Chapter 19

30 8 43
                                    

Chapter 19: The Difference Between Like and Love

Jay's Point of View

Next Monday ay sobrang saya ng ngiti ko dahil sa ganda ng araw ko.

Unang-una, nag-prepare si Mama ng paborito kong BLT sandwich at may kasama pang Fresh Milk na Strawberry Flavor kaninang almusal. Pangalawa, nalaman ko na pumasok na si Alexis sa wakas. Pangatlo naman, nalaman ko mula kay Anjyll na absent ang shutanginang Raina-reynahan!

Perpekto na ang araw na ito. Thank you Lord! Sana po ay magpatuloy ang mga biyaya Niyo sa amin!

Pagpasok ko sa loob ng school building ay nakasabay ko si Jan Rui. Binati ko siya na ipinagtaka naman niya.

"Saya mo ah." Bungad niya sa akin gamit ang kanyang normal na boses. Obvious ba? Duh. "May milagro ba?"

"Wala!" Sigaw ko sa kaniya at itinulak siua palayo dahil iuung-ong na naman niya ang mukha sa akin.

"Okay! Okay! Wag manulak." Giit niya at itinaas ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko. "Baka mahulog ako."

Ngumiwi ako. "Ikaw, bakit ka medyo matamlay ka?" Ganti kong tanong sa kaniya.

"Ah, wala, akala ko kasi malungkot ka. Gagayahin sana kita eh." Paliwanag niya habang nagkakamot ng batok. Ngumiti siya ng malapad pero hindi na naman iyon umabot sa tenga niya. "Pero dahil masaya ka, masaya na rin ako!"

Natawa ako. "Baliw."

"Baliw kanino? Baliw say—"

Sinamaan ko na agad siya ng tingin bago pa man niya maituloy ang sasabihin. Tinawanan niya lang ako.

"Si Daphne?" Tanong ko nalang sa kaniya.

Umarte naman siya na para bang nasasaktan nang pakawalan ko ang tanong na 'yun.

"You wound me." Madrama nitong sabi. "Nandito lang ako pero bakit iba lagi ang hinahanap mo? Kailan mo ba makikita yung halaga ko?"

Napa-irap ako sa kanya. Shete talaga 'tong si Jan Rui, kahit kailan talaga ang sarap pingutin.

"Joke lang." Bawi nito. "Ito naman, ang malisyoso."

"Wow! Ako pa talaga!" Nakangiwi kong sambit. Nakita ko siyang nag-peace sign sa akin at bumungisngis. "Hindi nga, seryoso... Pumasok ba si Daphne?"

"Oo naman. Maaga ngang pumasok eh, hindi na sumabay sa akin."

"Buti naman pumasok." I said with relief. Binigyan ako ni Jan Rui ng nagtatakang tingin. "Pansin ko kasi medyo hindi na kami nakakapag-catch up."

"Ganon talaga kapag napasok ka na sa isang relasyon."

"Wala pa naman kaming relasyon." Tipid kong sagot. "Pero parang meron na rin."

"Alam ko naman na hindi kayo official." Napalingon ako sa kaniya. "Pwede pa nga kitang ligawan kung gugustuhin ko eh."

Napatigil ako sa paglalakad at pinanlisikan siya ng mga mata bago batukan. Natawa naman siya ng mahina habang hinihimas ang parteng natamaan.

"Pero syempre hindi ko gagawin!" Depensa niya sa sarili. "Anak ng kagang, Jaylie, hindi ko aagawan ng babae yung tropa ko!"

"Wag mo nga akong landiin." Nakangiwi pa rin ako.

"Nalalandian ka? So gumagana?" Tinaas-baba niya yung dalawa niyang kilay. Napa-irap ako. Mukha siyang tanga.

"Jan Rui."

Napalingon kami ni Jan Rui sa direksyon ng boses. Ngumiti agad ako nang makita ko si Alexis na naglalakad patungo sa direksyon namin, kasama niya si Mat.

In The Name of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon