Prologue

132 14 65
                                    

Prologue

"So yun nga. Kapani-paniwala ba yun? Isang lalaking half-Korean na may problema sa pamilya, snob sa una, pero kung mahalin ka, kahit ano gagawin niya-" Napatigil si Daphne nang mapansin niyang hindi naman siya pinag-tutuunan ng pansin ng kausap niya.

Iba ang nasa isip ni Jaylie. Iniimagine niya yung lalaking tinutukoy ni Daphne. Yung lalaking type na type niya at gusto niyang makasama... Kaso hindi pa niya nakikilala.

"Hoy babae!" Sigaw ni Daphne, kinurot pa niya ang parteng kilikili ng kaibigan. Gulat naman na napatingin sa kaniya si Jaylie.

"Ano?" Patili na tanong nito at pinalo pa ang kamay ni Daphne. Sa naging tono nito, siya pa ang galit.

"Walastek, kanina pa ko dakdak nang dakdak di ka naman pala nakikinig." Nakangiwing tugon nito sa kanya.

"Ano ba kasi yun?"

"Kinaklaro ko lang yung tipo mo. In a nutshell pala, yung hindi makatotohanan ang gusto mo." Nakangiwing wika ni Daphne. Hindi naman pinansin ni Jaylie ang sinabi nito.

"Pero sa tingin mo? Makakakita kaya ako ng hinahanap ko?" Nakangusong tanong ni Jaylie.

Natahimik silang dalawa. Nagkatinginan. Bago nabasag nang magsalita muli si Daphne gamit ang kaniyang masayang tono.

"Hindi."

"Ih!" Parang batang daing nito. "Bestfriend ba talaga kita?"

"Malay ko sayo." Kunot-noo nitong wika. "Payo ko lang kasi sa'yo, babaan mo ng kaunti ang standards mo. Baka nga sa panaginip mo lang maabot yang pinapangarap mo." Pang-aasar ni Daphne sa kaniya.

Sumimangot pa lalo si Jaylie. Naiinis siya kahit alam niyang may point naman yung sinasabi ng kaibigan niya.

"Pag ako talaga! Nakakita ng ganoong lalaki! Who you ka sa'kin!" Taas-noo nitong wika.

Natawa lang si Daphne at napailing. Ibang klase talaga ang kaniyang kaibigan... Sigurado naman siyang hindi siya makakahanap ng ganoon.

"May bababa ba?" Napalingon ang dalawa sa driver. "May bababa ba?" Pag-uulit ng driver nang walang sumagot.

"Kanto mo na yan! Baba na! Tsupi!" Pagtataboy ni Jaylie. Gumulong ang mga mata nito at kinuha na ang kanyang backpack. Sumenyas siya sa isang lalaki bago tuluyang bumaba.

Tinapik siya sa pisngi ng lalaki bago sumunod. Bumusangot naman ang mukha ni Jaylie.

Kung tatanungin ang ibang tao. Imposible nga naman makahanap ng tao na katulad ng sinasabi niya. Pero libreng mangarap ang isang babae. Wala namang pumipigil.

Malay mo naman. Umayon sa kaniya ang tadhana.

Napatingin si Jaylie sa Maliit niyang notebook. Binuklat niya ito at ang kauna-unahang bumungad sa kaniya ay ang pangalan ng crush niya sa kasalukuyan.

Binuklat niya ang sunod na pahina. May nahulog na mas maliit pang papel.

Dahil bawal magkalat sa school bus, agad niya itong pinulot. Pamilyar sa kaniya ang papel kaya binuksan niya ito.

In The Name Of Love... Anong Kaya Mong Isakripisyo?

Napangiwi siya. Sulat kamay niya iyon. Cursive pa at may heart-heart na doodle. Nung isang araw lamang niya iyon isinulat. Napatawa nalang siya nang marealize ang kakornihan niya.

"Naloloka na rin ata ako tulad ni Daph." Naiiling na wika niya.

Itatago niya na sana ang notebook pero isang malakas na busina, sigawan at tilian ang halos bumasag sa tenga niya.

Napatili na rin siya lalo na nang bigla siyang kutuban ng masama.

Hindi niya alam kung ano nang nangyayari. Nagpapanic na ang sistema niya. Hindi na niya alam kung saan titingin. Umiikot na rin ang paningin niya.

Hanggang sa tumama ang ulo niya sa kung saang bagay, at tuluyan na siyang nawalan ng malay.

*

In The Name of LoveWhere stories live. Discover now