CHAPTER 17

188 22 2
                                        

Sky's POV

Sunod-sunod lang yung mga surprises na ginagawa ni Jiro, everyday sa table ko may nakalagay na sticky note. 

Minsan nakalagay sa sticky note yung mga inspiring quotes lalo na pag may long quiz kami, minsan naman mga banat, kaya ang sarap niyang banat banatan! pag nababasa ko yung mga cheesy lines na yun.

Bwisit ang hirap naman buksan ng locker ko! kanina pa to! 

"Yans patulong daw"

"wait, tabi dyan"

Sinimulan niya na hilahin yung hawakan locker ko

"napipikon na ako dito ahh"

Umatras siya ng konti and then 1,2,3

"Boooggshh!!!"

"Yanna anong ginawa mo!!" sinuntok ba naman yung pinto ng locker ko?! kanina ko nga gustong suntukin yun inunahan pa ako!

"Bulag ka ba o ano? edi sinuntok ko, ikaw naman para bumukas na"

So sinuntok ko nga yung locker ko, Taaadddaaahh bukas na siya 

"Miss FINLAY and LEWIS!!!!! inulit niyo nanaman yung ginawa niyo last year!!! follow me! now!" patay!! siya rin yun teacher na nakakita samin nung sinira namin yung locker ni Yanna, sigurado ako ikukulong nanaman kami sa kwartong ubod ng tahimik, bakit ba kasi nandun siya sa likod namin eehhh!!!

After kaming serrmonan ni Vice Principal, yeah Vice lang yung nagsermon samin, wala kasi yung principal talaga namin. Pinapasok na kami sa white room. 

Umupo ako sa sofa at ganun din si Yanna, pfftt ano bang klaseng parusa to kung gusto lang rin nila kami matulog?, well ok na rin to wala naman masyadong gagawin sa classroom ngayon eh.

Jiro's POV

Maaga akong pumasok sa school at nagdala ng madaming pagkain pati drinks wala naman kasi kaming masyadong gagawin ngayon kasi may mga activites yung teachers namin at isa o dalawa lang yung magtuturo samin ngayon. Dapat wala na lang pasok.

Pagkapasok ko ng campus dumaan ako sa tahimik na building para shortcut, kaya lang may narinig akong nag aaway, si Finn mag-isa lang siya laban sa dalawa?, mga gago to ahh, lumapit ako ng dahan dahan para sipain ko yung isa. 

"HUY!! wag na wag mong gagalawin si Yanna kundi ipapahila kita sa kabayo!!" narinig kong sabi ni Finn pagkalapit ko

"ha! may sinasabi ka ha?! asan yung kabayo mo ha?!" sabay sipa nung lalaki sa kanya

"AYAN yung kasama mo!!" sabi ni FInn tapos turo dun sa isa, pero sinipa nanaman siya

"BLAAGG!!" Sinipa ko yung isang lalaki at sinuntok yung isa 

"tumayo ka nga diyan!!"

Tumayo naman si Finn bago pinaulanan ng sipa sa tiyan yung lalaking sumipa sa kanya habang nakahiga sa kanya

"nakakailan ka na ah, ano ha! laban ka pa?!!"

Umalis na kami at dumiretso na sa room namin, ayos parang walang nangyare

Pero maya-maya lang may pumuntang teacher sa classroom at hinahanap kami, may nakakita ba samin?! 

"yes Ma'am?"

"tinatanong niyo pa ha?! nakipag-away lang naman kasi kayo dito sa loob ng campus kahit alam niyo namang bawal!, follow me in the guidance office now!!"


Kinuha ko na yung bag ko, buti nalang madami akong dalang pagkain at may dala din akong laptop, movie marathon sa loob ng white room? masaya yun!! sana si Sky nandun din

When I'm With HimWhere stories live. Discover now