*Six Years earlier*
Sky's POV
"Ano ba yan!! minsan na nga lang makakita ng maganda sa salamin pa!" sabi ko pagkatapos kong lumingon sa glass door ng grocery store.
"Kapal din ng mukha mo ano?!" my bestfriend said and rolled her eyes at me.
Naglalakad kami ngayon papuntang basketball court, dun ko daw kasi hintayin yung gitara ko na dala ng pinsan ko galing Canada.
First day ko na nga pala sa bago kong papasukang school bukas, actually hindi naman talaga siya bagong school para sa'kin, dati ko na kasi itong pinapasukan nag-transfer nga lang ako last year sa school na pinapasukan ng kuya ko, kailangan ko siyang bantayan sa school niya dahil may sakit siya.
First Day of School Expectetion:
>Nice classmate
>Nice teacher
>Short quiz
>Fun
>Interesting subjects
Reality:
>Fakes, nerd and bitches classmate
>Rugged Teacher
>Diagnostic test, which is very very LONG
>Boring class
>Hard subjects, cause' i'm lazy
Naputol lang yung pagmumuni-muni ko ng makarating kami dito, basketball court
"Sky! baka nandyan yung crush mo, noong April" sabi ni Yanna habang nakaupo kami sa isang bench dito sa basketball court
"Psshh!! wag ka nga maingay!! mamaya marinig ka ng dating manliligaw ko" nakita ko kasi si Jefrey na naka-upo rin sa isang bench, as usual may hawak nanamang libro, nerd kasi and besides nerd is not my type so i turned him down.
"Jefrey si Sky ohh!" Yanna teased to Jefrey with my presence
Tumingin lang si Jefrey ng malamig sa'kin.
"psshh, bitter!" sigaw ni Yanna
"Yanna stop it!" i hissed to her ear
-----
"Ayan na pala siya!" sigaw niya, sinong "siya"?
"yung crush ko?" nakangiti kong tanong
"Hindi, yung pinsan mo. Assuming" -Yanna
Kinuha ko na lang yung gitara ko at bumalik kay Yanna. Sarap ihampas sa kanya tong gitara na'to!
"Uwi na tayo" sabi ko sa kanya
"oo nga, pero dun na lang tayo dumaan sa eskinita na yung labasan is malapit na sa gate ng subdivision natin" -Yanna
"Ok, san ba yun?" -Ako
"basta maaalala mo rin" -Yanna
------
Naaalala ko na nga, hayop to si Yanna, mamaya may rapist pa dito eh papatayin niya ba ako sa takot?!
Naglalakad na kasi kami ngayon dito sa eskinitang sinasabi niya, nasa pagitan ito ng building. Yung first building dito sa kaliwa ko ay apartment, yung kasunod naman ay abandoned building kaya natatakot ako, may pinatay daw kasi sa loob nun at nerape pa, yung nandito naman sa kanan ko ay hotel at yung kasunod naman nito ay motel. Hindi na ako magtataka mamaya kung may maririnig akong ungol kapag malapit na kami sa motel.
