Chapter 9

33 8 43
                                    

Chapter 9: Pa-epal

Jay's Point of View

Nagulat na lamang ako nang pagpasok ko ay nakita ko ang mukha ni Janine sa upuan ko, wala pa si Alexis. Bakit nandito ito?

"Teka, upuan ko yan ah." Turo ko sa inuupuan niya pero ngumuso lang siya.

"Actually, dito ako pinaupo eh..." Ngumiti siya ng natamis.

Palihim akong umirap at tiningnan sina Anjyll. Malungkot silang tumango ng pinsan niya. Napabuntong-hininga na lamang ako at naghanap ng pwedeng maupuan. Bigla namang sumulpot si Jan Rui katulad ng palagi niyang ginagawa kaya muntik na akong mapasigaw pero napigilan ko ito.

"Dito ka muna oh." Turo niya sa upuan na inuupuan niya.

"San ka uupo?" Tanong ko naman sa kaniya with matching taas kilay. Hindi ko gusto ang mga panti-trip niya pero may puso pa rin naman ako... Hindi siya pwedeng tumayo habang ako yung nakaupo sa upuan niyo 'no!

Ngumisi siya ng nakakaloko bago ako tingnan at ang upuan niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ko yung sinasabi niya.

'Shutanginamo.' Bumuka ang bibig ko pero walang tunog. Rinig ko ang bahagyang pag-pipigil ni Daphne ng tawa sa likod.

Bigla namang tumawa ng pagkalakas-lakas si Jan Rui, enough na para mapalingon yung iba sa kaniya kaso dahil busy sa kani-kanilang mundo ang iba naming mga kaklase ay wala halos tumingin.

Tinapik niya ang pisngi ko at pinanlisikan ko naman siya ng mata, pero tatawa-tawa lang siyang umupo sa upuan sa tabi ni Harvis, wala pa palang naka-upo doon.

Umupo ako sa upuan ni Jan Rui. Napatingin agad ako kay Anjyll, at sa iba pa, nakatingin sila sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"No more JayLexis?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Anjyll. Anong JayLexis? Jaylie and Alexis?

Kikiligin na sana ako sa ideyang pinagsama ang mga pangalan namin ni Alexis kaso may sinabi silang 'no more' eh.

"Ha?"

"No more JayLexis. JayRui na pala ha." Binigyan nila ako ng mapang-asar na tingin. Napasimangot ako at napa-irap.

"Jaylexis? What's that?" Pag-epal ni Janine. Gusto ko sana siyang irapan kaso baka makita niya at ma-offend.

Sakto naman nang sabihin niya yun ay padabog na umupo si Alexis sa upuan niya galing kung saan. Dumapo ang mga tingin namin sa kaniya. Bigla namang umangkla ang braso ni Janine sa braso ni Alexis.

Tiningnan niyang mabuti si Janine at awtomatiko namang nag-init ang loob ko.

"Alexis, nagyayaya nga pala ulit si Mama, this coming Friday or Sat--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko sana nang umepal nanaman si Janine. Gosh, nakakailan na siya ah.

"Hi Six! How's your day? Grace! We should go out again! Maybe this weekend!" Matamis ang boses niya. Oo, matamis. Sarap ipapapak sa mga kara-kara, leche siya.

"Uhm... Uh..." Napakamot si Alexis ng likod ng tenga niya bago tumingin sa akin, at ibalik ang tingin niya kay Janine. Napa-buntong hininga na lamang ako at napasubsob sa lamesa ng armchair.

Wala naman akong magagawa. Ano ako, girlfriend?

M.U. lang kami at walang label. At ilan lang ata sa tropa ni Alexis ang nakakaramdam na mayroon kaming mutual understanding. In short, wala pang kami.

"Ano kasi... May... Gagawin ako?" Parang nay nagdiwang sa loob ko nang tumanggi si Alexis. Kaso, di ko maiwasang magtaka, ha? May gagawin siya?

Napatingin ako kay Anjyll at Fari at tumangilid ang ulo ko nang makita ang ngisi sa kanilang mga mukha. Magkatabi pa yung dalawa, nakalugay yung buhok at deretsong nakatingin sa akin kaya medyo creepy yung dating. Shocks, ano kayang meron?

"Ah... Ganun ba? How about weekdays... Maybe Monday or Tuesday? How does that sound?" Aba't nagpa-cute pa ang impakta! May pakurap-kurap pang nalalaman, sarap dukutin ng eyeballs! Hmp!

"Er... May pasok Janine." Pag-singit ni Fari sa usapan, pero hindi siya pinansin ni Janine.

"Come on Six! When was the last time we saw each other ba?" Nagbilang siya kunwari sa daliri pero agad rin iyong ibinaba. "Basta! It's been so long na! Ayaw mo ba akong makasama?" Nakangusong aniya.

Nagtitigan pa silang dalawa at hindi ko alam kung bakit parang medyo sumisikip-sikip ang dibdib ko kaya iniwas ko ang tingin sa kanila.

Naramdaman kong sasagot na sana si Alexis nang pumasok ang Mama ni Alexis sa room. Lahat ng mga magugulo sa classroom ay biglang nagsi-ayusan. Napaayos ng upo ang ilan, at kabilang na ako dun.

"I'll think about it." Tanging sagot ni Alexis na narinig ko. He said it with finality.

Lihim akong napangiti. Atleast hindi siya straight-up-yes ano?

"Good Morning students."

"Good... Morning! Ma'am Lee!" Medyo may katamlayan na bati ng klase. Nagsi-upo na ang lahat matapos sabihin iyon.

"So, our Principal asked me to put Ms. Janine Ignacio, his only niece, under my supervision... Alam niyo namang walang anak ang ating Principal at ang nag-iisa niyang pamangkin ang itinuturing niya ng anak.." Nagsitinginan ang lahat kay Janine. Kaya pala siya pinapasok... "Although it's kinda late since it's already our Second Grading Period... I accepted her as my student since it is our Principal's only request... Now I expect you all to accept her as your classmate. Are we clear here?"

"Yes Ma'am!" Sigaw ng karamihan pero halata namang iilang lalaki at kaunting babae lang ang nakikinig.

"Good. I'm expecting from you, don't let me down."

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Recess na, tara, kain?" Kinulbit ko si Alexis with matching kurap kaso bigla na lamang dumikit si Janine sa kaniya na parang linta.

"C'mon Six, I'm not yet familiar with this school. Tito didn't tour me around kasi eh." Ngumiti ulit ng pagkatamis-tamis ang bruhita.

"Ililibot ko lang si Janine." Paalam ni Alexis kaya napasimangot ako.

"Teka Kuya, ako nalang, saulo ko naman ang school eh." Prisinta ni Anjyll.

"But, I want Six to tour me... I also want to hang out with him." Parang batang pakiusap ni Janine. Napairap ako sa utak.

"Pero--"

"Ako nalang Anjyll." Wika pa ni Alexis kaya mas lalong lumapad ang pagkaka-simangot ko. Gosh, siya, sige, sama. Wala akong pakialam! Nag-usap pa sila, puro pag-kwekwento ni Janine lamang ang naririnig ko.

Naramdaman kong may umakbay sa akin, pagtingin ko, si Jan Rui pala.

"Tara? Libre kita." Wika niya at bahagyang umangat ang gilid ng labi. Tumango na lamang ako at sinenyasan sina Anjyll na pupunta na akong Canteen. Hinayaan nalang nila kami.

Nang makalabas kaming classroom ay muling nagsalita si Jan Rui.

"Excited masyado si Janine, pagpasensyahan mo na." Paliwanag niya nang medyo makalayo kami, hindi pa rin niya tinatanggal yung akbay niya sa akin. Hindi naman na ako nagreklamo. Atleast it's better than seeing Alexis with that clingy Janine.

"Ha!" Nagmake-face ako. "Excited? Masyado naman ata yung grabe para sa excited?"

Napatawa ng mahina si Jan Rui dahil sa sinabi ko. Napangiwi ako.

Hindi excited si Janine. Pa-epal lang siya. Pa-epal.

*

In The Name of LoveWhere stories live. Discover now