CHAPTER 3

189 24 4
                                    

*YOU NEED TO PAY*

"hoy!! Bata ka may pasok pa kayo" pang gigising sakin ni mama, pero parang ayaw kung pumasok baka kasi patayin ako nung Christopher nayun.

"Ma, ang aga pa mamaya nalang" sagot ko naman at nagtulog-tulogan ng bigla ako nitong sipain.

"Aray!! ma naman ang sakit kaya" Sigaw ko naman 

"Bumangon ka jan malapit na mag 6:30 oh! 7:30 start ng pasok nyo" galit na sabi naman nito

"Oo na!"  inis na sagot ko naman at bumangon na

Ayaw ko kasi pumasok ngayon bakit ko ba kasi yun sya naging kaklase malas talaga. Naligo nako at nagpalit tapos ay naghanap ako ng mask at isinuot ito.

"Ouh bat ka naka mask?" Nagtatakang  tanong naman ni mama

"Sinisipon po kasi ako baka makahawa ako eh, sige na ma alis nako bye" Sagot ko naman sabay halik sa pisngi nya pagkatapos ay umalis na

Buti nalang hindi traffic at umabot pako sa oras.
Pag dating ko sa classroom ay nakita kong nandoon na nakaupo si Christopher at habang nagpapapansin naman yung iba kong kaklase na babae sakanya. Nagpasalamat naman ako dahil siguradong hindi ako nito mapapansin dahil sa dami ng kaklase kong babaeng nangungulit sakanya

"Sherly!" Tawag sakin ni jen na dahilan ng paglingon ng lahat sakin kaya napayuko ako at nagmamadali na pumunta sa upuan ko

"Uy bes bat ka naka mask?" Tanong sakin ni jen

"Baliw pano kung malaman nyang classmate nya ko baka patayin ako nyan o gahasain" sagot ko naman hays pero grabe yung gahasain

"Gahasain? Assuming ka bess at saka wag mong sabihin buong school year ka mag mamask"  Sagot naman nito sabay tawa. Pero sabagay may point sya ano buong school year ako magiging ganito? At saka impossible din na hindi ako nito makikila gayong palagi kaming magkikita

"Hays ewan basta ayaw ko muna malaman nya na magkaklase kami"  sagot ko naman

"Ok sabi mo eh" Saad naman nito. maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin at nag discuss yung iba naman ay nagpa activity lang

Lunch break na lalabas na sana ako para kumain ng biglang may humawak sa kaliwang braso ko

"Jen aray! Ano ba?!" Saad  ko naman sabay lingon dito pero hindi ito si jen dahil nakaupo parin si jen habang nakatingin saamin

"Alam kung ikaw to" bulong nya naman sakin at tinanggal ang mask ko na nagpagulat sakin

"Ahm Jen right?! pwede bang lumabas ka muna may sisingilin lang ako" Baling naman nito kay jen

"Jen, No!" Saad ko at pinandilatan ito ng mata

"E-h b-aka bugbugin o patayin mo si sherly" sagot naman nito na para bang takot din

"I Promise i won't, at saka nasa school tayo kaya wala akong gagawing masama" Saad naman nito sabay ngiti at lumabas narin si jen

"Woy jen ano ba?! Wag moko iwan dito" Sigaw ko kay jen pero lumabas parin ito

"Ikaw  ano bang kailangan mo?! nag sorry na nga ako diba?" sigaw ko naman sakanya at kunwari ay hindi ako takot kunwari matapang ako. kaya moyan sherly!

"Sa tingin mo ganun lang yun? You need to pay me" sagot naman nito

"Magkano ba ha?" tanong ko naman

"300 thousand" simpleng sagot naman nito

"Huh?! Nagbibiro ka lang diba?" Saad ko naman at napanganga nalang

"No, i'm not" Nakangiti pang wika nito

"What?! Pero sampal lang at saka hindi ko naman sinasadya nong natapunan kita ng juice eh" Inis na saad ko naman sakanya. Is he for real? 300k sa isang sampal at sa pagbuhos ko ng juice sakanya na hindi ko naman sinasadya.

"Sampal lang? Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa sampal nayun" Wika naman nito at ngumiti nanaman, Ewan koba sakanya panay nalang ngiti.

"Ahm Mr.Lee unang-una wala po akong ganun kalaking pera at saka grabe ka naman kung kakasuhan moko dahil lang don"  Sagot ko naman

"Then i'll give you a choice, be my girlfriend!" Saad naman nito na nagpatulala sakin

"Girlfriend?!" Natatawang Saad ko naman. Nababaliw naba itong lalaki nato? Girlfriend? Bakit nya ako gagawing girlfriend e ang dami ngang magagandang babae na lumalapit sakanya tapos ako ang gagawin nyang girlfriend.

"Yes, i will give you 1 day para mag decide, but if you want to pay me then i will give you one week. Tandaan mo hindi ako nagbibiro pwede kita ipakulong i have a lot of connection at saka may cctv sa bar"  Sagot naman nito sabay labas at bigla nalang akong napaupo at napatulala.

Special punishment (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora