"Maligayang pagdating, binibini. Ako si Walter at ako ang magiging butler niyo simula ngayon.  Welcome to Residencia de Léon," bati ng lalaking nagpakilalang si Walter.

"Salamat Kuya Walter. Pwede bang Kuya Walter nalang ang tawag ko? Hindi kasi ako sanay sa pormal na pagtawag," sabi ko habang ngumingiti.

"Walang anuman, binibini. Ayos lang sa'kin na Kuya Walter ang tawag mo," sagot niya naman.

"Ellyze nalang din tawag niyo sa'kin. Nakakahiya kasi kapag binibini. Si Mama nalang ang tawagin mong binibini," wika ko kay Kuya Walter.

"Masusunod Ellyze. Sumama kayo saglit sa'kin at ililibot ko kayo sa mansyon," sabi ni Kuya Walter habang naglahad ng kamay sa akin.

"Hindi na muna ako sasabay. Kayo nalang muna ni Ellyze, Kuya Walter. Gusto kong magpahinga. Saan ba ang master's bedroom?" Tanong ni Mama kay Kuya Walter.

"Ihahatid na kita roon at baka malito ka kung nasaan ang kwarto," ani Kuya Walter.

Lumipas ang tatlong minuto at nakabalik na si Kuya Walter. Naglahad siya ulit ng kamay at tinanggap ko naman ito.

"Itong mansyong ito ay tinatawag na Residencia de Léon. Ito ay lupa ng mga de Léon. Ipinagawa ito ni Gregorio Marquez de Léon noong 1950's. This four bedroom house plan offers two stories of enchanting surprises all encompassed in this 753sqm lot with well-thought details.This mansion consists of one master's bedroom, three en-suite bedrooms, servants' quarters, private gym, family room, gaming room, two sitting rooms, kitchen, dining room, grand foyer, ballroom, a cloak room, wine cellar, playground, observatory, two tennis courts, a basketball court, a volleyball court, cinema room, pantry, garden, swimming pool and a jacuzzi," wika ni Kuya Walter in perfect English.

Nilibot namin ang buong Residencia de Léon. Pagkatapos ay hinatid ako ni Kuya Walter sa pinto ng kwarto ni Mama.

"Kuya Walter, hindi ko ata makabisado ang mga silid. Ang dami kasi. Parang mas lumaki ang bahay kapag nasa loob ka," wika ko kay Kuya Walter habang tumatawa.

He smiled at me and said," Sige na, Ellyze. Sasabihan ko muna yung chef na ihanda na ang hapunan niyo."

Hapunan? I checked my watch and I was shocked to see that it was already 6:00. Pumasok ako sa kuwarto ni Mama upang gisingin siya para sabay na kaming bumaba at kumain ng hapunan.

"Ma, gising na. Alas sais na. Bumangon ka na para sabay na tayong kumain ng hapunan," wika ko kay Mama habang kinuha ang kumot niya.

"Akin na ang kumot ko, Ellyze. Gusto ko pang matulog," sabi niya sa akin habang humikab.

"Nope. Hindi ko ibabalik. Bumangon ka na nga," sabi ko kay Mama habang tinupi ang kumot.

I heard her stomach rumbling. Tsk, gutom naman pala eh.

"Tumunog na tiyan mo, Ma. 'Wag mo sabihing hindi ka gutom. Dinig na dinig ang tiyan mo sa lahat ng panig ng mundo," humalikhik ako.

"Babangon na po, Ma'am," sabi niya sabay irap. Tinawanan ko lang siya.

Bumaba kami ni Mama sa unang palapag at pumunta sa dining room. Tapos na magluto ang mga chef. Mas nagutom ako nung nakita ko ang mga nilapag na pagkain.

Ang niluto ng mga chef ay adobong baboy, sinigang at kare-kare. I took a serving of each food. Nagsimula na akong kumain. Ganoon din ang ginawa ni Mama.

"Juice or water, Ma'am?" Tanong sa akin ng isang kitchen maid.

"I'm fine with water. Thank you." sagot ko sa maid.

Nagsalin ng tubig ang maid sa aking baso. Nagsalin din siya ng tubig sa baso ni Mama. Pinuno niya ang mga baso ng tubig at tumango sa amin. Pagkatapos ay bumalik siya sa kusina.

Sumimsim ako ng tubig at kumain ulit.

Kanina pa natapos si Mama kumain kaya bumalik na siya sa kanyang kwarto para maligo at matulog muli.

Grabe, busog na busog na ako.

Dinala ko ang plato sa kusina at nilagay ito sa lababo.

"Hija, ako na ang maghuhugas niyan," sabi ng kitchen maid na nagsalin ng tubig kanina.

"Ako na po. Bukas na lang kayo magtrabaho. Madali lang naman 'to," wika ko sa kanya.

"Nakakahiya naman, hija. Trabaho ko naman 'yan. Ayos lang ba talaga?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang naman po. Ako na ang maghuhugas ng plato ko."

Kinuha ko ang sponge at ang dishwashing liquid. Hinugasan ko ang plato ko at pinunasan ang lababo.

Pupunta na sana ako sa kwarto ko nang naalala ko na hindi pa ako nakapili ng kwarto. Nakita ko si Kuya Walter at nilapitan ko siya.

"Kuya Walter, hindi pa pala ako nakapili ng kwarto," sabi ko sa kanya.

"Kukunin ko ang bagahe mo at sasabay na ako sa'yo. Saan ba na kwarto ang gusto mo?" Tanong niya sa akin.

"May kwarto malapit sa master's bedroom diba? Yung nasa harap ng kwarto ni Mama," sagot ko kay Kuya Walter.

"Sige, pumunta ka na roon at ihahatid ko nalang ang gamit mo."

"Sige po, Kuya Walter. Salamat!" Ngumiti ako sa kanya.

Umakyat ako sa ikalawang palapag at sinilip ko muna si Mama sa kwarto niya. Mahimbing na siyang natutulog. I kissed her goodnight and went to the room in front of hers.

Malaki laki rin ito at may king sized bed. May cabinet at may study table rin. Lumabas ako sa balcony. Nagpahangin ako saglit. Tumingin ako sa mga bituin.

Narinig ko na may kumatok sa pinto kaya bumalik ako sa loob at binuksan ko ito. Si Kuya Walter lang pala. Bitbit niya ang mga gamit ko.

"Sa kama mo nalang 'yan ilagay, Kuya Walter. Salamat!" nginitian ko siya ulit.

"Walang anuman, hija. Mabuti naman at napili mo ang dating kuwarto ni Alistair," sabi niya sa akin.

"Sino si Alistair?" Tanong ko kay Kuya Walter.

"Siya ang anak ni Mrs. Guinevere de Léon. Dito siya naninirahan noong buhay pa siya," sagot ni Kuya Walter.

"Patay na siya?!" Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Walter.

"Oo hija. Namatay siya last month. Car crash ang dahilan kung bakit siya namatay," malungkot na sabi ni Kuya Walter.

"Nakikiramay po ako. Ilang taong ba siya bago mamatay?" Tanong ko kay Kuya Walter.

"He was a 12th grade student. 18 years old siya, hija," sagot ni Kuya Walter.

"Mas matanda siya sa akin ng isang taon. 11th grade ako. Sa Montevista University din ba siya nag-aaral dati? Tanong ko. Parang napapagod na si Kuya Walter sa kakatanong ko. Last na 'to.

"Oo, sa Montevista University siya nag-aaral," sagot niya.

"Iyon lang po Kuya Walter. Salamat sa pagsagot ng mga tanong ko. Aayusin ko na po ang kwarto ko," wika ko kay Kuya Walter.

"Sige hija. Bababa na ako."

"Goodnight po," sabi ko sa kanya.

Tumango siya at sinarado ang pinto. Kinuha ko ang mga gamit ko at nagsimulang mag-ayos ng kwarto. Bitbit ko ang mga damit ko at binuksan ang cabinet. Nilagay ko sa loob ang aking mga damit. Isasara ko na sana ang cabinet nang may napansin akong picture frame. Kinuha ko ito at tiningnan. Ito ay isang family picture. May magandang babaeng nasa 30s at isang gwapong lalakeng nasa 30s din. Sa gitna naman nila ay may identical twins. Pinagmamasdan ko ang picture. Familiar ang mukha ng twins. Ito ba ang De Léon family? Saan dito si Alistair?

"Huwag mo pakialaman ang gamit ko." Nagulat ako ng may madinig akong sigaw sa likod ko. Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko ang frame. Nabasag ito sa sahig. Lumingon ako at nakita ko ang isang lalake na nakita ko sa frame. Pawis na pawis na ako dahil sa takot at kaba. Nahilo ako at nandilim ang aking paningin. I blacked out.

AfterlifeWhere stories live. Discover now