Kabanata 1

759 47 8
                                    

Multo

"Ellyze Alvarez, gumising ka na! Lilipat na tayo doon sa bahay ng kaibigan ko!" Nagising ako dahil sa malakas na boses ni Mama mula sa kusina ng aming apartment.

"Ma, limang minuto pa please," wika ko habang gumulong-gulong sa aking kama.

"Bumangon ka na at kumain ka na ng almusal. Naghihintay na sa labas ang sasakyang maghahatid sa atin sa ating lilipatan," aniya.

Kumain ako ng bacon and eggs na niluto ni Mama para sa aming almusal. Pagkatapos naman ay naligo ako at nagsuot ng white v-neck at high waist pants. Simple, just the way I like it.

"Ellyze, bumaba ka na. Kanina pa naghihintay ang sasakyan." Nagagalak na talaga to si mother dear lumipat ng bahay.

"Pababa na po," sagot ko habang isinara ko ang pinto ng aking kuwarto.

Nakalabas na ako ng bahay at ako'y lumingon upang tingnan ang aming apartment muli.

"Ano pang hinihintay mo, Ellyze? Sumakay ka na!" sabi ni mama habang nasa loob ng kotse.

Sumakay ako sa kotse at sinuot ang aking earphones. I stared at the window at natulala ako ng saglit. I snapped out of it when the large gates swung open. The car went inside and stopped by the rotunda.

"Baba na po kayo, Ma'am," our driver said.

"Bababa na po. Maraming salamat sa paghatid," I replied while reaching in to give him a tip.

"Salamat Ma'am," nginitian niya ako.

Pagbaba namin sa kotse, bumungad sa amin ang isang kulay beige at tan na mansyon. Medyo may kalumaan na pero mas okay na ito kaysa doon sa tinitirahan naming apartment.

"Wow Ma, ito na ba yung sinasabi mong lilipatan nating bahay?" Tanong ko kay mama na namangha rin dahil naka bukas pa ang bibig nito habang nakatutok ang kanyang mata sa napakalaking bahay.

"Oo anak, ang ganda diba?" aniya habang kinukuha na ang mga bagahe namin sa likod ng kotse.

"Sobra, nagagalak na akong makita ang interior," sagot ko.

Naglakad na ako papunta sa front door bitbit ang sarili kong bagahe. Nilibot ng aking mata ang mala mansyong bahay, sobrang lawak nito at may playground pa sa gilid. Ang sosyal naman.

Nasa pinto na kami ng bahay nang bigla itong bumukas at bumungad sa amin ang isang matandang babae na mataba at medyo kinulang sa height.

"Magandang araw po sa inyo Ma'am, pasok po kayo" aniya na may dala pang feather duster.

Pinagmasdan ko ang loob ng bahay.

"Ma, paano mo nabili to?" Nagtatakang tanong ko kay mama.

Eh kasi naman single mom siya tapos teacher siya sa papasukan kong university sa susunod na araw. How did she manage to buy this kind of house? Tapos may maids pa. Parang Disney movie.

"Hindi ko 'to binili anak, sa kaibigan ko ito," natatawang sagot ni mama. "Since sa apartment lang naman tayo nakatira at saktong lilipat sila sa ibang bansa kaya sa akin niya ibinilin itong bahay," taas noong sagot ni mama na inayos pa ang buhok malapit sa kanyang tenga. Feeling dalagang pilipina.

Itatanong ko pa sana kung sino yung kaibigan ni Mama at kung bakit sila lumipat sa ibang bansa pero wala ng lumabas sa bibig ko. Siguro dahil na rin sa pagod sa pagdadala ng mga bagahe kanina.

Eto naman kasing si Mama, bigla na lang akong ginising kanina at sinabing mag-impake na ako kasi lilipat na daw kami.

May lalaking bumaba sa stairs. Mukhang nasa 40's na siguro ang edad niya. Suot niya ang isang tuxedo.

AfterlifeWhere stories live. Discover now