Chapter 12

32 7 42
                                    

Chapter 12: Meet The Parents

Jay's Point of View

"Ikaw ha! Di mo sinasabing 'Meet The Parents' stage na kayo!" Tukso sa akin ni Anjyll. Medyo mahinhin pa yung pagkakasabi niya kaya hindi ko naiwasang matawa.

"Ayos lang ba sa kanya?" Tanong ni Daphne patungkol kay Alexis. "Kasi... Medyo may pagka.." Itinaas niya ang dalawang kamay at nag-peace sign, iklinose-open niya ang dalawang daliri pagkatapos. "You know, sina Tito't Tita?"

Napa-oh ang bibig ko. Oo nga, medyo may pagka-OA sina Mama.

"Bakit?" Tanong ni Fari.

"Minsan na kasing nagpunta si Daphne sa amin para kumain." Panimula ko. "Pagdating niya dun, puro tanong ang inabot niya. Kesyo daw maganda naman na may kaibigan na ako, laking pasasalamat daw nila na nagiging normal na ako."

Napa-oh din ang bibig nila Anjyll.

"And, masesense mo naman na agad kila Tito yun." Tumatango-tango pang dagdag ni Daphne na sinang-ayunan ko naman. "Last time, nahiwa ng kutsilyo si Jay, di na siya pinahawak ng kutsilyo."

Napangiwi ako nang maalala yun. Shocks, maliit na sugat lang naman yun eh... Kunsabagay, solong anak, kadalasang over-protective ang mga magulang. Supportive naman sila sa mga desision ko kaya hindi ko na masyadong sinasalungat yung pagiging protective nila sa akin.

"Pero-Yiiee! Meet the parents stage na nga kayo!"

"Gaga! Si Mama ang nag-aya!" Mabilis kong tugon sabay tawa, pero pakiramdam ko namumula na naman ang pisngi ko.

"Ayiee! Nagba-blush siya!" Biglang sumali sa panunukso si Joyce. Nagmake-face ako pero di maiwasang mapangiti. Shocks! Sureball na sureball, mukha na akong baliw ngayon

"Ene be?" Promise, nagtunog pabebe talaga yung sinabi ko, natawa pa sila lalo at nakitawa na rin ako.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Ma."

Sinundan ko si Alexis sa teacher's lounge. Bumeso si Mama-Mama ni Alexis sa kanya. Napakamot naman si Alexis sa batok. Shocks! Ang cute niya!

"Ano yun?" Tanong ng Mama ni Alexis sa kaniya.

"Makikikain ako sa bahay ng kaibigan ko, mamaya." May kahinaan niyang sabi. Napanguso ako ng kaunti sa salitang kaibigan. Kaibigan lang ba? Ba't kaibigan lang? Charot.

"Kila Castillo o doon sa iba?" Tanong ni Mama ni Alexis.

Umiling si Alexis at itinuro ako, wala sa sarili akong nag-bow bilang respeto, at napangiti na rin nang ngumiti si Mama ni Alexis.

Gosh! May pinagmanahan! Kaya ang ganda ni Anjyll at gwapo to the max si Alexis eh! Magaganda ang genes! Yung Tatay rin kaya ni Alexis, sigurado hawig siya ng isa sa magkapatid.

"Sige, anong oras ka uuwi?" Tanong ulit ni Mama ni Alexis.

"Around two o' clock. Lunch lang naman" Sagot ni Alexis.

Tumango lang ang Mama niya at tsaka ngumiti. Shocks naman! Ang ganda talaga ni Ma'am Adrianna! Hindi ko alam kung ilang taon na siya pero mukha siyang mga nasa early thirties lang... Na syempre hindi naman posible dahil Grade 10 na yung anak niya.

"Sige." Tumatango-tango pa nitong sabi. "Just be back before two thirty, okay?"

Tango lang ang isinagot ni Alexis bago tumalikod sa Mama niya. Napakunot ang noo ko, hindi man lang ba niya igu-goodbye man lang ang Mama niya?

Nang makita niya ang kunot na kunot kong noo at magkasalubong kong kilay ay muli siyang humarap sa Mama niya pero naglalakad pa rin papunta sa akin.

"Ma, alis na ako." Yun lang ang kaniyang sinabi bago muling humarap sa akin at nagpatuloy sa paglalakad, tumigil siya sa harap ko saglit bago ako sensyasan at lampasan.

Napakamot ako sa ulo bago sumunod sa kaniya. Mukhang may issue rin sila ng Mama niya ah.

══════ ∘◦❁◦∘ ══════

"Ano ngang pangalan mo iho?" Nakangiting tanong ni Mama kay Alexis pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay. "Ka-gwapo namang bata nito!"

Napahilamos ako ng mukha sa inakto ni Mama, may beso-beso pa itong nalalaman. Ganyan rin ang reaksyon niya noon kay Daphne... Maraming dakdak... Maraming papuri.

"Alexis Lee po." Pilit ngiting tugon ni Alexis kay Mama, pangalawang beses na kasi siyang tinanong ni Mama.

"Naku! Pakagandang pangalan! May dugo ka bang Koreano? O Chinese? Ang kinis ng kutis mk!" Mabilis pa rin ang pananalita ni Mama. Napa-face palm ako sa kaingayan niya. Gosh... Bakit ako nabigyan ng ganitong Nanay?

Pero ayos na rin. Atleast di siya evil mom or ano.

"Ah... Opo."

"Naku! Kaya naman pala! Alam mo ba, si Jaylie? Naku! Hirap na hirap ako sa pagpapakinis at pagpapaputi dyan dati!" Feel na feel niya talaga ang pagkwekwento. Namula ako sa hiya. Alam ko na ang kasunod.

Bahagyang lumapit si Mama sa tenga ni Alexis at bumulong, pero dahil likas na malakas ang boses niya ay nasagap ito ng tenga ko.

"Nognog kasi yan dati, mana sa Tatay niya."

"Ma!" Saway ko. Pinag-initan ako sa hiya. Napanguso ako at napayuko, pero bahagyang nagulat nang tumawa si Alexis.

It was a small laugh. Pero it's still a laugh!

"Bakit parang nakakita ka dyan ng himala, Jaylie?" Puna ni Mama kaya mas napanguso ako.

"Eh, tumawa siya eh." Turo ko kay Alexis. Ngumiti siya ng malaki sa akin at mas lalo akong pinamulahan.

S-to the-H-to the-OCKS. Ngumiti siya ng malaki! Genuine! Makalaglag panty! Yiieee! Parang may nagwawala sa loob ko!

Shutangires, lumalandi ka na Jaylie Raquel! Gosh! Mga malalanding hormones, magsilayasan kayo!

"Oh eh ano naman kung tumawa siya?" Tanong pa ni Mama.

"Hindi po kasi ako palatawa sa school." Si Alexis na ang sumagot. Hala siya? Honest much?

"Oh, edi mabuti na tumawa ka! Ngiti-ngiti iho! Sayang ang pagka-pogi." Ngumiti si Mama kay Alexis. "Oh, eto na pala, kain na tayo, nagluto ako ng Mechado. Nakain ka ba nun?"

"Kahit ano po kinakain ko."

Nagtungo sila sa Dining Room kaya sinundan ko sila. Naabutan namin si Papa sa upuan, nagbabasa ng dyaryo. Dumapo ang paningin niya kay Alexis.

"Ah! Ito na ba yung sinasabi mo Sally?" Tanong ni Papa, hyper na tumango si Mama. "Ah! Anong pangalan mo iho?"

"Alexis Lee po." Sagot muli ni Alexis.

"Jaylie ha! Hindi mo sinabi na ganito ka-gwapo ang manliligaw mo. Kasing gwapo ko nung kabataan ko!" Bulalas ni Papa at tsaka humalakhak.

"Pa! Hindi ko siya manliligaw!" Gusto ko sanang dagdagan ng 'pa' kaso hindi siya dumulas sa bibig ko.

Humalakhak lang ulit si Papa at tsaka muling nagsalita.

"Hm, pero pasado na siya sa standards ko."

Pinamulahan ako lalo sa sinabi niya. Napatingin ako sa malapit na salamin at nang makita kong sobrang pula na ng mukha ko ay agad akong nag-excuse para pumunta sa banyo.

Hinarap ko ang sarili ko sa salamin sa banyo at wala sa sariling napangiti.

Shocks! Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyayari kapag pinakilala ko na si Alexis kila Mama!

Wala pa ngang ginagawa, good shot na! Ang galing naman ni Alexis!

Lumabas ako sa banyo ng nakangiti pa rin pero nabawasan na kahit papano yung pamumula.

*

In The Name of LoveWhere stories live. Discover now