumugto rin nga pala, nakatulog kasi ako kanina ng may luha sa mga mata.

Nginitian niya ko ng nangaasar saka naupo sa couch.

"Sabi nga pala ni Paul, nakahanda na yung dinner. Tara na kumain?" aya ko sa kanya.

She smirked bitterly. Parang hindi si Aleli ngayon ang nasa harap ko.

"Diet ako, punta ka na roon. Don't mind me." malapad na ngiti niyang sinabi. At alam kong peke ang ngiting iyon. Punung puno ito ng pretension.

"Okay, tell me what happen." humalukipkip ako sa harap ni Aleli ngayon. I want to know what's bothering her mind. ANong problema nila? Bakit, ako na bestfriend niya, hindi niya masabihan??

"Ikaw talaga, wala. Kung meron naman, sasabihin ko naman sa'yo agad." tumayo siya at binuksan ang TV.

"Aleli, ano ba ko?? Para sa'yo, anong papel ko sa buhay mo?" seryoso kong tanong. Ganitong paraan ko siya minomock. Para mapaamin sa isang bagay.

"Bestfriend, kapatid kahit hindi magkadugo, saka pamilya." sagot niya. Kinuha niya pa ang remote at naupo ulit sa couch.

"Maupo ka nga muna." Sabi niya pa sa akin. Pero hindi ko siya sinunod, tumayo ako sa harap ng TV. I want answers.

"Tell me." tinaasan ko siya ng kilay. Alam niyang seryoso na ko at hindi niya na ko maililigaw ng tanong.

Humugot naman ng malalim na buntong hininga si Aleli at saka ako tinignan.

"Walang kame, okay? Paul and I, we just enjoy each others company. We enjoy being together, pero walang kami." tumingin pa siya sa ibang direksyon para ilihis ang pagtulo ng luha niya.

"Pero akala ko... Diba, parang...?"

"Kami?" she smirked.

"Paul and I, we kiss, we act like kami na. But there's no official relationship. It just happened. Ni hindi ko namamalayan, mahal ko na siya. Pero siya, hindi ko alam." nakikita ko kung gaano pinipilit ni Aleli ang magpakatatag ngayon, kahit na gusto na niyang umiyak.

"Bakit ka pumayag sa ganyang status??" I was very unconscious sa nangyayari sa kanilang dalawa.

"Ako ang nagsimula, hindi siya."

My Typical Imperfect You &lt; Finished &gt;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon