CHAPTER FIFTEEN

6.1K 208 12
                                    

After a long day nakapahinga na din ako sa wakas. Kasalukuyan akong nakihiga im checking my intagram account nang may agaw nang atensyon ko post ni Mia five minutes ago palang. It was a picture of her and Daniela with a caption "visiting her get well soon Ela!" I cant help but naiinis talaga ako. So talagang tinotoo ni Mia na dadalaw siya Kay Daniela, Ewan ko parang may kung ano sa akin naiinggit ako kasi dapat ako Yung nandun kasi sa akin nagtratrabaho si Daniela. Hindi na ako nagdalawang isip di-nial ko ang number ni Daniela pagkatapos nang tatlong ring sinagot niya na.

"Hello, Charline napatawag ka?"  Dun Lang ako natauhan di ko alam sasabihin ko.

"Hello?" Ulit niya humugot muna ako nang malim na hingi bago nagsalita.

"Uhm... Daniela? It's me Charline how are you?" Biglang tumahimik ang kabilang linya.

"Ok na ako, I think makakapasok na ako bukas"

"Ah ganon ba? Mabuti naman, ah bukas na nga pala Yung photoshoot para sa Tuazon, mas maganda Sana kung maaga tayong makapunta sa location"

"Ah oo nga nasabi sa akin ni Mia, sige aagahan ko pagpunta Jan" bigla na naman akong naiinis dahil sa pagkabanggit niya sa pangalan ni Mia.

"Ah yeah, uhm... Nandiyan paba siya?" Sabi ko

"Ah Wala na siya actually kaaalis niya Lang" Sabi niya parang gumaan ang loob ko sa narinig. Mayamaya ay tumunog ang phone ko nagtext si Carlos.

"Ah sige, pahinga kana, bye"

"Ok thanks, bye"

Pagkababa nang tawag ay tinignan ko Yung text ni Carlos.

From:Carlos
"Hey tulog kana?"

To: Carlos
"Not yet"

From: Carlos
"Kumain kana?"

To: Carlos
"Yes katatapos Lang, ikaw kumain kana?"

From: Carlos
"Yes katatapus ko lang din. By the way can I ask you out again tomorrow night, may family dinner kasi kami I want you to introduce to them, if that's ok?"

Bigla akong napangiti meeting with the family na agad!!!

To: Carlos
"Ah sure, it's my pleasure to meet your family"

Pagkasend nang message ay binaon ko agad ang mukha ko sa unan at tumili. And that's how I spend my night.

Nagising ako dahil sa tunog nang cellphone ko may tumatawag. Tinignan ko ang oras 5:30 palang nang umaga. Sinong matino ang tatawag ng ganong oras.

"Hello?!" pagalit kong sagot kahit medyo inaantok pa ako.

"Hello? Sorry did I wake you up? Actually nandito na ako sa tapat nang condo mo, maybe you can open the door?" Bigla akong napabalikwas sa pagkahiga at agad na nagtungo sa pintuan agad na bumungad sa akin ang mukha ni Daniela alangan siya ngumiti.

"Good morning" alanganin niyang sabi at pumasok na sinarado ko muna ang pinto bago sumunod sa kaniya. Papunta siya sa kitchen nilalabas niya na sa plastic yung mga dala niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"You can continue your sleep, magluluto muna ako nang breakfast, gigisingin nalang kita" sabi niya. Umiling nalang ako at hinila ang upuan sa counter at umupo doon.

"No, dito nalang ako di nadin naman ako makakatulog nito" sabi ko na nginitian niya.

"Ok, just sit and watch me cook then" Sabi niya. Pinagmasdan ko lang siya habang seryosong naghihiwa. Ngayon ko lang napansin she's beautiful she has feature na pang artista matangos na ilong,maamo na mga mata,red lips. Biglang may kung ano sa akin, bumibilis ang tibok nang puso ko. God!!! bat ako ganito? Naiingit lang siguro ako sa kanya dahil maganda siya wait magandin ako diba?

Natauhan ako nang bigla siyang tumingin sa akin agad naman akong umiwas nang tingin nakita kong bahagya siyang ngumiti.

"Do you know how to cook?" Tanong niya.

"Ako? Oo pero mga simple lang prito ganon lang magsaing ganon! By the way ano bang lulutuin mo?" Pagiiba ko ngumiti siya nang malapad.

"Adobo" agad naman nanlaki ang mata ko.

"Really? Well that's my favorite?" Sabi ko

"I know"

"You know?" Takhang tanong ko. Saan naman niya nalaman? Bakas naman ang pagkabigla niya sa mukha.

"Ah yes, kasi I asked ate lyn kung ano favorite mo sabi niya adobo" napatango nalang ako. Pero napaisip ako paano nalaman ni ate lyn na adobo favorite ko eh wala hindi ko naman sinabi sa kaniya.

"Gusto mong coffee?" Tanong sa akin ni Daniela. On the way na kami sa location ng photoshoot. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"Yes, please" sabi ko tumango siya at ngumiti tsaka bumaling kay Mang Bert.

"Mang bert daan muna tayo sa coffee shop" aniya na tinanguan lang ni mang bert. At huminto sa malapit na coffee shop at bumaba si Daniela sakto naman na tumawag si ate lyn.

"Hello ate lyn?"

"Hello, san na kayo?"

"Yes, were on the way na"

"Oh sige kita nalang tayo dito ha"

" Ok bye" sabi ko at binaba ang tawag sakto naman at bumalik na si Daniela may dala siyang dalawang cup of coffee. Inabot niya sa akin ang isa.

"Thank You" sabi ko at nginitian siya.

"Welcome!" at ngumiti siya. Uminom ako ng coffee at tumingin ulit sa kaniya nakita kong tinabi niya yung isang coffee.

"Di mo pa iinom coffee mo?" I asked

"Ah hindi para sa akin ito, it's for Mia" biglang nawala ang ngiti ko sa narinig.

"For Mia? Bakit nagpabili siya sayo?" diko maiwasang magtanong. Umiling siya.

"Actually no, I buy it for her, pa thank you ko sa pagbisita niya kahapon sa akin" napatango nalang ako aa sinabi niya. Bigla tuloy nawala mood ko.

"Ate Lyn, where's Daniela?" I asked ate Lyn katatapos ko lang magpa- make up. Nasa dressing room kami kasam sila Mia.

"Nasa labas, may pinakuha Lang ako sa sasakyan saglit" tumango Lang ako Kay ate Lyn at bumaling sa salamin nakita Kong nakatingin sa akin si Mia kaya nilingon ko siya sa tabi ko.

"Bakit?" Tanong ko ngumiti siya.

"Wala Lang, buti hindi mo pinagalitan si Daniela dahil binilan niya akong coffee"

"Bakit naman ako magagalit?" Nagkibit balikat siya.

"Ewan, Malay ko baka nagseselos ka" napataas ako nang kilay sa narinig magsasalita pa Sana ako nang biglang pumasok si Cassandra may kaunod siyang magandang babae. Ngumiti siya sa amin.

"Guys, I want you to meet Camille Tuazon, the vice president of Tuazon" pakilala ni Cassandra sa babaeng kasama niya ngumiti nan ito sa amin. At naglahad nang kamay sa akin.

"Nice meeting you, Miss Charline" tsaka makahulugang ngumiti. Nagtatakaman ay tinanggap ko din ang kamay niya. Sunod niya binalingan si Mia na siya ding unang naglahad nang kamay Kay Camille.

"Hi nice meeting you, I'm Mia" pakilala niya sa sarili bahagya namang natawa si Camille bago tinanggap ang kamay ni Mia.

"Ofcouse I know you Mia, you're my sister friend, silly" ani nito na naging pala isipan sa akin. Gumuhit naman ang pagkabigla sa mukha ni Mia pati si Cassandra.

Kaibigan ni Mia ang kapatid ni Camille?

The Artist (gxg)Where stories live. Discover now