Sky's POV
*same day*
Pagka-upo namin sa upuan ay tumahimik nalang ako grabe kasi makatingin yung ibang mga classmates ko, ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? tsk!
Maya-maya pa dumating narin yung teacher namin kaya pala sila tumahimik at bumalik sa mga upuan nila, kanina kasi nagpapasikatan pa sila ng mga bag at notebooks nila pati mga gagamitin nilang mga ballpen tsk! elementary lang?
---------
Wow naman ang chicks ng teacher namin.
"ok class my name is Lovely Mapagmahal your subject teacher in science and also your adviser in this school year" She said as she's placing her things in her table.
"woooohhh hanep sa pangalan!" napalingon naman ako sa nagsalita. Yung Jiro pala
"hahahaha!!" tawanan ng mga classmates ko pati si Yanna natawa na rin baliw! ang bababaw nila.
"Okey class stop it, before we start our class I want you all to introduce yourself first, just a short info bout' yourself k?" wattah!! first day pa lang magkaklase agad siya di ba pwedeng bigyan niya muna kami ng diagnostic test?! (na ayaw ko rin >.<) tapos may introduction pa?! uso pa pala yun? ang luma niya namang type ng teacher imbyerna din to ehh! daming alam, ay hala ka! dito pala ako nakapwesto sa harapan ng first row sa katabi ng bintana, baka ako yung una niyang tawagin ba't ba dito ako umupo?! badtrip din to si Yanna ako dapat yung nasa upuan niya ngayon kaso nilipat niya yung bag ko at sinabing magpalit daw kami para katabi niya yung nerd at makakopya siya agad tapos ipapasa niya na lang daw yung sagot sakin, pag di daw siya pinakopya nun susuntukin niya daw, kilala pa naman kaming bully sa school.
Hanep din siya no? naisip niya pa yun?
Kaya ayan! parang sa'kin pa ata magsisimula yung introduction, napakunot na lang ako ng noo at tumahimik malay mo di pala sakin magsimula.
OH NO!! lumalapit ata sakin tong teacher namin please po wag ako huhu :'(
"uhm miss? is there any problem?" our teacher asked me
"non"
"Good. Well dahil nakaupo ka naman sa first line ng row niyo, sayo na magsisimula ang ating introduction" hanodaw?!!
"ok... uh uhmm.. my name is Taylor Sky Finlay, 16 yrs. old. I hate weird people and mostly nerds, if you want to know more info. about me, just add me on facebook Sky Finlay, and follow me on twitter and instagram, @SkyFinlay for twitter account and @HeavenAndSky for my instagram account. Thank you." pag kasabi ko ng salitang nerd, maraming nagsitinginan sa'kin, pakialam ko ba?! Teenager na sila tapos ganun parin yung porma nila?! parang hindi nakamove-on sa elementary.
Nagtuloy-tuloy lang yung introduction.
Pero sa lahat ng nagintro isa lang yung naka-agaw ng pansin ko
"YOW! My name is Jiro Steven Forbes, Just call me Steve for short, try to call me Jiro and I will punch you, not twice but thrice. I hate geeks, that's all"
Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya habang nagsasalita, parang wala siyang hiya and yung accent niya parang pacute na maangas. May dalawang similarities pala kami, ayaw kong magpatawag sa pangalan kong 'Taylor' at ayaw niya namang magpatawag ng 'Jiro'.
-----------
Recess na kaya pumunta na kaming canteen, pumunta si Yanna sa counter kaya sumunod na lang ako, marami nanamang matang nakatingin sa'kin, nakakainis na ha?!
Maya-maya may naramdaman nalang akong malamig sa kamay ko, tinignan ko kung kaninong juice yung nabuhos ko, kay Jiro pala, patay......
"Ay hala ano ba'yan nabasa ka tuloy" wahhh ano yung sinabi ko?, dahil nahihiya ako sa sinabi ko ay umalis na lang ako bigla sa harapan niya..
Mabilis na natapos ang oras namin sa loob ng school, hapon na at uwian na rin kaya ngayon lumalakad kami ni Yanna palabas ng campus habang may iniinom na coke in can,
"yiieehh haha Sky ang gwapo nung Steven na classmate natin! haha!! minsan nga nahuli kong nagkaka-tinginan kayo, hmmm secret boyfriend mo ba siya?" sabi ni Yanna na pangiti-ngiti pa, masama bang tumingin sa kanya?
"uuhheemmhhhh!" ayan naibuga ko tuloy yung coke, yuck tumama sa kamay niya yung iba haha!!
"oh my GEE! kadiri ka Sky!!" sabi niyang nadidiri kaya binigay ko nalang yung hanky ko kawawa naman. HAHAHA yung mukha ni Yanna parang papel na nilukot!!
"HAHAHA bagay lang yan sa'yo may nalalaman-laman ka pang secret boyfri....... aaahhhh what duh?" antigas naman nito, pag tingala ko may isang lalaki na nakablack at nakasuot ng black na cap
"ano ba'yan hindi kasi tumitingin! ayan tuloy" si Jiro pala to, ba't ba lagi na lang siya yung nakakasalubong ko at nababangga ko?, kanina sa canteen natapunan niya ako ng juice tapos ngayon naman natapon yung iniinom ko dahil sa kanya!!
"hoy lalaki hindi mo man lang ba papalitan tong nabuhos kong inumin?!"
"hindi, para pantay na tayo nabuhos mo rin naman yung juice ko kanina eh kaya bakit ko pa papalitan yang softdrinks mo ha?, sige alis na ako bye-bye Taylor HAHAHA!"
"hey!"
"what?"
"Don't call me Taylor, if you don't want me to call you Jiro" malungkot kong sabi sa kanya, basta ayaw tinatawag ako sa pangalang yan.
