"Yura..." Banggit ko ng magkasalubong ang aming mga tingin. Agad naman itong lumapit at ngumiti saakin.

"Kris." Sambit n'ya sa pangalan ko. Lalong dumagundong ang tibok ng aking puso sa sunod na ngalan nitong binanggit. "Si Leo?"

"He's not here. Siguro ay nagiikot." Sabat naman ni Loki sa aming dalawa. Napatingin naman si Yura dito na mas ikinalaki pa nito ng ngiti. Agad itong niyakap ni Yura.

"Well, it's fine. Since nandito ka naman." Yura exclaimed. "So.... See you later?" Excited pa nitong tanong.

"Later?" Naguguluhan kong tanong. Bigla namang napakunot ang noo nito.

"The summoning. Don' t tell me hindi pa san'yo nasasabi?" She smirked. "Fine I guess, dahil sigurado namang ako ang mapipili." Huli pa nitong banggit bago ngumiti, kumindat at tsaka umalis. Nagkatinginan naman kami ni Loki.

"This maybe the cause why your father is calling us." Tahimik akong napatango sa sinabi ni Loki 'saka kami nagpatiuna sa paglalakad.

Yura is Leo's ex. In addition, isa din s'ya sa may titulong Luna. Both of us are candidates for Luna. Dahil tulad ko ay may Luna din s'ya sa pangalan. Bukod pa don ay hindi basta-basta ang lakas nito, isa pa, isa din s'yang prinsesa. prinsesa ng bansang Badrion. At isa lamang saamin ang maaaring maging si Diana.

Tahimik at walang imikan naming narating ni Loki ang opisina ng aking ama.

--

Reynang Hera

"Ito ba Henesis?" Tanong ko sa aking punong tagapagpayo habang tinatanaw sa isang sanaw (puddle) sa lupa. Doon ay malinaw kong nakikita ang isang dalagitang nakasuot ng itim na damit. Malayang nilalakad ang daang madilim at tahimik. "Ito ba ang hampaslupang iyon?" Natatawa kong saad habang pinapanood itong tunalon-talon ng bato sa gitna ng ilog na tatawiran patungo sa bayan.

Napansin ko ang hindi pagsagot ni Henesis. Kaya naman pinanlakihan ko ito ng mapupula at halos tuyo ko nang mga mata. Pero wala akong pakialam doon! Dahil sa oras na mamatay ang lahat ng tao ay sisiguraduhin kong ako na lamang ang pinakamaganda.

At ang aking asawa ay hindi na muli pang titingin sa iba!

Napahalakhak ako sa naisip. Maaaring mukhang bangkay ako ngayon, ngunit lahat ng ito ay hindi rin magtatagal! Lalo na't napapalapit na ang ankatakdang araw kung saan magmamanipesto ang aking sumpa!

Ang halakhak ko ay naging isang ngiti ng makita ang paglunok ni Henesis. "O-opo reynang Hera... Opo." Muli kong tinanaw ang dalagang hanggang ngayon ay naglalakbay padin.

Pinalipad ko ang hangin patungo sa kanya na naging dahilan ng pagkakaalis ng pantakip nito sa ulo.

Nakawala ang kanyang mahaba at kulot na nakataling buhok. Lalong bumangis ang pagkakagusto ko sa kanyang kamatayan ng makita ko kung gaano kaganda at kaamo ang kanyang pagkatao.

Ano kayang magiging reaksyon ng mga Luna pag nalaman nilang ang isa sa kanilang mga Elra ay ako pala? Napatawa ako sa naiisip.

Tanga ka prinsesa ng Altaria! Sinong susugal sa isang babaeng tulad n'ya? Oo nga't malakas ang kanyang kapangyarihan, naaamoy ko ito noong huli kaming nagkalaban. Pero isang babaeng Elra?

Napangisi akong muli.

Mga inutil!!!

--

Crescent Frendall Altaire

"Handa ka na ba?" Napatigil ako sa pagmumuni sa tapat ng veranda ng aking kwarto ng may nagsalita. Naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso habang dahan-dahang napapalingon sa punong nasa tabi nito.

The Elven Round (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ